FINALLY #5

153 24 0
                                    

Day passed pinagtiyagahan ko yung pagiging mood swing ng Boss ko. May pagkakataon na maayos kausap pero madalas ay sarkastiko at nambabara. Punyeta natatagalan ko siya. As in, congrats self.

"Sir, excuse me lang po. May nag send ng email sa akin. Yung sa batangas po ata 'yon e. Bukas na raw po yun." Pagpapaala ko rito.

"Noted. Get ready pag uwi natin. Pack up your thigs na kailangan hindi masyadong madami dahil hindi tayo pumunta roon para mag outing pupunta tayo para sa business. Get it?" Sabi nito.

"Oo alam ko yun. Pero kapag nilandi ako ng beach puwede?" Paglalambing ko.

"Pag iisipan ko."

"Tsk." Sabi ko rito.

Nagtype lang ako ng nagtype kasi ito na naman ang trabaho ko.

"Anong gusto mo kainin sa luch? Iyon na lang din akin. This past few days ako ang nagdedecide kaya ikaw naman ngayon." Sabi ko sa kaniya.

"Baka hindi pasok sa taste mo yung taste ko jusme. Ikaw na bahala boss, masarap naman yung mga pinipili mo e. Worth it kainina sa totoo lang. Ikaw na bahala." Sabi ko sa kaniya.

"Sige." Sagot niya kaya naman hindi ko na siya pinansin pa.

Gusto ko sana KFC e. Kaso nga lang baka ayaw ni Kiel baka mapilitin siya kaya siya na lang magdesisyon. Masarap naman yung mga binibili niya na pagkain e.

Binanat ko ang kamay ko dahil sa pangangalay. Nakita ko si Kiel na papasok kaya naman umayos ako.

"Tara kain na tayo. Tapos na ba?" Sabi nito sa akin.

"Yup, saan ba tayo? Ayaw mo magpadeliver. Hassle kung aalis pa tayo Boss."

"Okay lang."

"Sige ikaw bahala." Sabi ko rito.

Kinuha ko ang shoulder bag at pinasok ang cellphone ko. Sumunod lang ako sa kaniya habang palabas kami. Nakita ko ang mga reaksyon ng mga trabahador. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa kasi parang obvious naman na shiship kami. Ayoko ko maissue sa kaniya pero ayaw ko naman tanggihan siya kasi boss ko siya at oras naman din 'to ng trabaho.

"Pabayaan mo sila. Wala naman tayong masamang ginagawa e." Sabi nito habang nagdadrive.

"Wala naman akong pake sa mga yun Boss."

"Good."

Natahimik ako bigla. Somewhat, kinikilig ako na may pake siya sa sasabihin ng iba. Is this himala?

"Anong gusto mo kainin?" Sabi nito.

"Kahit ano na lang. Tila wala naman akong alam dito e." Sabi ko habang papasok kami.

"Goodafternoon, table for two." Sabi ng waitress.

"Yes please." Sabi ni Kiel.

"This way, Sir." Sabi sa amin.

Kaya naman nakasunod kami sa kaniya pero nagulat ako ng akbayan ako at ilapit idikit ang mukha sa tainga ko.

"May nambabastos sa'yo pasensiya ka na sa ginawa ko. Iniingatan lang kita." Sabi nito kaya naman napanatag ako.

Magdating sa table ay pinaghila ako ng upuan kaya naman umupo ako at ganoon din siya.

"This is the menu Ma'am and Sir." Abot sa menu.

Binasa ko ang mga nandoon at miski isa wala akong alam.

Anong klase bang food 'to? Pang mayaman ba ganern?

𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon