FINALLY #18

141 23 1
                                    

Phoebe Point of View

Hindi ko halos maiwasan ang bumuntong hininga.

"Hindi nangangain sila Mommy be." Sabi ni Eunice dahil napansin niya yung kaba na nararamdaman ko.

"Kinakabahan ako e. Hindi ko na nga iniisip kaso naiimagine ko na talaga be." Sabi ko kaya hinawakan ni Kiel ang kamay ko.

"I'm here, lagi akong nasa tabi mo." Sabi niya kaya napanatag ang loob ko.

Huminga ako ng malalim bago kami nag umpisa maglakad papasok. This is totally a mansion. Sa lawak nito ay tila mawawawala ka lalo na kung dalawa o tatlo lang kayong nakatira. Mahirap magkahanapan sa sobrang lawak ng bahay nila.

"Dream house nila Mommy, katulad ng ilang mahihirap nangarap din sila. Naniwala sila sa kakayahan nila kaya napatayo nila 'to. Hindi talaga kami mayaman, sapat lang ang mayroon kami. Kumbaga naafford lang namin yung needs namin, tapos ngayon sobra sobra kaya shinare na rin namin sa iba, hindi madadala sa kamatayan ang kayamanan e. Pero yung busilak na puso ng isang tao iyon katanggap tanggap." Sabi niya kaya naman napapatango ako.

"Wala ka iba sasabihin bukod sa mahal mo kasi siya e. Childhood love na hinadlangan ng panahon pero sa tulong ng pagmamahalan nagkita at pinagpatuloy. Buti, naniniwala ako sa power of love." Sabi pa ni Eunice kaya gumaan na ang pakiramdam ko.

"Salamat talaga Eunice." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Boto ako sa inyo e, para talaga kayo sa isa't isa. Pinatunayan niyo kaya nga ginawan ko ng paraan e. Mapagalitan na kaysa makasira ng happiness." Sabi niya kaya bumitaw ako sa pagkakahawak.

"Tara na nga. Tama na muna yan." Sabat ni Kiel kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.

Ganoon na lang ang gulat ko ng mapansin ang biglaang pagsulpot ng tila magulang ni Eunice, halata sa kanila ang pagiging proffesional nila sa pananamit pa lang.

"Good afternoon po." Magalang na bati ko kahit kinakabahan.

"Good afternoon din hija. Good afternoon Kiel." Sabi sabay beso ng mama ni Eunice. Tumango lang ang Papa nito.

"Anong nag udyok sa inyo magpunta rito at tila biglaan. May kasama pa talaga kayo." Tila nalilitong tanong ng Mommy niya.

"Mom.. Dad.... sorry I failed." Naiiyak na sabi ni Eunice.

"I know ginagawa niyo 'to para sa happiness ko. I know lahat gagawin niyo para sa happiness ko pero hindi po sa ganitong paraan. Hindi po 'to yung happiness. Hindi po happiness ang kuhanin ang taong may mahal ng iba, masakit po pero mas masakit na makita mo na sinisira mo yung taong binuo ang isa't isa. Mommy... Daddy... Walang kasalanan na magaganap." Sabi nito kaya naman bumuhos ang luha sa mata niya.

"Akala ko okay na e. Akala ko okay na ako sa ganoong settled as long nakakausap at nakakasama ko. Mommy... hindi natin kailangan manira para sa happiness ko, Daddy please... for the sake of love wag na natin ituloy, masaya silang nagmamahalan." Sabi niya habang nakaluhod siya.

"Ano ba ang totoo? Mrs. and Mr. Antonio, anong hindi ko alam? Anong nangyayari?" Sabi ni Kiel kaya naman napabitaw siya sa pagkakakapit.

"Anong happiness? Anong manira? Just tell us para alam namin, tao kami may nararamdaman kami. Baka nakakalimutan niyo." Sabi nito kaya naman napabuntong hininga si Kiel habang nakakunot ang noo.

"Kiel.... please wag ngayon. Phoebe, sorry. Pinigilan ko kasi alam kung may hinihintay siya. Alam ko aasa ako sa wala. Phoebe, patawarin mo 'ko." Sabi nito habang nakaluhod at hawak ang kamay ko.

Nakatunganga lang ako habang tinitingnan siyang umiiyak at nakaluhod sa harapan ko.

Umiiyak ang Mommy niya habang pinipilit siya nito patayuin.

𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon