FINALLY #1

378 26 3
                                    

Napabuntong hininga na lang ako habang inaayos ang mga gamit ko.

"Anak? Nandiyan na yung tricycle na maghahatid sa'yo sa sakayan mo, papunta sa Maynila." Sabi ni Nanay pagkapasok sa kuwarto ko.

Napahinga na lang ako ng malalim, natataranta kasi ako e. Naayos ko na 'tong mga 'to nung nakaraan na linggo kaso may mga nakalimutan ako na hindi ko maalala kung ano kaya ngayon ko hinahanap.

"Hayaan mo na nga lang." Inis kung sabi kaya naman binitbit ko na yung mga dadalhin ko papunta sa may sala.

"Naiistressed na talaga ako wag na kaya ako tumuloy." Sabi ko kay Nanay, Tatay at sa mga kuya ko na nakalinya malapit sa pinto.

"Huh? Bakit?" Sabi ni Kuya Paulo.

"Nababadtrip na naman ako e." Pataray kung sagot.

"Masasanay ka rin sa Maynila anak, sayang yung oppurtunity para sa'yo kaya igrab muna." Sagot ni mama habang inaayos ang buhok ko.

"Labas na namin yung mga gamit mo Queen." Sabi ni kuya kaya tinarayan ko siya.

Tangina! Sinabi ko wag ako tawagin na Queen kasi ambaho masyado e. Wala naman akong King para maging Queen e. Buwisit talaga yun. Naiinis ako kasi bakit kailangan pa lagyan ng Queen kung puwede naman na yung Phoebe girl masyado e.

"Dalhin niyo na yan Paulo, Preince, Paul sa tricycle." Sabi ni papa kaya naman tumango sila at binitbit na palabas.

Sila ang mga kuya ko. Nag iisang akong babae na naging bunso pa kaya naman bantay sarado ako sa kanila. Kinikilatis nila mga nanliligaw sa akin, mga pumoporma sa akin kasi nga gusto nila mapunta ako sa tamang tao, which is hindi ko alam kung may tamang tao ba talaga na nag eexist o depende na lang sa flow ng relasyon niyo yun.

"Mag iingat ka palagi Phoebe, wala kami roon para itama yung mali at ipaintindi ang mga bagay bagay sa'yo. Matanda ka na anak, mataas ang pinag aralan mo at sana gamitin mo yun. Naiitindihan mo ba?" Sabi ni Nanay kaya tumango ako sa kaniya.

"Wag ka makakalimot na tumawag. Tumawag ka kaagad once nakarating ka para alam namin kung maayos ka ba nakarating. Malaki ang Maynila, hindi mo alam ang mga pasikot sikot hangga't maari maging maalam ka sa bagay bagay. Malaki tiwala namin sa iyo at wag mo yun sisirain." Sabi naman ni Tatay kaya naman tiningnan ko sila ng mabuti.

"Makakaya ko po 'to malalgpasan din po natin ang mga bagay na 'to. Manalig lang tayo sa Panginoon." Sabi ko sa kanila kaya naman ngumiti sila at niyakap nila ako ng mahigpit.

Mamimiss ko 'to yung ganitong segment na dramahan tapos yakapan.

"Ehem, baka naman kami rin. Group hug." Sabi ni Kuya Paulo kaya naman nag group hug kaming anim. Natatawa man ako pero mas lumamang yung saya na nararamdaman ko.

Nalulungkot ako pero kailangan din minsan magsakripisyo ka para may marating kayong magandang kinabukasan kaya iyon ang ginagawa ko. Magsakripisyo para sa magandang kinabukasan ng pamilya.

-

Anim na oras ang biniyahe ko mula sa amin papunta rito sa Maynila. Nandito ako ngayon sa Terminal ng babaan ng mga pasahero kaya agad ko tinext si Nanay na nakarating na ako ng maayos at tinext yung babae na nagpapunta sa akin dito.

Habang hinihintay kung sino ba ang magsusunod sa akin naisipan ko muna magmasid habang nakaupo rito sa waiting shed.

Maynila, napupuno ng sobrang taas na mga Hotel, Building o kaya magagandang pasyalan. Minsan na akong may nabasa na magandang pasyalan dito. Star City, Enchanted Kingdom, Mall of Asia, Rizal Park at iba pa.

"Pupuntahan ko yun soon." Sabi ko pa habang nakatingala sa building na nasa may tapat ko lang.

"Ikaw ba si Phoebe Queen Magbanua?" Sabi ng isang batang babae na tila nasa edad ng 10 years old.

𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon