XIX. Son

244 9 0
                                    

Chapter 19
Son

Dire-diretso kong tinungo ang kwarto nang hindi lumilingon sa kanila. Umaalingawngaw ang boses ng bata at ni Raeden sa hallway. Kanina, kitang kita ko kung paano niya kinarga ang batang lalaki. He looks so fond of his son.

I scanned the whole room. There is an overlooking view of the skyscapers from the veranda. The wind that blown the curtains is just so unctuous. I went there to feel the fresh air.

From here, I saw a Benz slowly approaching. I remember that car the first time I saw Raeden in the city. I wonder who's driving the car right now.

Humawak ako sa railings habang nakayuko at kinikilala ang babaeng kabababa lang ng kotse. Humigpit lamang ang hawak ko roon nang makita ang kabuuang mukha ng babae.

Sporting her classic velvet shirt collared tops, black palazzo pants and D'orsay, she went straight to the vestibule until she disappeared.

Hindi ko maproseso ang mga nalaman ngayong araw. I hate the fact that minutes ago, I was astounded with his austere grandeur, and then the next thing I knew, I was thunderstuck by the fact that he's got his son. Hindi ko alam na may mas nakawiwindang pa pala roon.

Ang mga hula ko at kuro-kuro ay napatunayan nang ipatawag ako ni Raeden para sa hapunan. I was hesitant to go downstairs. Naririnig ko palang ang boses nila sa hapag ay tinatayuan na ako ng balahibo sa batok.

I tried my best to compose myself the moment I reached the groundfloor. His eyes automatically darted at me. Iniwas ko ang tingin sakanya at bumaling sa katabing nasa kaliwang kabisera ng lamesa. She's wearing a lavender nighties while the young boy sitting next to her is wearing his jumpsuit.

I swallowed hard as I went to the left side of the table. I was about to sit when Raeden tapped the right side of the table as if commanding me to sit right there. Naiurong ko na ang upuan at kailangan ko pang itulak iyon bago umupo sa kanang bahagi ng mesa.

"Let me."

Hinawakan ni Marinel ang backrest ng upuan at siya na ang nagtulak noon papasok.

I smiled in a timid manner before proceeding. Umupo ako sa kabilang bahagi, ngayon ay kaharap na si Marinel.

Years ago, I hated her so much because of some petty reasons. Who would've thought that they would end up together?

"Dad, chicken, please?"

Napatingin ako sa bata habang tipid ang mga subo dahil sa awkwardness na nararamdaman.

Nakita ko kung paano himayin ni Raeden ang fried chicken sa plato niya bago isalin sa plato ng bata.

"Go and eat by yourself, Ysmael so your Daddy could eat as well," ani Marinel habang hinahalo sa plato ng bata ang manok sa kanin.

Parang kinukurot ang puso ko sa nakikita. Hindi ko alam kung bakit uminit bigla ang mga mata ko. Kinailangan ko pang yumuko para matabunan ang mukha ko. Pero isang paghawi ang naramdaman ko at ang mga buhok na tumabon sa pisngi ko ay napunta sa likod.

Tinignan ko si Raeden. Walang bakas ng ekspresyon sa mukha niya na para bang walang nangyari. Ngunit sa gilid ng mata ko, kitang kita ang paninitig ni Marinel sakanya bago umiling at naging abala sa pagkain.

Our dinner was filled with defeaning silence and I like it that way. Ayoko rin namang makipagplastikan sa kanila lalo na kay Marinel. Pagkatapos kumain, aakyat na sana ako ngunit narinig kong may sinabi si Raeden at it was directed to me.

"Ipapadala ko na 'yung mga gamit mo rito. Ididischarge na rin si Dustine bukas. I like him treated here 'til he's fully recovered."

Kunot-noo ko siyang hinarap. "Dustine can stay sa bahay ng triplets."

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon