XXXI. Kiss

187 4 1
                                    

Chapter 31
Kiss

Nagsimula ang ball sa pagpapakilala ng mga stakeholders na umattend ng party. Naroon syempre ang President ng Claveria University na si Primitivo Claveria. Katabi niya ay ang anak na si Amadeus Claveria na siyang dahilan ng pagtili ng mga babae sa likod namin ni Wesley.

Nagsimula na ang auction. Hindi lang dresses at designer bags ang nasa linya ng iaauction kundi may mga painting at maging mga kotse.

"We are very proud to represent our next collection, a Galaxy inspired gown designed by our very own Fine Arts students from FA-IA... bidding starts at 120,000."

Mostly, designers bid for higher price. Sa huli ay nakuha iyon ni Tita Elaine.

"For our last collection, we represent to your our "Home Away From Home" painting who became Claveria University's trademark. This artwork is painted by our very own brilliant painter, Natasha David who happened to be an Alumna of our beloved University. Her artworked was preserved and displayed in our Artsy Museum and became part of our history for the past 4 years. For some reason, she included this painting for auctioning... Bidding starts at Five hundred thousand pesos."

"Six hundred thousand pesos."

"Six hundred thousand pesos for number 6."

"Eight hundred thousand pesos."

"Eight hundred thousand pesos for number 10."

"One million."

Nagsinghapan na kaming lahat nang tumaas na sa preso. Si Amadeus Claveria at ang isang lalaking hindi ko kilala ang nagpapataasan ng bidding.

"One million for number 6... anyone bidding higher?"

"I'll go for 50 million."

"50 million for number 10." nag-aalangan pang sabi ng host.

"50 million... going once... going twice..."

"...Sold to our Vice President, Mr. Amadeus Claveria. Congratulations!"

50M para sa isang painting? There's something fishy about this one.

Ngumisi si Mr. Claveria sa may hawak ng number 6. May tumayo naman mula sa linya nila. Si Natasha David iyon, ang may-ari ng painting. Isang beses niyang tinignan si Amadeus bago mag-walk-out. Sumunod naman iyong lalaking natalo ni Amadeus sa bidding.

Hmm...

Nagbulungan ang tao sa crowd but it didn't stop the hype. Tuloy ang ball na parang walang nangyari.

Hinila agad ako ni Wesley nang magsimulang mag dim ang ilaw. Sa malayo ay natanaw ko ang paguusap ni Elen at Raeden. Hindi ko alam kung nag-eenjoy sila o ano. Basta ang alam ko, galit ang nararamdaman niya sa'kin ngayon.

Nagpatianod ako sa hila ni Wesley.

"Walang malisya. We're cousins!" tawa ko nang isasayaw din sana ako ni Zeus ngunit naunahan siya ni Wesley.

"Mamaya, ah?" tumawa siya at nagkamot ng ulo bago kami makalayo.

Titig na titig si Wesley sa'kin habang nagsasayaw kami. Naiilang ako dahil alam kong pinagtitinginan kami ng mga nakakakilala sa'min at sa mga humahanga sakanya.

"Buti nalang wala ka kagabi. Gustong gusto kong sapakin ang mukha ng Heinnbert na 'yon."

Humigpit ang hawak niya sa bewang ko. Sa likod niya ay natanaw ko si Eusef na palapit sa kung nasa'n kami.

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon