L. Kathang Isip

288 4 5
                                    

Chapter 50
Kathang Isip

"Miss me?"

Laglag ang pangang binalingan ko siya habang nakaupo ako sa sun lounger. May hawak siyang malaking kahon.

"Pinapasok ko na, Hija. Kaibigan mo raw siya."

Gulantang parin ako nang makita si Wesley sa harap ko...

Alive and kicking.

It's not that I want him dead or in deep coma. I'm just feeling guilty for not even visiting him on his worst state.

"Sige po, Tiya. Iwan niyo na po kami."

Nakangiting sinulyapan ni Tiya si Wesley bago umalis. Ilinapag niya ang malaking kahon sa mesa at saka bumaling sa'kin.

I stood up to face him. He looks the same as if he's never aged. Maamo parin ang mukha at sa tingin ko'y marami pa ring mahuhulog sakanya.

"K-Kelan ka pa nagising?"

"Maglilimang buwan na."

Tumango ako at tinitigan siya.

"How are you?"

Nagulat ako nang mabilis siyang humakbang palapit sa'kin at linamon ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"I missed you so bad."

I stiffened when he hugged me tightly. Sinubukan ko siyang itulak ngunit 'di hamak na mas malakas siya sa'kin.

"Wes... I'm... I'm dripping wet."

Sa wakas ay pinakawalan niya na ako ngunit hindi parin siya lumalayo sa'kin.

"Really?" tanong niya sa mapaglarong tinig.

Halos mandilim ang paningin ko sa ibig niyang iparating. Lumayo ako at muling umupo sa sunlounger. Sinundan niya naman ako.

"Gabi na, Wesley. Hindi ka na dapat naglalabas ng ganitong oras. Ingatan mo 'yang sarili mo. Kagagaling mo lang sa coma."

"When was the last you cared for me?"

"I care for you, Wesley!"

"You didn't! Ni hindi mo raw ako dinalaw noong comatosed ako!"

Inangat ko ang tingin nang marinig ang pahisterya niyang sinabi.

"Dumalaw ako! Dinala ka ng parents mo sa States kaya hindi na kita nadalaw-"

"Still... you didn't even find a way to see me... to check on me!"

Tumayo ako nang magpanting ang tenga ko sa sinabi niya.

"Pumunta ka ba rito para sumbatan ako?"

"No."

Nag-iwas siya ng tingin. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya.

"I'm here to congratulate you."

Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita ko ang kirot sa mga mata niya. His tears gathered and it pooled down his cheeks.

"Ikakasal ka na... kay Raeden."

Bumagsak ang balikat niya. He was crying silently while I was there, watching him hurting so bad, and I have nothing to do to mend his broken heart.

"Hindi tayo pwede, Wesley."

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon