Tinanghali na ako sa paggising kasi maaga na ako natulog. 5am to be exact. Hinintay ko yung repspond kung papasok pa ba ako o hindi pero I end up sa answer na no need na raw pero bumisita raw ako dahil gusto ako makausap ng mommy niya.
"Ano kaya sasabihin sa akin ni Tita Kelly." Sabi ko sa sarili ko pero hindi ko malaman ang sagot kung hindi ako pupunta.
Nag ayos na ako at naghanda ng makakain ko. I already receive a message from Kiel na 2pm daw kami magmemeet ni Tita Kelly sa mismong office niya. It's already 12:40 pm ng tangghali kaya nagmamadali ako sa pag aasikaso dahil ayaw ko maghintay si Ma'am ng matagal.
Nauna ako kay Tita ng 10 minutes kaya habang hinihintay ko siya ay naisipan ko muna magcashier since may alam naman ako sa ganoon na bagay. Pero imbes na matuwa si Tita, nagalit pa ata sa ginawa ko. Tumulong lang naman ako sa kanila.
"Tumulong lang po talaga ako tita, atsaka it's my own decision pantagal sa bored." Mahinahon na sagot ko.
"Okay okay, sit down." Sabi nito kaya naman umupo ako sa upuan kung saan ako nakaupo kapag kausap ko si Kiel.
"Ayaw ko na magpaligoy ligoy, balik ka na sa bahay." Sabi niya dahilan para matameme ako.
"Po?" Gulat na tanong ko.
"It seems Kiel change, kung noon ay tarantado siya ngayon ay hindi na gaano. Hindi na rin siya sumasagot kapag pinapagalitan ko siya, napapansin ko rin na balisa siya at tila may hinahanap, hindi siya mapakali. I don't know, pero bilang isang ina kilala ko ang anao ko, ramdam ko na may gusto siya sa'yo hindi lang niya maamin sa hindi ko malaman na dahilan." Sabi nito kaya naman nagulat ako at parang tila naispeechless na lang.
Si Kiel gusto ako? As in ako talaga? Ako talaga na secretary lang? Malayo ang level sa isa't isa? KALOKOHAN BA 'TO?
"Bakit ako? Ako na heto lang? Can you see me tita? I'm just a simple girl, simple girl na gusto makaahon sa hirap. Walang wala ako sa kalingkingan ni Kiel o ng pamilya niyo. Papayag kayo na ganitong klase ng babae yung gusto niyo para sa anak niyo. Nagpapakatotoo na po ako sa inyo." Sabi ko pa.
Kahit ang sakit ng binitawan ko na salita para sa sarili ko sinabi ko kasi ayaw ko sa kanila pa mismo manggaling mas hindi ko matatanggap yun.
"No, I don't need a girl na ang alam lang sa buhay ay iyong paganda, spoiled brat walang alam sa buhay. I like you, I like you in my son. Ikaw yung babaeng madaling mahalin, marunong sa mga bagay, walang kaarte arte, marunong sa buhay at higit sa lahat maganda ka in and out iyon ang rason kaya gusto ka ni Kiel, hindi niya man sabihin nararamdaman ko yung kasi ina niya 'ko." Sabi nito.
Napatulala na lang ako sa mga sinasabi niya. Habang pauwi ako sa apartment ay napatulala lang ako hindi ko na alam yung nangyayari sa bagay bagay.
"Why love is complicated?" Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad ako papasok sa apartment.
"Pre, inom tayo." Sabi ko kaya naman ganoon na lang ang gulat ni Ben.
"Gago, tumigil ka. Baka mamaya nito saan tayo mapunta. Ayaw ko gawin yun. Hindi natin pareho macontrol sarili natin. Magtigil ka." Sabi nito kaya naman sinaraduhan ako.
Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa loob ng apartment ko.
"Haist, sumasakit ulo ko. Hardcore 'tong araw na 'to e." Sabi ko pa sabay iling iling.
Naisipan ko na lang ang maglinis kaysa magmukmok at isipin yung feelings niya sa akin. Maiistressed lang ako kung iisipin ko ang bagay na 'yon.
Natapos ako pero hindi pa rin ako nakakamove on. I know King and Kiel ay iisa pero bakit sinasabi ko pa na magkaiba kami ng level.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ChickLitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.