VIII. Bribe

310 13 0
                                    


Chapter 8
Bribe

"Aria... May hindi ka sinasabi sa'min?"

Nakakadalawang hakbang palang ako paakyat ng hagdan nang may magsalita sa likod ko. Nakahalukipkip si Eujay, si Eujef ay nakaismid, at si Eusef naman ay tahimik lang na nagmamasid sa reaksyon ng mga kapatid.

Kinabahan ako sa tanong ni Eujay. May alam kaya sila?

"W-What are you talking about?" I acted cooly but my stuttering didn't escape their senses. They even made fun of it.

"Kabado much?" Pang-aasar ni Eujef.

"A-ano bang pinagsasabi n'yo?"

Alam na kaya nila ang tungkol kay Wesley?

"May gusto ka kay Madriaga, noh?"

Hindi ko alam pero mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Eusef. Si Eusef na minsan lang magsalita ay inaakusahan akong may gusto kay Raeden Madriaga.

I crossed my arms at humakbang muli pababa ng hagdan at dumiretso sa lounge. Ramdam ko ang pagsunod nila ng tingin sa akin.

"Hindi, noh! Wala akong gusto ro'n!" Giit ko.

"Good. I can't imagine my cousin marrying a poor man." Si Eujay.

Inirapan ko siya. Sa kanilang magkakambal, si Eujay ang may pinakamagaspang na ugali. He's the most ruthless jerk I've ever known. Bukod sa parang damit lang kung magalit ng girlfriend, bully rin at arogante. That's what I meant when I said 'ruthless'. Siya yata ang nagmana sa pagiging matapobre ni Grandma at Tito Reugene.

Ibinagsak ko ang shoulder bag ko sa sofa bago ko isunod ang aking sarili. Umupo si Eujay sa tabi ko habang si Eujef naman ay umupo sa katapat kong sofa. Si Eusef ay nanatiling nakatayo sa likod ng inuupuan ni Eujef at ipinatong ang kanyang kamay sa backrest ng sofa.

"Wala namang masama sa pagiging mahirap," ani Eusef. "Ang masama eh yung hayaan mo yung sarili mong mastuck sa pagiging mahirap."

Deep. Sabi ko nga, minsan lang magsalita itong si Eusef, pero kapag nagsalita naman ay makabuluhan, hindi kagaya ng isa rito...

"Kung magboboyfriend ka rin naman, dun ka na sa may ibubuga- yung gwapo, mayaman, kilala sa lipunan, at yung maipagmamalaki sa mga magulang. In short, piliin mo yung kagaya namin," suhestiyon ni Eujef.

"Don't give her an idea to marry his cousin," sabi ni Eusef sa kapatid bago bumaling sa akin.

Sometimes, I just want Eusef to shut his mouth like what he always do, dahil kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. Para bang nagpaparinig siya at ang dating noon sa akin ay parang may alam siya.

"Don't tell me what to do guys. May isip din ako," I said as I rose at isinukbit ang shoulder bag ko. "I gotta go." Bago pa mapunta sa kung saan ang usapan.

Ilang beses na tumawag si Wesley sa akin at ilang beses ko rin iyong nireject. I don't wanna talk to him at this moment dahil gulong-gulo pa ang isip ko. I cannot decide whether to break up with him or continue our relationship. Natatakot rin naman ako sa banta ni Raeden sa akin. Alam kong hindi lang si Grandma ang magagalit sa akin kundi ang buong angkan namin.

Now the big question is, ano ang gagawin ko para hindi ako isusumbong ni Raeden na hindi ko pinipiling saktan si Wesley?

Isa lang naman ang naiisip kong paraan: Destroy him. Kapag hindi ko siya sinira, ako ang sisirain niya.

Pero, paano? I don't know. I don't want to think about it at this moment.

I could pay men to sabotage him pero inisip ko rin na pwedeng isumbong rin ako ng mga babayaran ko kapag nagkagipitan. Pwede kong ipasira ang kotse ni Papa habang gamit ni Raeden iyon at kapag nagkaaberya ay sakanya isisisi. Syempre, because my Dad is fond of cars, magagalit siya kay Raeden and he would be glad to send him out of the mansion. Eh, kaso, lahat naman 'yan ay head knowledge lang. Hindi ko yata kaya. At hindi naman ganoon kababaw si Dad para masira ang tiwala sa lalaki na iyan dahil lang sa kotse. Ayoko rin naman na baka sa mga binabalak ko, si Papa pa ang mapahamak.

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon