Special Chapter

281 6 0
                                    

I watched her from afar, running over the grass under the scorching sun. Her sun-soaked skin was more defined when the sun rays kissed it. The bushes danced through the violent breeze.

"Hays! Bakit ba ayaw niya magpahuli?"

Nagkakamot siyang lumapit sa'kin. She's sweating so bad and catching her breath as she leaned on the trunk of the tree.

"Eh kasi, tinatakot mo."

Inalis ko ang pagkakatuko sa damuhan at tumayo. Pinagpag ko ang sarili bago bumaling sakanya.

"Akin na yang goma."

I held out a hand. She craned her neck before handing me her rubber band.

Sinundan niya ako nang tingin habang dahan-dahan akong humahakbang. I squatted as I saw the dragonfly perched on the grass.

Gusto ko sanang patamaan iyon ng goma, kung hindi lang naisip na masasaktan iyon at baka pa mamatay. Kaya naman dahan-dahan akong tumayo at maingat na linapitan iyon para hulihin.

Nagtitili si Elle nang makita ang hawak ko. Agad siyang lumapit hawak ang garapon na sinadyang butasan ang takip.

Maingat kong ipinasok ang tutubi sa garapon at agad na tinakpan iyon. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mata ni Elle habang hawak ang garapon.

"May bago nanaman akong pet!" aniya habang manghang tinitignan ang tutubi sa loob.

Sa di kalayuan ay natatanaw ko na si Tita Asunta habang yakag si Dustine palapit sa'min.

"Andito ka lang pala, Ate. Kanina ka pa hinahanap nitong kapatid mo," ani Tita nang makalapit sa'min.

Para namang may sariling mundo si Elle. Ni hindi niya binigyang pansin ang ina kaya ako nalang ang humarap doon.

"Sinamahan ko po si Elle manguha ng tutubi, Tita."

Tumango si Tita at ngumiti. Hinila niya nang marahan si Elle at saka lamang siya nito nakita.

"Look!" tumawa siya at ipinakita kay Dustine ang hawak. "May bago tayong pet."

Iyon na yata ang ika-labinlimang beses na sinabi 'yon ni Ellery. Kung hindi kasi namamatay, ay pinakakawalan naman ni Dustine ang huli.

That's how I get along with Elle. Matalik na magkaibigan ang Tita Asunta at ang mama. I grew up having Elle by my side. I treated her like my younger sister, and Dustine as my younger brother.

All is well, not until the day someone came into our lives.

"Uy, Raeden! Ayan na 'yung shota mo!"

Agad kong itinapon ang sigarilyo nang sabihin iyon ni Bryle. Tumawa sila ni Rance at doon ko lang naisip na linoloko nila ako.

Binatukan ko si Rance nang makalapit siya sa'kin. Tinawanan niya lang iyon.

"Amuyin mo nga kung amoy sigarilyo ako."

Linapit ni Rance ang bibig sa'kin at binugahan ako ng hininga niya sa mukha.

"Gago!"

Balak ko siyang habulin nang lumiko siya sa lubak-lubak na daan. Tinapon naman ni Bryle ang filter ng sigarilyo habang binubuga ang panghuling usok galing doon.

"Amoy blackbat," aniya matapos amuyin ang kamay niya.

Umiling ako. Masyado yata akong nalibang sa pagmamasid sa kasama kaya hindi ko namalayan ang pagsugod ni Ellery sa'kin at buong lakas akong tinampal sa bibig.

"Nanigarilyo kan nanaman!"

"Aray naman!"

Hinawakan ko ang bibig at ininda ang sakit ng pagkakatampal niya. Masama ang tingin niya sa'kin habang si Rance naman ay patawa-tawa sa likod niya.

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon