XXXIL. Donor

262 5 0
                                    

Chapter 39
Donor

"Gusto ko siyang pabagsakin. Gusto ko siyang pagdusahin hanggang sa lumuhod siya pabalik sa'kin. Pero bakit ganun? Bakit ngayon eh parang ako yung hawak niya sa leeg at ayos lang iyon sa'kin?"

Para akong inugatan sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko magawang tignan siya. Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi niya.

Tapos na ang palabas?

Anong palabas?

Marahan niyang hinila ang braso ko para ilapit sakanya. Nakita kong nanggigilid na ang mga luha ni Marinel habang nakatingin sa'min.

"Anong palabas? Anong... Hindi ko maintindihan..."

"No one's going to be a mistress... I am not married anyway."

My jaw dropped.

"'Di ba mag-asawa kayo? Live-in perhaps? At may anak kayo."

Tinignan ko siya. His eyes full of desire. Malayo sa matang lagi niyang ipinapakita. Wala na iyong bahid ng poot at paghihiganti.

"Hindi ka parin nagbabago... Ang hilig mo parin akong ipamigay... Ang hilig mo paring ipagtulakan ako sa iba." suminghap siya at nag-iwas ng tingin. "Hindi kami kasal. Hindi rin live-in. So stop it. You just concluded everything. Sinakyan lang kita."

Oh, great!

Nananaginip ba ako?

Hindi sila?

"Pero may anak kayo!"

"He's not my son."

Kumunot ang noo ko. Hindi makapaniwala sa narinig. Tinignan ko si Marinel. Nakatitig lang siya sa'min at parang nag-aabang sa kung ano.

"Then who's the father?"

"It's not for you to know!" singhal niya sa'kin. Binalingan niya si Raeden. "I am so disappointed, Raeden. Akala ko pa naman matalino ka sa lahat ng bagay... Pero pagdating sa pag-ibig natatanga ka. At san ka dinala ng paghihiganti mo? Sakanya parin?"

"Oo, Marinel. Sakanya parin. Gusto kong kunin lahat sakanya... Gipitin siya para wala na siyang takas... hanggang sa wala nang matira sakanya... Hanggang sa ako nalang ang meron siya... Hanggang sa lumapit siya sa'kin at lumuhod. That was my original plan. Pero hindi ko alam kung anong nangyari. Gusto ko nalang lumuhod sa harap niya at magmakaawa na mahalin niya ako."

Laglag ang panga ni Marinel sa sinabi niya. Kahit ako, di ako makapagreact. Narinig ko na 'to sa recorded video ni Dustine. Pero iba parin pala kapag narinig ng harap-harapan.

"Gustong gusto kong lumuhod sa harap mo ngayon, but you deserve the best. Atleast, hindi dito sa gilid ng washroom."

That was... mind blowing and literally stunning. I couldn't react. Di ko alam. Para akong lumulutang sa ere habang pilit na pinoproseso ang mga nalaman.

Iniwan kami ni Marinel. Hindi siya pinigilan ni Raeden. Nasa akin lang ang buong atensyon niya.

"Let's start all over again."

I can't decide. I don't want to decide just yet.

Iniwan ko siya roon. Bumalik ako sa dressing room at nakangiting si Tita Elaine ang naabutan ko.

"You are the chosen designer! Ylona Ong will design for the Principal Sponsors and the Bridesmaids. But you will design the bridal gown!"

Parang nasapawan ng saya lahat ng inaalala ko.

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon