XXX. Photograph

193 3 0
                                    

Chapter 30
Photograph

When you sleep with heart so heavy, you'll wake up feeling so empty.

'Yan ang naramdaman ko nang magising ako nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Natulog ako kagabi na maraming iniisip, na para bang may malaking bagay ang nakadagan sa dibdib ko. Ngayon naman ay nagising na para bang nawawalan na ng rason para bumangon, kahit pa ang sinag ng araw ang nagsasabing may bagong pag-asa para sa panibagong umaga.

Nang tignan ko ang cellphone ko, iilang text ang narecieve ko. Kagabi, nakailang text si Raeden sa'kin. Sinubukan niya pa akong tawagan pero hindi ko sinagot iyon.

From: Readen

Okay ka lang?

From Raeden:

May nangyari ba?

From: Raeden

Please... reply. Nag-aalala ako.

From: Raeden

Pwede tumawag?

Pinikit ko ng mariin ang mata ko at iyon ang kinatulugan ko.

I didn't bother open other texts. Tanging kay Raeden lang ang binuksan ko. It was just a good morning message but it's enough to bright up my day.

Pabalik-balik ang tingin ni Manang Wena sa'kin at sa basahang hawak niya. Pinupunasan niya ang miniatures sa ibabaw ng tukador. Umiiling siya kapag napapatingin sa'kin at kapag nahuhuli ko naman ay yumuyuko nalang. Parang may gusto siyang sabihin o kung ano pa man kaya hindi siya mapakali.

"Ano po ba 'yun, Manang?"

Napatigil siya sa ginagawa. Ipinagpatuloy ko naman ang pag-aalmusal habang nasa akin na ang buong atensyon niya. May isang katulong na dumaan sa tabi niya kaya inabot niya ang basahan. Lumapit siya sa'kin at tumikhim.

"May ipinadalang mga kahon si Ma'am Elaine para sa'yo."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. That's new, huh?

Sumimsim ako ng kape ngunit hindi nawala ang tingin ko sakanya. Nakakunot ang noo niya sakin kung kaya't mas lalong nadepina ang nangungulubot niyang balat sa may bandang noo.

"'Yun lang po ba, Manang Wena?"

Nag-isip siya saglit. "Wala naman siyang ibang ipinadala bukod sa-"

"I mean, yun lang po ba ang sasabihin n'yo?"

Nagulat siya sa sinabi ko ngunit dali ring nakabawi. Hinila niya ang isang upuan sa may tabi ko at naupo roon.

"Narinig namin sa quarters ang sigaw ni Madam Sylviana. Galit na galit siya noong di ka pa dumarating... Gusto ko lang malaman... Totoo ba 'yon, Nak?"

I don't mind Manang Wena being nosy. Afterall, siya ang katuwang nina Mama sa pagpapalaki sa'min. Nasisiguro ko rin na nag-aalala lang siya kaya siya nagtatanong.

Pero hindi ko ito masagot.

"Kay Rheden ibinuhos ng Lola mo ang galit niya sainyo ni Raeden. Muntik pa siyang ipasisante pero hindi pumayag ang Papa mo..."

"Alam ni Papa?"

Marahang tumango si Manang Wena. Mataman niya akong tinignan. "Ang sabi ng Papa mo ay siya ang nag-utos na bantayan ka ni Raeden habang wala siya. Ang sabi pa niya eh baka raw gusto mo lang pumunta ng Calatagan kaya may nakakita sainyong magkasama... Ang kaso..." huminto siya saglit bago magpatuloy. "...kaso ayaw maniwala ng lola mo dahil may nakakita sainyong magkahawak-kamay. At nakarating pa sakanya na pinagkakalat mo sa eskwelahan na boyfriend mo si Raeden."

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon