Nahuli ako ng pasok dahil sa kinulang ako sa tulog at dahil na rin sa naalimpungatan ako sa text.
"Are you okay?" Tanong ni Kiel pagkapasok ko.
"Yup." Sabi ko sa kaniya habang hindi siya tinitingnan.
"You're not okay, kilala kita kaya alam ko may mali. Tungkol ba 'to sa kagabi na text. Sasabihin ko naman e." Sabi niya pa pagkaupo ko.
"Nauunawaan ko naman 'yon. Wala naman akong karapatan magalit e. Wala naman tayo." Sabi ko pa rito.
"Anyway, nasaan na yung mga paper works ko. Gagawin ko na kaysa nasasayang oras. Sayang sahod." Sabi ko pa kaya naman may iniabot siya sa akin na folder na kinuha ko naman at nilapag sa table ko.
"Pinag isipan ko 'to kahapon. Ayaw ko harapin ka ng dahil dito. Alam ko kasi na masasaktan ka e. Kahit sabihin mo wala pa yung label yung feelings iniiisip ko. Queen, inarrange marriage ako kay Eunice kasi iniisip nila Eunice and I are having a date, akala nila yung paglabas labas namin ay sign na nag date kami. Para sa amin we're friend." Sabi ko kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"Ba't hindi mo sinabi para alam ko di ba? para nasamahan kita." Sabi ko rito.
"Ayaw ko na naiinvolve ka sa ganito. Labas ka rito. Ginagawan na namin ng paraan ni Eunice. Kinakausap na namin ang parents niya at kinausap na nila Mommy at Daddy about sa relationship natin kaya masesettled rin just wait. Okay lang ba na ako naman ang hintayin mo, this time." Sabi niya kaya naman tumayo ako at naglakad ako palapit sa kaniya.
"Naiintindihan kita. Ayos lang, wala ka naman maririnig na sumbat sa akin, basta may tiwala ako para sa iyo." Sabi ko pa.
"Thank you, just wait." Sabi nito kaya naman tumango ako.
"I love you, kaya I trust you." Sabi ko kaya naman hinalikan niya 'ko sa noo.
"I love you more." Sabi niya.
Nahinto kami ng may kumakatok.
"Ako na magbubukas." Sabi ko sa kaniya kaya tumango lang siya.
Naglakad na ako papunta sa pinto at bumungad si Eunice na tila naiistressed dahil sa itsura niya.
"Hello Phoebe, can I talk to Kiel. Urgent lang." Sabi niya kaya naman sinenyasan ko na pumasok kaya naman hinayahan ko na nakabukas ang pinto.
"Maiwan ko na muna kayo riyan. Tawagan mo na lang ako Boss ha." Sabi ko kay Kiel kaya tumango siya.
"Dito muna 'ko Eunice." Sabi ko kaya naman kumaway siya.
Nagpaalam na lang ako at naglakad na palabas. Mukhang seryoso yung pinag uusapan nila kaya hindi na ako makikinig sasabihin din naman sa akin ni Kiel e. Hindi siya nagsisikreto sa 'kin e.
Naisipan ko na lang ang kumain sa Mang Inasal dahil nagugutom na rin ang mga alaga ko, matagal na rin ako hindi nakakain sa Mang Inasal namiss ko kaya kakain ako rito.
Kiel Point of view
Walang nagsasalita sa amin ni Eunice tila kinakapa namin ang sitwasyon.
"Alam na niya?" Sabi nito kaya naman tumango ako.
"Shit, ayaw ko siya saktan." Sabi ni Eunice habang hinihilot ang sintido.
"Naiistressed talaga ako kay Mommy at Daddy, feeling sila yung nakakaramdam e. Mali talaga yung paglabas natin e. Naissue tuloy tayo." Problemadong sabi niya kaya naman napahinga ako.
"She's willing to wait, taon nga nahintay niya e. Ito pa kayang linggo o buwan na 'to. She's the best, wala akong ibang mamahalin bukod sa kaniya alam mo yan Eunice, saksi ka pa nga e." Sabi ko kaya tumango siya.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ChickLitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.