Picture #3

90 6 0
                                    

[Aisha]
Palihim kong sinilip ang relo na suot ko para i check kung anong oras na. Friday ngayon at ito na ang last day class namin ni Teacher Hannah para ngayong week na ito at after nito ay may free time ako para pumunta sa park.

Ngayon ko kasi balak mag sorry dun sa lalaking nakasagutan ko.

Nabobored ka na ba sa klase natin? Agad naman akong napatingin kay Teacher Hannah.

P—Po?

Kanina ko pa kasi napapansin na kanina ka pa tumitingin sa orasan mo kaya naisip ko na baka nabobored ka na. Nakangiting sabi nito.

Hindi po. Sorry po. May importante po kasi akong lakad after ng klase natin. Nahihiyang paliwanag ko.

Ganun ba. Sige sagutan mo muna ito. Sabay abot sakin ng test paper na prinint niya kanina. After mo masagutan iyan, pwede ka na pumunta sa lakad mo. Just make sure na hindi mo mamadaliin ang pagsasagot niyan. Nakangiti parin sabi nito sa akin.

Agad ko naman sinunod ang sinabi niya. Madali kong nasagutan ang exam na binigay niya dahil fast-learner naman ako at madali akong magkabisa.

Nang matapos ako ay binigay ko na sa kanya yung exam papers ko. Inumpisahan naman niyang chekan ang mga ito.

Okay, mataas yung nakuha mong score. Good job! Next week, new lesson tayo. Nagsimula na itong magligpit ng mga gamit niya.

Thank you po.

Sige na pwede ka nang pumunta sa lakad mo. Nakangiting sabi nito.

Nagpaalam na ako at nagpasalamat bago ako tuluyang umalis para pumunta ng kwarto ko at magpalit.
————————————————
Pagdating ko ng park ay agad akong nagtungo sa favorite spot ko. Agad kong iginala ang aking paningin sa buong lugar para hanapin siya, kaso bigo akong makita ito.

Mukhang hindi ko siya inabutan tsaka mukhang malabo ko siyang makita dito ngayon. Halos 4 days din akong hindi nakapunta dito. Mahina kong sabi at tumalikod na para umuwi sana nang matanaw ko yung lalaking nakaupo doon sa may damuhan sa isang puno medyo may kalayuan mula sa pwesto ko.

Agad akong pumunta sa kinaroroonan niya.

Nang makalapit ako sa kanya ay agad akong tumayo sa tapat niya.

Naagaw ko naman ang pansin niya kaya tiningala niya ako.

Nang makilala niya ako ay agad siyang napabuntong-hininga.
————————————————
[Jax]
Ilang araw din ang lumipas mula noong huli akong nagpunta dito. Bukod sa pumapasok ako sa school ay nagtraining din ako kaya wala akong oras para gawin yung hobby ko.

Napabuntong-hininga naman ako habang hawak ang camera ko. Ngayon ko kasi balak kumuha ulit ng pictures after burahin nung babae yung mga pictures na pinaghirapan kong kunin.

Pag naalala ko yung araw na iyon hindi ko maiwasang mainis. Hindi manlang kasi siya humingi ng sorry sa akin.

Agad kong napansin ang pares ng sapatos sa harap ko kaya tiningala ko ito para malaman kung sino ang nag mamay-ari nito.

Napabuntong-hininga naman ako ng makita ko kung sino ito.

Anong kailangan mo? Pagbibintangan mo na naman ba ako? Walang gana kong tanong dito sabay tingin ulit sa camera ko.

No. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Wala talaga siyang emosyon kapag nagsasalita, wala din siyang pakialam sa mga sinasabi niya, napaka insensitive nito.

SceneryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon