Nakatingin lang ako sa folder na naglalaman ng schedule ng meeting ni Kiel.
"Ang sakit sa ulo ng mga 'to." Sabi ko sa isip ko habang hinihilot ang sintunado ko.
Natigil ako ng may kumatok kaya napatayo at naglakad palapit sa pinto, bumungad sa akin si Mariel na isa sa waitress.
"Yes?" Maayos kung approach.
"Si sir po? May babae po kasi na naghahanap sa kaniya e. Eunice po name niya kaibigan po niya." Sabi niya kaya tumango ako.
"Kilala ko yun kaya ako na lang ang makikipag usap. Thank you Mariel."
"Wala po yun Ma'am. Mauna na po ako sa inyo." Sabi nito kaya naman tumango ako at naglakad na siya paalis. Naglakad na lang ako palabas at nakita ko na si Eunice na prenteng nakaupo habang umiinom ng kape kaya napapailing ako bago naglakad ako palapit sa kaniya.
"Hey." Sabi ko pagkalapit ko.
"Uy hello, ikaw na naman Queen. Upo ka muna." Sabi nito kaya umupo ako katapat siya.
"Anong nag udyok sa'yo para mapadalaw rito." Sabi ko rito.
"Chika dai, buti pa si tita pinaalam sa akin samantalang itong bestfriend ko hindi sinabi. Kailan ba ang matamis na oo?" Kinikilig na sabi niya kaya naman napailing ako.
"Malalaman mo rin yun, ipost ko pa sa facebook e. May caption pa na akin 'to, property ko 'to, walang lalandi kasi babasagin ko pagmumukha niya." Seryosong sabi ko.
"Ang hard dai, anyway nasaan ba si Kiel? Umalis sabi nung mga tauhan e. Pero sabi ko ikaw na lang ang kakausapin ko, since secretary ka naman e." Sabi nito habang may binubungkal sa bag niya.
"This, give it to him. Wag mo bubuksan yan please.... hindi mo nanaisin na makita ang laman niya kaya wag mo na buksan. Saglit lang talaga 'ko. Inabot ko lang yan tapos kapag nabasa ni Kiel yan automatic na alam na niya kaya iabot mo. Thank you Phoebe, mauuna na ako sa iyo." Sabi nito sabay tayo kaya naman tumayo na rin ako.
"Pabalik na ata si Kiel hintayin mo na lang." Sabi ko rito pero umiling siya.
"May imemeet pa 'ko. Gustuhin ko pa na magstay hindi na puwede kasi business matter ang isang 'to. Sige na Phoebe, salamat talaga." Sabay beso niya sa akin kaya naman kumaway ako sa kaniya bago siya naglakad paalis.
Napahinga na lang ako ng malalim bago naglakad pabalik sa office.
Habang nagtatype iniisip ko yung sinabi sa akin ni Eunice.
"Wag mo bubuksan yan please.... hindi mo nanaisin na makita ang laman niya kaya wag mo na buksan."
"Wag mo bubuksan yan please.... hindi mo nanaisin na makita ang laman niya kaya wag mo na buksan."
"Haist, tangina mo brain! Wag ka magulo." Sabi ko sa isip ko habang pinupokpok ang noo ko.
Nagulat ako ng makita ko ang pagmumukha ni Kiel habang nakakunot ang noo.
"Anong tingin yan boss?" Pagtataray ko rito.
"Ba't mo pinupokpok noo mo. Masakit ba. Tingin nga." Sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko.
Tinanggal ko naman 'to.
"Ayos lang ako medyo naiistressed lang talaga. Anyway, nandiyan sa table mo yung papers na inabot ni Eunice." Sabi ko habang nakaturo dito.
"Sige, ayos ka lang ba talaga?" Sabi niya habang kinakapa ang noo ko.
"Kulit, oo okay lang ako boss." Sabi ko pa kaya naman hinalikan niya 'ko sa noo.
"Careful my Queen." Sabi niya kaya naman kinilig ako.
Bumalik na kami sa ginagawa namin. Ako nagtatype siya binabasa yung binigay ni Eunice.
"Kailan niya 'to iniabot sa'yo? Nabasa mo ba 'to? May sinabi ba sa iyo?" Sabi niya na tila natataranta kaya napailing ako.
"Wala bukod sa wag ko buksan baka kasi hindi ko nanaisin ang makita ko. So weird ng isang 'yon." Sabi ko sabay iling.
"Wait me here, kakausapin ko lang ang isang 'yon." Sabi niya kaya tinanguan ko siya.
Hindi ko alam kung anong nangyari kay Kiel at hindi na nakabalik. Hindi rin nagtext kaya naman ako na ang nagdesisyon na pauwiin ang mga employee. Commuters ang peg ko kaya heto naglalakad ako papunta sa Apartment.
"Nasaan na manliligaw mo pre? Ba't hinayahan mo mag isa ka pinauwi. May LQ agad hindi pa kayo." Sabi ni Ben ng mapansin na naglalakad ako papasok sa loob ng apartment ko.
"Busy lang siya. Atsaka walang LQ pagod kaya hinayahan ko magpahinga. Pagod na ako pre, bukas na lang tayo mag usap. Goodnight." Sabi ko pa rito sabay lakad papasok.
Hindi na 'to nagsalita pa at hinayahan na lang ako maglakad papasok. Umupo ako sa sofa habang nakatingin sa kawalan.
"Anong nangyari sa isang 'yon?" Sabi ko sa isip ko.
Napahinga ako ng malalim. Habang kinukuha ang phone ko at nakatingin lang dito.
"Tatawagan ko ba o itetext? O baka wag na lang kasi baka hindi pa rewdy ang isang 'yon." Sabi ko pa sa isip ko kaya naman nilapag ko sa lamesa ang cellphone ko.
Tapos na 'ko sa pagkain ko at paglilinis ng katawan at patulog ng marinig ko ang pagring ng cellphone ko. Pagkatingin ko ay unregistered number kaya naman nag aalangan pa 'ko sagutin pero I ended up answering the call.
"Hello, this is Eunice. Is this Phoebe." Sabi sa kabilang linya kaya naman huminga ako ng malalim.
"Ikaw pala Eunice, oo ako 'to si Phoebe. Anong sa atin at napatawag ka?" Sabi ko rito sabay upo sa kama ko.
"Wag ka iiyak. Wag ka masasaktan kapag may nalaman ka. Ayoko saktan ka kaya please stay strong." Sabi niya kaya napakunot ako ng noo.
"Huh? Anong nangyari ba? Anong mayroon? Kinakabahan ako be." Natatawang sabi ko para maiwasan ko ang pagtataka at yung weird feeling ko.
"Malalaman mo rin pagdating ng panahon, hayaan na lang natin na si Kiel ang magsabi sa'yo basta wag ka magagalit." Sabi nito kaya napapailing ako.
"Hindi kita gets, ang gulo mo be. Ba't ayaw mo sabihin na lang sa akin." Sabi ko rito.
Nababadtrip na 'ko.
"Sorry." Sabi nito sabay end sa call kaya naman tinawagan ko pero hinahayaan na lang niya magring ito at hindi na sagutin.
Ano ba ang dapat ko malaman na ikakasakit ng puso ko, ikakadurog ng puso ko. Ikaiinis ko, ba't ang gulo tila iba yung kutob tila mali na nalaman ko pa yun. Nakakacurious tuloy. Dahil sa pinaghalong curious at inis ko tinulog ko na lang.
Naalimpungatan ako ng may maramdaman ko na may nagtext kaya naman napabangon ako at tiningnan ang nagtext.
From: My Boss King
Hello, goodevening. I know it's already late at baka malabo mo na 'to mabasa kasi mahimbing na ang pagkakatulog mo. Pero... I just want to say sorry kasi hindi ako nagpaalam sa'yo, hinayahan pa kita umuwi mag isa at akuhin yung trabaho na dapat ay sa akin. But, thank you sa pag unawa. I'll tell you something tomorrow, ayaw ko man sabihin pero ayaw ko naman na hindi mo malaman ang totoo. I love you kaya ko 'to sinasabi. Kaya please.... wag ka magagalit kapag nalaman mo ang totoo. You're still my Queen, my one and only Queen.
Nakalagay sa message kaya naman napakunot ako ng noo. Hindi ko na lang tinugunan pa 'to at binalik na lang sa lamesa. Bumalik na lang din ako sa pagkakatulog pero dahil naalimpungatan ako ay tumayo na lang ako at naglakad na lang palabas ng kuwarto.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ChickLitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.