XLX. Cruel

266 4 0
                                    

Chapter 45
Cruel

"What do you wanna eat?"

Hindi ako mapakali sa mga titig ng mga kasamahan namin. Some are already eating habang kami naman ni Raeden ay kapapasok lang ng restaurant. Kamuntik pa naming di maabutan yung free breakfast dahil ang last call ay 10 a.m. at 9:30 na ako nagising. Raeden waited for me, tho.

Wala sana akong planong sumabay sakanya sa pag-almusal, kung hindi lang siya buntot nang buntot sa'kin.

"May kamay ako," sabi ko nang aagawin niya sana ang plato at kutsara sa kamay ko.

"I just want to help."

"I can manage."

Vegetable salad lang ang gusto kong itake for breakfast since we are having our lunch at 11 a.m. But I was surprised when he put garlic rice on my plate. Gusto ko sana siyang singhalan kung hindi lang niya ako tinalikuran bago pa man ako makareklamo.

I was frowning while looking for a vacant table. Wala nang ibang bakante kundi ang 4-seater table nina Aidan at Thais.

I saw him waving his hand kaya wala na akong nagawa kundi lumapit sakanila.

"Nalate din ba kayo ng gising?" Agad na tanong niya sa'kin nang hilahin niya ang upuan para sa'kin.

"Thanks..." I smiled at him. "Napuyat. Dami ng iniisip."

"Tulad ng?" tanong ni Aidan sa'kin bago lingunin ang nakabusangot na si Thais. "Eat your breakfast. Magssnorkeling pa tayo mamaya."

"Like, hanggang kelan tayo rito..."

Dumako ang tingin ni Aidan sa likod ko. The next thing I knew, Raeden was sitting next to me.

"Bad idea yata na dito ka umupo," Aidan kidded.

Hindi nagreact si Raeden. He looked at me instead. "We'll check-in to The Private House."

"Woah! Why the sudden change of plan?" Si Thais.

"I couldn't sleep last night."

Kumunot ang noo ni Aidan sa'kin. Even Thais looked confused. I just kept my mouth shut.

It was awkward to share table with Thais and Aidan. Most of the time, Aidan was pulling his desperate attempts to impress Thais but it turns out the other way around. In the end, Thais would always walk away from him.

"Nakakapagod na."

I saw a glitch of pain in his eyes. Dali rin 'yong nawala nang tawanan siya ni Raeden.

"Mapagod ka lang. 'Wag mong sukuan."

Sinimangutan siya ni Aidan bago tumayo. "Yabang mo! We're on the same boat, pare."

Raeden shook his head as he looked at his friend who's chasing his love of his life. I was doing the same thing. Kaya naman nang lingunin ko siya ay nagtama ang mga tingin namin. Agad akong nag-iwas at ginala ang tingin sa paligid.

Sa kabilang mesa ay nagkukulitan sina Celestine habang pinanonood kami, like we're some kind of entertainment to them.

After eating our breakfast, they prepared for the snorkeling. Ako naman, nagpprepare para sa pagi-ATV mamaya.

"You sure you won't come with us?"

He's crossing his arms while leaning on the wall. He's watching me prepare my things.

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon