[Jax]
Nandito ako ngayon sa veranda para icheck yung mga pictures na kinunan ko.Habang nag scroll ako ng picture, natigil ako sa last picture.
Picture ito nung babaeng tumulong sa akin. Nakatitig lang ako sa picture niya.
Napangiti naman ako ng maalala yung sa karinderya.
Mukhang masaya ang anak ko ah! Agad akong napatingin sa may pintuan. Nakasandal si Mommy dito at pinapanood pala ako.
Agad ko naman isinira ang laptop ko. Wala po Mommy, may naalala lang.
Ano naman iyon? May ngiting pang-asar ito sa akin.
Mommy, naalala po ninyo yung babaeng nagbura ng mga pictures ko sa camera ko? Nakangiti kong tanong kay Mommy.
Oo, bakit? Anong meron sa kanya?
Nakita ko po siya kanina. Nagsorry din po siya sa akin tapos tinulungan niya po ako kanina sa pagkuha ng picture bilang pagbawi daw sa ginawa niya.
Kaya ka pala nakangiti. Naku!! dapat ipakilala mo iyan sa Mommy. Biro sa akin ni Mommy kaya napahawak ako sa batok ko.
Mommy naman! Wala po iyon. Hindi ko pa nga po alam ang pangalan niya.
What? Nakausap at tinulungan ka pa tapos hindi mo pa nalaman yung pangalan. Gulat na sabi ni Mommy. Don't worry marami pang chance para malaman mo ang pangalan niya. Kinikilig na sabi ni Mommy kaya natawa ako.
Si Mommy talaga.
Anong pinag-uusapan ninyo? Mukhang late na ako ah! Biglang sabat ni Dad sabay yakap sa bewang ni Mommy.
Yung anak mo nagbibinata na Hon. Nakangiting biro ni Mommy.
Oh! Really?? nice one Son!! who's the lucky girl? Nakangiting biro ni Dad talagang nagkampihan pa sila ni Mommy sa pang-aasar sa akin.
Hindi pa po ba tayo mag didinner? nagugutom na ako. Tumayo na ako at nag-umpisang magligpit ng gamit ko.
Aba Hon, marunong nang magpalusot anak natin ah. Sabi ni Mommy kay Daddy.
Syempre!! Kanino pa ba magmamana? Natatawang biro ni Dad.
Oh siya! Halika na Hon sa loob magbihis ka na para makakain na tayo. Ikaw Jax sumunod ka na sa loob, okay?
Yes Mom.
Tara Hon, tulungan mo na kaya akong magbihis. Pilyong biro ni Dad kay Mom kaya naman tinaasan ito ng kilay ni Mommy.
Ay naku! Xave, wag ka nga magulo diyan!! Naririnig ka ng anak mo oh! Inis na sabi ni Mommy at naunang pumasok sa loob.
Natawa at naiiling nalang ako dahil sa asaran ng parents ko.
————————————————
[Aisha]
Agad kong sinara ang librong binabasa ko nang maramdaman kong bumukas ang glass door ng balcony ko.Isha. Mahinang tawag ni Mae nang lingunin ko ito. Pinadalhan ka ng Mommy mo ng gatas para daw makatulong sa pag—
Sige iwan mo nalang diyan. Iinumin ko nalang mamaya. Salamat. Pilit na ngiti ko kay Mae.
Kamusta yung pagpunta mo sa park? Nakita mo ba yung lalaking kinuwento mo sa akin? Tanong nito sa akin ng makalapit ito.
Oo, nakapagsorry na ako sa kanya at tinulungan ko siya sa pagkuha ng mga picture bilang pambawi sa ginawa ko. Kwento ko kay Mae.