XXVII. Mahalaga

179 2 0
                                    

Chapter 27
Mahalaga

"Mag-usap tayo."

Malungkot niya akong tinignan. Isang linggo niya rin akong hindi pinansin. He was distant. Ito yata ang unang pagkakataon na sinubukan kong makipag-usap sakanya.

"Anong pag-uusapan?"

Umupo siya single sofa. Ni hindi niya magawang tumabi sa'kin. May mga kasambahay na nagpupunas ng mga mwebles. Minuwestra ko sakanila na iwan muna kami at iyon nga ang ginawa nila.

Umusog ako sa gilid na bahagi ng kinauupuan ko para mas makalapit sakanya.

"No one knows the pain more than someone who owns it," panimula ko. "Hindi kita maintindihan dahil hindi ko naman alam ang pinagdaanan mo. And you're right. Wala akong alam dahil hindi ko pa nararanasang magmahal. I'm really sorry kung pinilit kita na iwasan siya. Mahirap 'yon, alam ko. Mahirap pala talaga."

Bumagsak ang tingin ko sa mga daliri ko.

Naramdaman ko ang paggalaw niya. He shifted his weight. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang mataman niyang tingin sa'kin.

"Nahihirapan din ako, Dust. Eto nga, oh. Di pa ako sigurado sa nararamdaman ko pero hirap na akong layuan siya. Ikaw pa kaya na sigurado sa nararamdaman mo?"

"Don't make the same mistake, Ate."

Hindi siya galit. Hindi siya masaya. Walang reaksyong mababakas sa mukha niya. Pero kitang kita ko ang pagod sa mga mata niya. His eyes mirror draining and sleepless nights.

"W-What?"

"Binitawan ko na siya."

"Huh? Bakit?"

"Dahil akala ko 'yun ang makakabuti para sa'min. But..." huminga siya nang malalim. May namumuong luha sa mga mata niya. "...This pain is just so unbearable. Ang sakit sakit, Ate. Pinakawalan ko yung taong mahal ko dahil sa huli naduwag din ako."

I was shocked to see Dustine crying infront of me. The last time I saw him crying so hard, that was when he mourned for our Mama's death. Ngayon lang naulit. At ramdam ko yung sakit.

We were really closed to each other. And I don't blame Renoa for taking my brother away from me. I didn't resent him even if we're slowly drifting apart. Now that he's on my shoulder, I have to take the responsibility as his sister. Afterall, I am his ate. Afterall, I'm the only shoulder for him to lean on.

"Fight for your love. Even if it means you'd be wrestling with the whole universe to win..."

"...Coz the battle that I created my own defeated me. I am nothing but a goner."

Hinaplos ko ang buhok niya habang humahagulgol siya sa balikat ko.

"Nasa China na sila, Ate. She's bound to marry a chinese businessman."

Umiling ako. That's how it works. And it's the same for us.

Naghahanda na ang lahat para sa Foundation Week. Nagkalat na ang mga booth sa grounds ng Claveria University. Busy na rin kami sa pag-rush ng evening gown ng representative naming si Bella.

"Kinakabahan na talaga ako."

Pinaypay ni Bella ang kamay niya. Tinapik naman ni Bree ang balikat nito.

Binaling ko ang fabric na may pattern na Fleur-de-lis. Kinuha naman ni Elen ang dulo no'n para tulungan ako sa paggupit.

"Ako rin kinakabahan na."

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon