XLII. Belongings

266 7 0
                                    

Chapter 42
Belongings

"Aria, we'll not settle this if you'll just keep ignoring me..."

Pagod ko siyang tinignan. Pinihit ko ang pinto ng kwarto ni Ysmael.

"I don't wanna talk about it."

"Ayokong lumipas ang gabing 'to na hindi tayo nagkakaayos."

Kita ko ang lungkot sa mata niya but I refused to consider his feelings.

"Goodnight."

Ilang beses niyang kinatok ang pinto pero hindi ko iyon binuksan. Nang tumigil siya sa pagkatok ay saka lang ako nakahinga nang maluwag.

Napatigil ako sa paglapit sa kama nang maabutan si Dustine na nakahiga sa tabi ni Ysmael. Parehong mahimbing ang tulog nila. Napangiti ako nang makita ang posisyon nilang dalawa. Parehong nakatagilid ang dalawa, ang isang kamay ay nasa ilalim ng unan, ang isang paa ay nakaunat, at ang isa'y nakabaluktot. Mag-ama nga talaga sila.

I felt a bit guilty. Nakalimutan kong hindi makatulog si Ysmael nang mag-isa. Good thing Dustine's there for him. Siguro'y hindi na sila mahihirapang kunin ang loob ng isa't isa pag nalaman nila ang lahat.

Sa susunod na linggo na ang birthday ni Ysmael. While Raeden's busy planning out for Ysmael's birthday, busy naman ako sa pag-asikaso para sa operasyon ni Dustine.

Suot ang hospital gown ay nakaupo si Dustine sa wheel chair. Itinulak ko iyon habang iginigiya kami ni Doc Enciso sa operating room. Dustine held out his hand to reach for Ysmael. They made a handshake bago humalik si Ysmael sa pisngi niya.

"Be strong, Tito Paps."

Nginitian ni Dustine si Ysmael bago siya tuluyang ipasok sa operating room.

I just found out it was not really good for Dustine to have Marinel's kidney. Aside from the differed blood type, deceased donor's kidney is more likely to last for 15 years only. That's why Doc Enciso wanted us to look for a living donor for it lasts for a lifetime. Thank God we found one!

"Where did you get the money?"

Iyon agad ang tanong ni Tita Frida nang sumugod siya sa ospital. She's wearing a big sunglasses nang maglakad sa lobby ngunit nang makalapit ay tinanggal niya iyon. Namumugto ang mga mata niya but she still managed to smile.

"May... nahiraman po," sagot ko.

I scrutinized her from head to foot. Nang umupo siya sa tabi ko ay bumusangot siya.

"Kanino? I heard Heinn offered you something? Tinanggap mo ba?"

Naningkit ang mga mata niya at tinignan ako nang matagal. Sa huli ay nabaling sa iba ang atensyon niya. She gazed at Raeden who slowly walked towards us. He's with Ysmael who's holding a strawberry frappe.

"So it is true," she looked at me with full of judgment. I couldn't blame her, tho. She knows what happened between me and Raeden years ago.

"Uh... Tita."

"He's using you, hija. I know that so well. Alam kong may plano siya. Careful," she said nang di pa nakakalapit ang dalawa.

Raeden bowed his head lightly as he stood infont of us. Tiningala siya ni Tita. Nagtagal ang tingin ko sakanya bago bumaling kay Raeden.

"Good afternoon po," Raeden greeted.

"Good afternoon," matabang na sagot ni Tita. Lumipat ang tingin niya kay Ysmael na matamang nakatingin sakanya. Nang makita ni Ysmael ang tingin ni Tita ay umatras siya at pumunta sa likod ni Raeden. "Oh, why?"

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon