XVIII. Disappointed

198 6 0
                                    

Chapter 18
Disappointed

The following weeks and months went well and things just go the way I wanted it. Hindi masyadong naging makulit si Wesley, but he said sorry for what he has done in the gym.

"You should apologize to Raeden since you accused him and even tried picking a fight with him," sabi ko noong nakapag-usap kami sa garden.

Grandma is out of the country with Dad and the twins after our graduation.They went to Sapporo as grandma's graduation present to us but I chose not to go with them for I don't wanna feel outcast whenever I'm with my cousins. Buti nalang at nagpaiwan si Dustine. Somehow, my stay here were not that boring.

Sinimsim ni Wesley ang kape bago bumaling sa'kin. "I'm jealous."

Mula sa pagtitig sa basong inilapag niya sa mesa ay nag-angat ako ng tingin para lang makita siyang nakabusangot.

"Why tho?"

"Don't ask me why. It's obvious. Iniiwasan mo ako tapos makikita ko nalang na magkasama kayo."

I shook my head at sumimsim na rin sa kapeng nasa harap ko. "There's nothing to be jealous about."

He laughed sensually and reached for my hand. "I know. I know you won't stoop down to his level."

Agad kong binawi ang kamay ko at kumunot ang noo. "What do you mean by that?"

"Well..." he shifted his weight. "He's poor and he doesn't deserve you."

Uminit ang ulo ko sa sinabi niya. I don't know he is this arrogant!

"Stop saying that!"

"What?" tumawa siya. "I'm just stating the fact-"

Instead of listening to him, I cut him off  and stood up. I'm about to walk away but he caught my shirt. Hinila niya ako palapit sakanya and he hugged me from the back.

"Wait! Wait! Okay, sorry."

Kinurot ko ang kamay niya dahilan para mapabitaw siya. "Aw! Why are you acting like that? Gusto mo ba siya?"

Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. I want to deny what he just said but I have no courage to say anything. Feeling ko, kahit na wala si Raeden sa paligid, eh, maoffend ko siya sa magiging sagot ko. And I hate feeling this way!

Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Wesley. Pagod niya akong pinagmasdan na para bang naghihintay ng isasagot ko ngunit walang lumabas na kahit anong salita mula sa bibig ko.

I spent my vacation with Dustine, and sometimes, with Wesley. It's fine as long as he's not being so clingy. We did island hopping together with our common friends, Cedrick, Gavin and Philip.

It's been months since the last time I saw Raeden and I just felt something new to me. I wonder why I'm suddenly missing his presence. Siguro, dahil nasanay ako na nariyan siya kapag feeling ko na mag-isa lang ako.

Kaya naman nang magkita kami sa eskwela para sa enrollment ay walang mapaglagyan ang saya ko.

"Kumusta? Anong kukunin mong course?"

He's in his usual neat mien. His hair is properly brushed up, and wearing only gray shirt, worn-out jeans and sneakers.

I tried playing it cool not to look really excited seeing him.

"Magffine arts ako," I proudly said.

Hawak ang baba, tumango-tango siya. "That's great! Kapag nahirapan ka sa minor subjects, pwede kang magpatulong sa'kin."

Ngumiti ako at pumila na para papirmahan ang form. Nakatayo naman siya sa tapat ko.

"Tapos ka na?"

Tumango siya at ipinakita ang white form niyang may stamp na 'enrolled'.

I'm touched coz he waited for me 'til I got a stamp. Ngunit napawi ang pakiramdam na iyon nang may kumapit sa braso niya.

"Kain na tayo! Buti at inantay mo'ko."

Sinubukang hilahin ni Marinel ang braso niya ngunit nang dumako ang tingin ni Marinel sa kung saan ito napatingin ay bumitaw siya.

Nag-iwas ako ng tingin at linagpasan sila. Mali pala ako. Hindi ako ang hinintay niya kundi si Marinel.

Eh, ano naman? Wala naman akong pakealam! Tsaka, natural lang iyon dahil close naman silang dalawa. I was never close to Raeden. Inassume ko lang na nakabuo kami ng rapport noong nagkasama kami pero para sakanya, anak lang ako ng amo ng papa niya.

"It was clear when I heard them talking in the gym! Magboyfriend si Aria at Wesley!"

"What?! No way! They are cousins!"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses mula sa gilid. Sina Shaam at Renea iyon, mga kaklase ko noong Senior Highschool na hindi ko masyadong nakasundo. I heard Shaam likes Wesley ngunit hindi iyon big deal saakin kaya hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin.

Sakto namang dumating si Lin dala ang kiwi envelope niya. Kumaway siya ngunit tinapunan ko lang siya ng tingin bago lumapit kina Shaam.

"Excuse me... ako ba ang pinag-uusapan niyo?"

Tinaasan ako ng kilay ni Shaam. Ni hindi man lang siya natinag sa paglapit ko at parang nanghahamon pa nang humalukipkip at umabante palapit sa'kin.

"Yes. You heard it right. Tama naman ako 'di ba? That you and Wesley, are in a relationship."

"Wait, wait! Anong kaguluhan 'to?"

Sinubukang pumagitna ni Lin ngunit humakbang rin ako dahilan para magkaface-to-face kami ni Shaam.

"Stop spreading fallacy. We're cousins."

Narinig ko ang pagtawa ni Renea mula sa likod. Ganoon din si Shaam.

"'Yun na nga, eh. What a disgrace to your family! Magpinsan kayo but at the same time, you guys are in a relationship."

I gritted my teeth as I glared at her. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa corridor. Siguro, pinatunayan ang mga agam-agam niya nang makita ang pagpupuyos ko sa galit kaya ngumisi siya.

"Stop it, Shaam!"

"Oh, you shut up, Linelle! 'Wag mong pagtatakpan 'yang bestfriend mo!" si Renea.

Gusto kong sampalin ang pagmumukha ni Renea. Kung hindi lang dumaan si Raeden at kuryoso kaming tinignan ay hindi pa ako makakaisip ng plano para maisalba ang sarili.

"May boyfriend ako and it's not Wesley."

Umatras ako at nagmadaling pumunta sa gilid para hilahin si Raeden. Nanlaki ang mata ni Shaam at Renea. Ganoon rin si Lin na para bang hindi makapaniwala sa bigla kong nasabi.

"Si Raeden ang boyfriend mo? Impossible! We heard him-" Hindi makapaniwalang usal ni Shaam na agad kong pinutol.

"Yes! So shut up and keep all your assumptions to yourself." I said confidently.

I tried holding his hand. Kinurot ko pa iyon ng isang beses para iparating na sakanya ang plano ko. Nagulat nalang ako nang siya mismo ang magsalikop sa mga kamay namin at inangat iyon.

"Bakit? May problema ba ro'n, Shaamara?"

Umiling-iling si Shaam at dismayado namang suminghap si Renea.

"I am really disappointed. Matalino ka naman. I just can't believe ma pumapatol ka sa flirt at spoiled brat na 'yan!"

Humagalpak si Lin sa tawa habang pinagmamasdan ang pagwalk-out ng dalawa. Ako naman, naconcious nang biglang bumalik sa ulirat at nakita ang mga nakikiusisang mga estudyante. Halos ipagdasala ko na lamunin nalang ng lupa nang makita ang triplets na nakatanaw rin mula sa hallway.

Tinignan ko naman ang reaksyon ni Raeden. Bakas sa mukha niya ang frustration dahil sa paghawi niya sa kanyang buhok. Hindi ko lang alam kung guni-guni ko lang ba iyong amusement sa mukha niya na dagli ring nawala.

Now, what to do?

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon