XXV. Lovesick

206 4 0
                                    

Chapter 25

Lovesick

Everything was vague. Some questions are left unanswered.

Nagising ako sa isang malamig na silid. Sa kanang kamay ko ay may nakakabit na dextrose. Ang unang tumambad sa akin ay ang mukha ni Raeden na punong-puno nang pag-aalala. Nang magsalubong ang tingin namin ay nag-iba iyon. His usual cold stare.

Iniwas ko agad ang tingin sakanya. Sinuyod ko ng tingin ang buong kwarto. 

"Si Dustine?"

"Aria..."

"Si Dustine asan?"

I became hysterical. Napaupo ako at ambang aalisin ang dextrose na nakakabit sa'kin nang ipirmi niya ako sa pwesto ko gamit ang mga kamay niyang nakawak sa magkabilang balikat ko.

"Raeden, ano ba?! Asan ang kapatid ko? Is he okay?!"

Hindi niya ako sinagot kaya nagpupumiglas ako.

"Asan siya?! Pupuntahan ko siya! Dammit where the fuck is he?!"

Pilit akong nagpupumiglas nang hindi niya parin ako sinagot. Binalot ako ng kaba at takot. Halos maiyak na ako dahil sa frustration at tanging ang yakap niya ang nagpatinag sa paghihisterya ko.

"Asan siya?" Halos pabulong na lamang iyon dahil nanghina ako sa yakap niya.

His scent sent shivers down my spine. Nakakaliyo. Parang unti-unti akong hinihila sa kung saan. I couldn't explain while I feel this way. I can almost feel his pounding chest on mine. So close, so loud that I could not distinguish if it is my heartbeat or his.

Sumabog ang pintuan at biglang nagmaterialize si Dustine. Halos maitulak ko si Raeden nang makita ang nakangising mukha ng kapatid ko. Sa inis ay ibinato ko sakanya ang unan na nadampot ko sa tabi ko.

"Damn you! Pinag-alala mo'ko! Siraulo ka talaga! Lagi mo nalang pinapasama ang loob ko."

Hinawakan ni Raeden ang balikat ko para pigilan ako sa pagbangon mula sa pagkakaupo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa naman Dustine ngunit nang bumaling ulit ako sakanya ay napawi ang ngiti sa labi niya.

"I'm sorry."

Tumingin siya kay Raeden. Cue na iyon sakanya para iwan kami ng kapatid ko. Bago siya tuluyang umalis ay nakailang sulyap pa siya bago tuluyang isara ang pinto.

Huminga si Dustine nang malalim bago tumabi sakin. My cold stare remained as I spank his head lightly.

"Akala ko nasa ICU kana at inaalis ang balang nakabaon sa katawan mo."

"OA ka naman!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Now tell me. Bakit ka sinuntok no'ng matandang intsik na 'yon?"

"Sis-"

"Don't Sis Sis me, Dustine. Ayokong magsinungaling ka sa'kin. Makakarating talaga 'to kay Papa!"

"No! Ate, 'wag!"

Humalukipkip ako at hindi pinansin ang pag-alma niya. Nakita ko ang cellphone ko sa side table kaya inabot ko iyon. Hinanap ko ang number ni Papa sa contacts habang iniiwas kay Dustine ang cellphone na pilit niyang inaagaw.

Pipindutin ko nalang ang 'Call' nang maagaw niya iyon sa'kin. This time, siya naman ang galit na galit.

"I said no! Don't push it, Ate. I won't go back to states. Hindi ko iiwan si Renoa dito!"

"Renoa? Is she the reason why that man punched you?"

Renoa Cha? And that chinese man? Hmm. That makes sense.

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon