XII. Furious

236 7 0
                                    

Chapter 12
Furious

I grabbed and hugged the pillow beside me as I finished talking. Ilang beses niya akong pabalik-balik na tinignan na para bang nagdadalawang isip kung paniniwalaan ang sinabi ko o hindi.

"Did you guys kiss?"

Di ko alam kung matatawa ako sa tanong niya, o ano. Ready na akong makarinig nang kung anong pamimintas o pangangaral galing sa kanya, ngunit sa tagal niyang hindi umimik at naninimbang lang ang mga titig, ay ito lang pala ang makukuha ko.

"Err... twice?"

He shifted his weight. Di ko inaasang tatawa siya nang tatawa sa narinig. You see, I've been serious all the time I was telling him everything about Wesley. Nung una ay inakala kong seseryosohin niya ako, ngunit sa nakikita ko ngayon ay malayong malayo sa naisip kong magiging reaksyon niya ang nakikita ko.

Padarag kong ibinagsak ng unan sa kama at tumayo na. Inirapan ko siya na hanggang ngayon ay tawa parin nang tawa na para bang isang malaking katatawanan ang nangyayari.

Nang mapansin niya ang pagtayo ko ay hinila niya ako dahilan para bumagsak muli ang pang-upo ko sa kama.

"W-wait... wait!" Pigil niya. He was trying to surpress his laughter kahit pa halatang hindi parin siya makaget-over.

"Tigilan mo na nga 'yan, Dust! Hindi nakakatuwa!" Saway ko sakanya.

"Pfft!" He bit his lower lip para ikondisyon ang sarili. He's trying to be serious, but it only made him funny as hell. "Kasi naman, eh. That's gross, sis!"

Humalukipkip lamang ako at pinagtaasan siya ng kilay.

"Okay, okay. I get that it wasn't your fault that you didn't know he's a relative. But the fact that you already knew you were relatives and still not cutting ties... is a big question."

This time, I know we're all serious.

"I tried, okay? I tried breaking up with him but he refused and only told me he'd kill himself once I break up with him."

He chuckled but there's no humor in it. "Stupid jerk! What's his name? Ipapagulpi ko sa mga kabarkada ko nang matauhan."

"Dustine!" Pinandilatan ko siya. "Baka nakakalimutan mong kakabalik mo lang ng Pinas? Baka gusto mo ulit tumira sa ibang bansa mag-isa? Don't try to meddle. Ako ang pumasok sa gulong 'to kaya ayokong may ibang mainvolve maliban sa'min. Mas maraming makikisawsaw, mas gugulo!"

He just crouched his neck at tumingin sa may bintana. Mula rito ay tanaw si Raeden na pinaliliguan ang aso sa labas.

"What are you going to do with him, then?"

"I already talked to him pero nagmamatigas rin siya."

"Do you want me to talk to him?"

"I guess there's no use kung kakausapin mo rin siya. Although you are close to him, but I doubt he'd say yes to you. Hindi naman ikaw ang involve, eh. Besides that, his only condition to me is to break up with Wesley."

"Then break up with that skunk!" aniya ngunit nang marealize yata ang una kong sinabi kanina ay napasapo nalang siya sa noo.

Akala ko'y pagtatawanan niya lang ako buong araw dahil sa inamin kong sekreto. But now my brother looks so problematic na para bang problema niya ang problema ko.

He was quiet after our conversation. Bumalik lang siya sa kanyang 'usual self' nang dumating ang mga magulang ni Raeden. They were very welcoming at kung itrato ako ay para bang hindi ito ang unang beses na bumisita ako sa kanila. And for the record, this is my very first interraction with Tita Raya!

This is not the first time I have seen them. But one word to describe his parents: Compatible.
They look good together. Tita Raya and Tito Rheden still look young at their age. Taking a closer look, Tita Raya has almond eyes na siyang nakuha ni Raeden. Her golden hair suits her fair skin, while tito Rheden's tan skin is shouting masculinity. Kung hindi ko alam ang estado nila sa buhay, iisipin kong kabilang sila sa alta-sosyedad.

Narinig ko ang halakhak ni Dustine mula sa sofa. Mula sa pangangalubaba ay ibinagsak ko ang mga palad sa mesa.

"Baka maglaway ka diyan sa harap ni Tita." turo niya sakin.

Tita Raya only smiled at Dustine. "Hayaan mo na ang ate mo. Gusto niya yata matuto magluto ng caldereta."

Pagak akong tumawa. Sa totoo lang, hindi naman ang pagluto ng caldereta ang tinututukan ko. Sadyang namamangha lang talaga ako sa magandang mukha ni Tita kaya kanina ko pa siya pinagmamasdan habang nagluluto.

"Tita, how old are you nung pinagbuntis n'yo si Raeden?" I suddenly asked while moving my finger in a circular motion dahilan para magbanggaan ang mga susing hawak ko sa isang chain.

"Eighteen," she answered. Ngumiti siya dahilan para lumitaw ang dimple niya sa ibaba ng kanyang labi. "Alam ko, sobrang bata pa para mag-asawa. Hindi kita iniencourage na mag-asawa ng maaga kasi mahirap. Pero wala tayong magagawa, masyadong inlove sa akin ang Tito mo kaya binuntis niya agad ako."

Tumango-tango ako. That explains why she seems so young kahit na bente-anyos na ang anak.

Sabay kaming napatingin ni Tita sa lalaking pumasok sa kusina. I am certain that he heard Tita kaya patawa-tawa siya habang palapit sa'min.

Hinapit niya ang bewang ni Tita Raya at hinalikan siya sa pisngi. "Ikaw ang masyadong inlove sa'kin kaya maaga mo akong pinikot," patuyang sabi ni Tito na tinawanan lang ni Tita.

Nangingiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang mag-asawa. I suddenly have this realization: Couples look happier when they truly love each other.

In business industry, pragmatic marriage is very common. People are bound to marry, not because of love, but because of money and the benefit they will get once they get married. Couple is not the right term to address those people who engaged in arrange marriage, rather, two individuals bound to marry each other for business and personal gain. Count my parents in!

Nevertheless, even theirs is pragmatic, they still found their way to love each other. There's a thin line between pragmatic marriage and marriage out of love. I don't know how my parents broke that thin barrier, but I guess, once you feel that thing called 'love', there's just no way out.

"Aria, kain na tayo. Pwede bang pakitawag si Rae sa labas?" nangingiting sabi ni Tita.

"Sige po."

Lumabas ako ng bahay at sumabog sa mukha ko ang panggabing hangin. Linapitan ko si Raeden na busy'ng busy sa pagsisibak ng kahoy.

"Let's eat."

Saglit siyang natigilan ngunit ipinagpatuloy rin ang ginagawa. "Mauna na kayo."

Sumimangot ako. "Ayaw mo ba akong kasabay?"

This time, ang buong atensyon niya ay nasa akin. "May sinabi ba ako?"

Umatras ako nang tumayo siya. Pinunasan niya ang mga kamay gamit ang bimpong nakasampay sa balikat niya. Sobra siyang pinagpawisan sa ginawa kahit pa malamig ang simoy ng hangin. Kitang kita iyon sa basang gray na sando niya.

"Ang cute ng parents mo, noh? They look so inlove with each other."

Sabi ko nang mapansin ang pagiging tahimik niya habang pabalik kami sa bahay nila.

"That's why they made a good genes."

Napatingin ako sa kanya. I laughed at his statement. "Don't be so full of yourself."

"I'm not."

"Anyway, since close na rin naman tayo, baka naman pwede mo nang i-delete yung recorded audio sa phone mo?"

He stiffened. Tumingin siya sa'kin. "Bakit? Break na ba kayo?"

Kinuyom ko ang mga kamao. Gusto ko siyang bulyawan ngunit pinigilan ko ang sarili. Remember, Aria, wala ka sa teritoryo mo.

"I'm working on it."

He chuckled, "Then, no."

He left me furious. Humanda ka talaga sa'kin. I swear I'll make a way just so you'd delete that damn audio!

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon