Davao is waving to us, Kiel and I are going to Davao for some business matter. I'm still her secretary, walang bago sadyang bumait lang talaga siya sa akin. Boss ko siya kapag working hour, while manliligaw ko siya kapag hindi oras ng trabaho.
Nakasakay na kami ngayon sa eroplano siya sa tabi ng bintana habang ako naman sa may gitna at may babae kaming katabi.
"I want to rest, I have a hard time to think last night." Sabi ko pa habang hinihilot ang ulo ko.
"Puyat ka na naman Queen, sabi ko naman sa'yo wag ka masyado nagpupuyat at nakakasama sa kalusugan e. Tigas ng ulo mo." Sabi nito na hindi ko na lang pinansin pa.
Hinawakan niya ako sa beywang habang nakasandal ako sa balikat niya.
"Just rest, My queen. Pagdilat mo mahal pa rin kita. Hindi yun magbabago." Sabi nito sabay halik sa pisnge.
Kahapon bago ako pumasok sa apartment ko inabutan niya ako ng rose na hindi ko alam paano na siya nagkaroon, introduction daw sa panliligaw. Halata naman na nag eefort siya kaya naman natuwa ako at sinabi na ayos lang kahit walang bulaklak araw araw kasi malalanta rin naman ang mga 'yun, effort and time sapat na o simpleng sulat na lang galing sa puso is to much appreciated. Pinikit ko na lang ang mata ko habang magkahawak ang kamay namin.
Nagising ako ng maramdaman ko na humahalik sa pisnge ko kaya naman napamulat ang mata ko.
"Where here my Queen, makakapagpahinga ka nang maayos sa Hotel. So.. let's go." Sabi niya kaya inayos ko ang aking pagkakaupo. Tiningnan ko kung may mga passenger pa, konti na lang kami kaya inayos ko ang sarili ko at tinanggal ang seat belt.
"Ako na magdadala ng mga 'to. Mauna ka na sa pagbaba. Careful mamahalin pa kita at papakasalan." Sabi nito sabay halik sa noo ko.
"Sa susunod sa lips na yan, I just want to respect you kasi wala pa naman tayong label e. Sige na kilos na wag ka muna kikiligin, maraming araw pa para kiligin ka." Sabi nito.
"Ewan ko sa'yo. Buwisit ka talaga kahit kailan e. Mauna na ako sa'yo, sumunod ka na lang." Sabi ko pa sabay buhat sa shoulder bag ko.
Naglakad na ako habang nakasunod siya sa likod ko.
"Thank you Ma'am and Sir." Sabi ng flight attendant kaya naman nagpasalamat din ako sa kanila.
Tinitingnan ko si Kiel kung kakayanin ba niya ang mga bitbit namin na iba. We have hand carry kasi tapos may isang maleta na kukunin pa namin pagkababa namin.
"Kaya pa ba Boss." Sabi ko rito.
"Syempre, basic." Sabi niya pa kaya naman napapailing ako.
Nakababa na kami sa wakas, papasok na kami sa may Airport.
"Ako na kukuha ng maleta, hintayin mo na lang ako rito." Sabi nito sabay lapag sa dala niya. Hinintay ko na lang siya habang nakatingin ako sa kaniya.
I'm to lucky with this man, I'm also bless to have him, ang suwerte ko na tinupad niya yung pinangako niya sa 'kin.
"Wala na akong hihilingin pa bukod sa magandang buhay ng pamilya ko." Sabi ko pa.
Tiningnan ko lang siya na nakangiting hinihintay ang baggage ko na maleta. Ang dami ko kasing dala dala na kung ano ano e. Wala lang, hindi ako sana'y na may naiiwan ako lalo na at isang linggo kami nandito.
Nasa kuwarto na ako ngayon. Walang dalawahan na room sa iisang room kaya nag separate kami ng higaan. Pero magkatapat lang naman ang kuwarto namin e. Inayos ko ang mga damit ko at nilagay sa cabinet na nandito at walang kalaman laman.
"Dadalhin na lang pala yung ibang kakailangan namin sa isang linggo. Mag aayos na muna ako ng kuwarto." Sabi ko pa habang inaayos ang mga kagamitan ang kama.
"Nakakahiya dumihan ang isang 'to masyadong maputi." Sabi ko pa sa kama habang pinapagpagan.
"Queen." Boses ni Kiel habang kumakatok at tinatawag ang pangalan ko.
"Wait lang boss, may inaasikaso lang ako. Pasok ka na kasi hindi naman naka lock ang pintuan." Sabi ko pa.
Narinig ko na lang ang pagbukas ng pintuan kaya naman hinarap ko si Kiel na papasok.
"Hindi ka pa ba nagugutom? Kain na muna tayo?" Sabi nito sa akin.
"Wait magbibihis na muna 'ko." Sabi ko pa rito.
"Sige hintayin na lang kita. Daliian mo na lang." Sabi nito kaya tumango ako.
"Wag mo agad ako mamimiss jusme. Sandali lang ako boss." Sabi ko pa sabay lakad papasok sa cr.
Magkasama kami ngayon kumakain ng almusal sa isang restaurant malapit sa hotel.
"May 2pm meeting ka with Mr. Castro and 7pm with Mrs. Dela Cruz. Natawagan ko na sila about sa meeting at alam mo na raw saan ang meeting gaganapin. Bukod roon wala ng iba pa na meeting. I want to join with you kahit matagal kaso.. okay lang ba na wag ako sumama? inaantok kasi talaga ako e." Sabi ko sa kaniya.
I know trabaho ko samahan siya kaso hindi na maayos ang pakiramdaman ko feeling ko any moment lalagnatin na 'ko.
"Namumutla ka ayos ka lang ba?" Sabi nito kaya iniwas ko ang tingin sa kaniya.
"I'm fine, It just I'm not feeling well." Sabi ko pa rito pero makulit talaga siya at hinawakan niya 'ko sa noo.
"Nilalagnat ka e. Magpahinga ka after natin kumain, uminom ka ng gamot at wag ka na lalabas. Alam ko na ang mga 'to ako nang bahala." Sabi niya pa.
"Sige. Kain na tayo." Sabi ko pa.
"Just wait me later. I'll be back pero mag rest ka at wag ka magpupuyat pa. Okay ba yun?"
"Opo boss."
"Good. Kumain ka na at mamahalin pa kita bukas, sa mga susunod pa na araw." Sabi nito kaya naman hindi ko maiwasan na hindi kiligin.
Hinatid niya ako papunta sa Hotel ayoko na sana kaso gusto niya na masiguro na okay ako na maayos ako makakarating.
"Patayin ko 'tong aircon para hindi ka ginawin. Dadalawin kita rito after ng meeting mga 9 para sa dinner, text mo 'ko if you need something or kailangan mo ng kung ano ano, demand o hindi mo kaya. Mas mahalaga sa meetings ko tandaan mo yan. Ikaw ang future ko kaya ko 'to ginagawa at kung wala ka ayaw ko na mapunta sa future. So.. please take care my Queen." Sabi pa nito sabay halik sa noo ko.
"Rest, my queen. I'll be back. I love you." Sabi pa nito sabay patong ng kumot.
Kinawayan ko lang siya at pinikit na ang mga mata ko. Nararamdaman ko na yung mataas na lagnat kaya kailangan ko na magpahinga. Nag umpisa na ako sa pagtulog ko.
Naalimpungatan ako ng mag ring ang cellphone ko, kaya kahit nahihirapan ako dahil sa init ay kinuha ko 'to sa table at tiningnan ang caller at ng mapansin na si Kiel ay sinagot ko.
"Hello." Garagal na boses ko.
Napaos ako sa lagnat ko.
"Are you okay? Pabalik na ako riyan. Wait me here." Sabi nito.
"Sige lang, hihintayin kita. Wag mo na ako iiwan." Naiiyak na sabi ko.
"Hindi na kailanman."
Hindi na ako nagsalita pa at natulog na lang ako dahil sa init na nararamdaman ko.
When you are inlove, hindi mo na iisipin kung masasaktan ka ba or hindi? Basta ang mahalaga para sa iyo iyong mamahalin ka katulad ng pagmamahal mo. This is what I want now, to love and to be loved. Naramdaman ko lang 'to kay Kiel at handa ako sumagal kasi worth it naman yung isusugal kung pagmamahal. Totoo nga FIRST LOVE NEVER DIE.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
Chick-LitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.