XXXVI. Girlfriend

238 7 0
                                    

Chapter 36
Girlfriend

"Kuya!"

Nakangiting sinalubong ni Raeden ng yakap ang batang tumakbo palapit sakanya.

"Jusko, mukhang asensado ka na talaga!"

Napatingin ako sa iilang mga kananayan at mga batang lumapit talaga sa amin nang makita ang papalit na Bugatti Veyron. Hindi pa nakakababa ay may mga binatang lumapit na sa kotse at kinilatis iyon. Tumawa lang si Raeden habang pigmamasdan ang mga lalaking mangha sa sasakyan niya.

"Kumusta ho kayo rito?" tiningala ni Raeden ang isang matandang babae habang hinahaplos niya ang ulo ng batang nakaupo sa kandungan niya.

"Ayos naman. Sagana ang ani at magaganda ang bunga ng mga ubas ngayon, Rae."

Tumango si Raeden at tumayo. I feel so out of place. Nakay Raeden ang atensyon nilang lahat. Not that I want their attention. Nakakabastos lang na ni hindi niya ako magawang ipakilala sakanila.

"Maayos naman po ba ang pakikitungo ni Aidan?" tawa niya.

"Anong klaseng tanong 'yan? Sobrang bait ko sakanila, noh? 'Di ba po?"

Tumawa ang isang may kaedaran nang babae at pabirong tinapik ang braso ng lalaking lumusot mula sa mga baging.

That man looks so handsome on his long sleeves, denim pants and yellow timberland boots. I traced Raeden's boots. Parehong-pareho ang suot nilang dalawa. Only that, malinis ang kay Raeden habang ang kay Aidan ay nanglilimahid sa dumi.

"Ikaw talaga ang ipinunta namin dito. Just checking kung pinagmamalupitan mo ang mga tao rito sa plantasyon."

Napatingin si Aidan sa'kin. Nung una'y nanlaki ang mata niya at sumulyap kay Raeden bago bumaling ulit sakin at ngumiti. Ipinunas niya ang kamay sa maong na pantalon bago lumapit at inilahad ang kamay sa'kin.

"Aidan Galvalho, Ma'am. Bagong haciendero-"

"Hardinero." pagtatama ni Raeden sakanya.

Nabitin ang kamay niya sa ere nang hilain ako ni Raeden palapit sakanya.

"Excuse me, Heredero. Ipinamana mo na sa'kin 'tong plantasyon mo, remember?"

Pabirong sinuntok ni Raeden ang braso ng kausap. "Ipinagkatiwala kahit di ka katiwa-tiwala. If it weren't for your ex, hindi kita hahayaang gumala-gala rito, eh. Kung di lang talaga niya gustong pahirapan ka."

"Ouch, man!"

Sinuyod ko ng tingin ang kamay ni Raeden na nakahawak sa pamulusuhan ko. Muli kong ibinalik ang tingin sakanya. I've never seen him this jolly. I only know him as someone very serious, very mature and very intimidating. Hindi ko pala talaga siya kilala.

"Hay nako. Halika na nga kayong mga bata kayo. Kumain na tayo. Gutom lang 'yan. Dito na kayo kumain at ipinaghanda talaga namin kayo."

"Hindi n'yo talaga ako mahal, aling Rosana. Nung ako yung bagong dating, di n'yo ako pinaghanda."

"Naman talaga si Aidan, nagtampo pa!"

Nag-unahan na sila sa paglalakad. Hinila naman ni Raeden ang pamulsuhan ko ngunit hindi agad ako nakagalaw. Nang mapansin ng ilan na hindi sumunod agad si Raeden ay lumingon sila. Gano'n din si Aidan. Hindi ko yata masisikmurang makikain sakanila samantalang ni hindi nila ako pinapansin.

"Halina nang makakain na 'yang asawa mo, Raeden. Mamaya na tayo magchikahan at baka mausog lang 'yan, mawalan pa kami ng trabaho."

Nagtawanan sila at nagpatuloy na.

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon