FINALLY #3

171 24 0
                                    

Sa sobrang space out ko hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng coffe Shop. Nag commute ako kasi hindi naman ako sinabay ng boss ko. No choice ako kung hindi bumiyahe buti na lang talaga sanay na ako at alam ko na papunta rito ng hindi naliligaw o lumagpas. Isa kasi siyang malaking BUWISIT!

"Phoebe, hinahanap ka ni Sir kanina pa." Sabi ni Daniella toka sa counter.

Bumuntong hininga muna ako bago naglakad papasok. Naabutan ko siya na abala.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya pagbukas ko sa pinto.

Nakatuon ang atensyon niya sa pagkalit sa cellphone niya.

"Sorry..." Sabi ko pa habang naglalakad na palapit.

"Ano ba ipapagawa mo?" Namamaos na sabi ko.

Umiyak kasi ako tapos hindi na ako natulog. Ako nga naghanda ng almusal pero hindi ako sumalo sa kanila wala nahihiya ako sa itsura ko.

"Bakit ka umiiyak?" Seryosong tanong nito habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin.

"May pake ka ba? If I know wala ka naman pake kaya hindi ko na rin sasabihin sa'yo." Sabi ko pa rito.

Kaya naman inabot niya ang isang katerba na naman na papel kaya naman inabot ko at nilapag sa lamesa.

"Ihighlight mo mga important details tapos itype po at iprint." Sabi niya pa kaya naman tumango ako.

Inumpisahan ko na ang pinapagawa niya habang katahimikan ang namutawi sa amin. Ayos na yung ganito yung walang ingay, yung wala muna magtatanong at wala mo na kakausap. Pagod pa 'ko e.

"Broken ka? Family problem? Financial? Alin sa mga 'yon Ms. Magbanua o baka ayaw mo na suko ka na agad then leave. Lahat naman kayo tingin sa akin masama ugali e. Pake ko?" Halatang inis na sabi nito kaya natigil ako.

"Hindi ko sinabi na masama ang ugali mo boss, ang akin lang ay sana di ba? matuto ka naman makisama hindi yung ganiyan ang ayos ng approach tapos magsusungit ka. Dati ka bang nireregla?" Inis na singhal ko.

"Tsk. Inaabuso ang kabaitan ng isang tao. Mas maganda na yung wala kang pake sa mga tao, hindi ko rin naman sila kailangan e." Sabi nito kaya naman napatango ako.

"Maybe ganoon para sa'yo ang kabaitan. Pero hindi naman ganoon yun boss, try to atleast smile and approach kahit ata parents mo hindi mo makuha iapproach ng maayos e." Sabi ko kaya naman napahampas siya sa lamesa kaya napatingin ako.

"Wala ka naman alam e. Kaya madali lang sabihin sa'yo ang mga bagay na yan." Sabi nito at naglakad palabas padabog na sinara ang pinto kaya naman napailing ako.

Siguro mabait ang isang 'yon hindi lang talaga pinapakita sa public.

Kailangan ko siguro palambutin ang isang 'yon? Tama ganoon nga ang gagawin ko?

"Operation, make my boss fall in love charot. Make my boss turn into good." Sabi ko habang pumapalakpak pa.

Tinuloy ko na ang ginagawa ko at hindi na inisip pa ang boss ko.

Bahala siya sa buhay niya, malaki na siya. Attitude masyado e.

Nakalipas ang limang oras hindi na nagpakita yung maatittude kung boss. Apat na oras ko ginawa yung pinapagawa niya bago ko natapos tapos kalahating oras ako nagpahinga kasi nagbabakasakali ako na darating siya pero walang Kiel Mercado ang dumating.

"Ay jusme nagtampo na si Boss. Bahala siya at uuwi na lang ako wala naman ako gagawin e." Sabi ko pa sabay lakad palabas.

Pero balak ko pa lang pihitin ang door knob ng iluwa na nito si Boss Kiel.

𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon