Picture #22

56 6 4
                                    

[Jax]
(Few week passed)
Sa bawat araw na nagdaan ay palagi akong palihim na bumibisita kay Ai sa hospital. Pinapanood ko lang siya mula sa malayo.

Nakabantay ako sa tuwing nagpepainting ito sa mini garden kung saan siya palaging pumupunta.

Hindi ko naman magawang lumapit sa kanya, natatakot ako...



...Natatakot ako na baka ipagtabuyan na naman niya ako.

At marinig mula sa kanya na hindi na niya ako kailangan sa buhay niya...



Masaya na akong makita at maalagaan siya mula sa malayo sa paraang ganito.

Jax, anak, what do you think about this proposal?

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?

Jax??

Kamusta na kaya ang kalagayan niya?

Are you with me Jax Wesly Montereal??!! Malakas na tanong sa akin ni Dad kaya agad naputol ang aking iniisip.

Gulat kong tiningnan si Dad.

Sorry po Dad, ano nga po ulit iyon? Hingi ko ng paumanhin dito.

Napabuntong-hininga naman ito bago magsalita.

Jax, ilang linggo na namin napapansin ng Mommy mo na parang out of focus ka. Palaging malalim ang iniisip mo. Tinitigan lang ako ni Dad. Hindi kami nagtatanong ng Mommy mo tungkol sa pinagdadaanan mo right now dahil alam namin na gusto mo ito ihandle on your own, pero sobra kaming nag-aalala sayo especially your Mom. Ngumiti ito sa akin. Pero nak, ito ang tatandaan mo if you need someone to talk to and if  you need some advise nandito lang kami  ng Mommy mo. Malungkot naman akong ngumiti dito.

Thanks Dad. O—okay lang po ako. Alanganin akong ngumiti.

Are you sure? Tanong ni Dad na nakapagpatigil sa akin.

Nagkita na kami Dad. Panimula ko, wala naman akong nakuhang reaction mula kay Dad kaya nagpatuloy ako. Hindi naman po talaga kami totally magkikita talaga. Sinundan ko lang po si Asher that time and hindi ko inaasahan na iyon yung magiging way para magkita kami at malaman ko yung totoo. Napakunot naman si Dad dahil sa huling sinabi ko.

Malaman yung totoo?? What do you mean by that? Tanong ni Dad.

May sakit si Ai, Dad. A very rare heart disease. Anytime pwede tumigil ang puso niya. Mahinang sabi ko. Natigilan naman si Dad dahil sa sinabi ko.

Is she okay? Nag-aalalang tanong ni Dad.

I don't know po Dad. She keeps on pushing me away. Siguro po, ginagawa niya lang po iyon dahil she doesn't want me to know her condition. Malungkot kong sabi. Gusto kong magalit, magtampo sa kanya Dad dahil hindi siya nagtiwala sakin. She concluded agad na iiwanan ko siya once I knew her condition. Nasasaktan ako Dad sa tuwing iniisip ko na mas pinili niya akong palayuin kaysa pagkatiwalaan. Pero kahit nasasaktan ako nakikita ko pa din ang sarili ko na binibisita at chinecheck siya nang hindi niya nalalaman. Mapait akong ngumiti. Okay na akong makita siya kahit sa malayo lang.

Son, kailangan mong maging matapang para sa kanya. Wag kang matakot sa kung ano mang sabihin at gawin niya sayo na maaring makasakit sa damdamin mo. Sabi mo nga, na maybe that's her way para lumayo ka sa kanya. Kung gagawin mo ang sinabi niya para mo na din pinatunayan sa kanya na tama siya sa conclusions niya about sayo. Kailangan niya ngayon ng taong masasandalan, yung magpapalakas ng loob niya sa kabila ng pagsubok na ito. Kaya Son, manatili ka lang sa tabi niya kahit ilang beses ka pa niyang ipagtabuyan. Mahabang sabi ni Dad.

SceneryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon