[Aisha]
Pinagmamasdan ko lang si Kuya habang abala itong mag-ayos ng mga gamit niya.May out of town meetings ka na naman ba Kuya? Tanong ko dito.
Yes, mga 1 week din iyon kaya hindi ako makakapagbantay sayo. Tumango-tango naman ako.
Nandito naman sila Mommy and Daddy kaya okay lang Kuya. Sabi ko.
But 7pm pa available sila Mom and Dad. Kailangan din nila asikasuhin ang company dahil tambak na ang mga paperworks nila. Don't worry inaayos na nila, by next week okay na lahat. Nakangiting sabi ni Kuya. And besides may nakausap na akong sasama sayo dito while I'm not around. Papunta na siya ngayon dito. Agad naman kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Kuya.
Sino naman iyon?
Wag mo sabihing nag hired pa sila ng magbabantay sakin dito?
Dapat si Mae nalang pinapunta ninyo dito, Kuya. Hindi na ninyo kailangan pang mag hired. Sabi ko ulit kay Kuya.
Hindi naman kami nag hired Ish. Kilala ko yung pinakiusapan kong magbabantay sayo. Naguguluhan ko naman tiningnan si Kuya. Oh! Nandito na pala siya. Sabi ni Kuya habang nakatingin sa pintuan kaya napatingin na din ako dito.
Nagulat at natigilan ako ng makita ko kung sino ang tinutukoy ni Kuya.
Jax. Mahina kong sambit ng pangalan nito.
Jax, salamat sa pag payag sa pabor na hiningi ko sayo. Nakangiting sabi ni Kuya. Ngumiti naman si Jax.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Kuya.
Ano bang ginagawa ni Kuya?!!
Nakalimutan na ba niya yung sinabi ko sa kanya?!
Wala ka naman gagawin kundi bantayan at samahan lang siya. May personal nurse naman siya na mag aasikaso sa kanya regarding sa mga medicines niya. Pasensya ka na din sa abala. Mas panatag kasi ang loob namin pag ikaw ang kasama ni Ish. Sabi ni Kuya kay Jax.
Kuya! Ano ito?? Diba nag- usap na tayo?!! Ano bang ginagawa mo?? Inis kong tanong kay Kuya.
Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko gustong maging pabigat kay Jax tapos ngayon hihingi siya ng pabor dito.
Ish, wag ka na mag reklamo. Magpasalamat ka nalang na babantayan ka ni Jax. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Kuya. I'll go ahead, Jax ikaw na muna bahala kay Ish. If may kailangan ka or something call me, ako na ang bahala magsabi kina Mom and Dad and thank you ulit sa tulong mo. Tumingin naman ito sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko at nilagay ko sa tapat ng dibdib ko ang dalawa kong kamay.
Ish, aalis na ako. Be good okay? Sabi sakin ni Kuya at humalik sa noo ko.
Nang makaalis na si Kuya ay malakas akong bumuntong-hininga at tiningnan ng masama itong kasama ko.
Do you need something? Cool na tanong nito sa akin. Inirapan ko lang siya. May dala akong pizza. Ipaglalagay kita sa pl—
Look! Hindi ko alam kung anong sinabi sayo ni Kuya para pumayag ka sa hiningi niyang pabor sayo, umalis ka na. Hindi ko kailangan ng awa at tulong mo. Masungit kong sabi sa kanya.
Nakatingin lang ito sa akin. Ipaglalagay na kita. Mukhang gutom ka na. At maglalakad na ito sana nang magsalita ulit ako.
Hindi mo ba ako narinig? or naintindihan manlang yung sinabi ko?? Inis kong tanong. Sinabi ko nang umalis ka na, hindi ko kailangan ng tulong mo. Masungit kong sabi.