XV. Caught

216 6 0
                                    

Chapter 15
Caught

Sobrang saya ko dahil para akong nabunutan ng tinik nang madelete ko ang audio. Wala nang rason para matakot ako sakanya. Wala na ring rason para kunin ko pa ang loob niya.

Nakangiti pa ako nang lumabas ng kwarto. Inihip ng panghapong hangin ang puting kurtina na naging sagabal upang makita ko ng buo ang tanawin sa dalampasigan.

The ledge made of bamboo creaked as I leaned my elbows on it. I placed my hands on my cheeks as I watched Dustine probably looking for his next prospect.

Tinignan ko ang orasan na nakakabit sa dingding ng cabin. It's 4pm in the afternoon. Malamang ay nasa byahe parin ang mga kaibigan ni Dustine.

Muling ngumitngit ang pasamano kaya napatingin ako sa kaliwang bahagi ng corridor. Nakasandal rin ang mga kamay ni Raeden sa ledge habang tinatanaw ang dalampasigan. His biceps flexed as he shifted his weight. Bumaling siya sa akin kaya halos mabuwal ako nang makita ang paglapit niya sa may pwesto ko.

Bigla akong naging abala sa kurtinang nasa tabi ko. I scanned it as if identifying what fabric is used to make that curtain, kahit na ang totoo'y gusto ko lang na lagpasan niya ako.

Ngunit hindi nga iyon ang nangyari. Sa halip, muli niyang ibinalanse ang kanyang mga kamay sa pasamano katabi ko, as if our distance weren't enough for us to hear each other.

"Kasama pala sina Eusef mamaya."

I looked at him lazily, as if his opinion and presence don't matter to me.

"So?"

"Naisip ko lang na baka mas malibang ka kapag nandito 'yung mga pinsan mo. Alam ko namang bored kana rito."

"I'm not! I actually like it here."

Inismiran niya ako. "Really? Kaya pala nagkulong ka lang sa cabin mo. Ni hindi ka nga lumabas para icheck yung buong resort. Andyan lang naman ako sa kabila. You could've just knocked on my door. I'm willing to tour you around."

Natawa ako. "Really? Naisip ko rin 'yan, but at the second thought, wag nalang pala kasi wala ka rin namang ibang gagawin kundi sitahin ang suot ko."

Dumako ang tingin niya sa suot ko. I'm wearing a sheer net collared yoke with tucks tops and an above-the-knee denim skirt. If he still has a problem with what I'm wearing, may mali na talaga sakanya.

Buti nalang at nag-iwas na siya ng tingin at wala namang sinabi. I hate it when he gives opinion with how I look and what I wear.

"I just want you to feel comfortable and secured when you are with me."

Wala namang mali sa sinabi niya, ngunit bakit naweweirduhan ako?

Ako lang 'to. I'm just too bored kaya kung ano-ano na ang naiisip ko. Kanina, pagkaalis niya sa kwarto dahil inakala niya palang kwarto niya ang kwarto ko, ay tuluyan na akong nahibang sa loob ng cabin. Somehow, his presence is an entertainment to me. Kahit papano, nalilibang ako sa pagsusuplado at pambabara niya. Kasalanan din kasi 'to ni Dustine. We don't have much interaction simula pa nung umuwi siya. Feeling ko tuloy, sinama niya lang ako para payagan siyang umalis nina Grandma. Without me, I think hindi siya papayagang umalis mag-isa.

Bumaling ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. Si Dustine sa di kalayuan, na nakasuot ng wayfarer, ay naglalakad palapit sa amin.

"Andyan na sila!"

Umayos ako ng tayo. Ganun din ang ginawa ni Raeden. Iniwan nila ako sa cabin dahil sinundo ang mga kaibigan ni Dustine sa parking lot.

Kung kanina ay sobrang saya ko dahil sa successful mission ko, ngayon naman ay halos panawan ako ng ulirat nang makita ko si Wesley kasama ng mga kambal.

Madly Smitten (Sweetest Vengeance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon