Nasa biyahe kami papunta sa Batangas time check 5:30 am.
"You okay?" Tanong niya sa akin.
"Yup, hindi na dinadala yung problema ko sa trabaho. Don't worry hindi maapektuhan ang performance ko. Anyway, sorry kahapon." Sabi ko sa kaniya.
"Sabi ko nga na okay lang nauunawaan ko. Natatawa nga ako kasi noon naiinis ako sa madrama kaso kahapon nung nakita kita, lamang yung awa at pag unawa ko sa'yo." Sabi nito kaya naman napangiti ako.
"Good to hear, you are doing to be the best version of yourself. Naks, sana magkaroon ng improvement." Sabi ko pa rito.
"Tsk." Sabi niya back to pagtataray.
"Mahaba pa naman yung biyahe natin e. Matutulog na muna 'ko." Sabi ko pa sabay kuha sa phone ko at salpak ng earphone.
"Kapag balak mo mag stop over gisingin mo 'ko ha. Iidlip lang ako ng saglit okay?"
"Okay, sleep. Sleep head."
Napapadalas na nga talaga yung pagtulog ko e. Antukin na nga ako kahit maaga naman ako kung matulog, ewan ko ba. Siguro dahil hindi masyado nababanat yung katawan ko kaya gano'n sa probinsya kasi mabigat mga ginagawa ko like, magbuhat, magtinda basta ang alam ko mas mahirap ginagawa ko kaysa rito sa pagtatype o magbubuhat ng papeles.
Pumikit na 'ko at nag umpisa na ako matulog.
Nagising ako ng maramdaman ko na tila may mabigat na nakapatong sa ulohan ko kaya naman nagising ako. Nakita ko si Kiel na mahimbing na natutulog. May driver kasi kami na kasama kasi para daw makapagpahinga siya at hindi mapagod sa pagdadrive kaya dalawa kami nandito sa may back seat. Inayos ko ang pagkakahiga niya at pinatong sa balikat ko.
"Kuya? Nasaan na po tayo?" Tanong ko pa rito.
"Cavite na hija. Gusto mo ba mag stop over na muna tayo?" Sabi ni Manong Driver.
"Sa Mc do po tayo para may cr. Ako na lang po bahala kay Kiel." Sabi ko sa kaniya sabay hipo sa malambot na pisnge ni Kiel.
"Boss, boss gising." Sabi ko sa kaniya. Pero tumatango lang siya nagulat pa ako ng hawakan niya ako sa baywang at yakapin kaya hindi ko maiwasan hindi kabahan.
"Sir." Sabi ko dahilan para gumalaw siya.
"Hala! Sorry." Sabi nito sabay bitaw at ayos ng upo.
Inayos ko ang sarili ko. Masyado akong nagulat.
"Ayos lang po, pagdating po natin sa Batangas magpahinga ka." Sabi ko sa kaniya kaya naman tumango siya.
"Naboring ako wala kasi akong kausap e. Natulog na lang ako at hindi namalayan na nakapatong na pala ang ulo ko sa ulo mo. Pasensiya na talaga." Sabi nito sa akin.
"Okay lang Sir, nauunawaan ko po."
"Anong balak?"
"Balak sana namin mag stop over sa Mc do para kumain at makaihi na rin."
"Sige."
"Pagdating natin sa Batangas, mag iistay tayo sa Hotel. Dalawang room." Sabi nito sa akin.
"Isang room na lang may dalawang room para hindi magastos. Sayang din kung dalawa pa." Sabi nito.
"Ayos lang ba sa'yo yun? I mean nasa iisang room hotel?"
"Yup, wala naman tayong milagrong gagawin e. Atsaka trabaho naman pinunta natin e."
"Okay sabi mo e."
Napabuntong hininga ako habang inaayos yung gamit naming dalawa. Nasa iisang room kami na may dalawang kama. Isang pangdalawa at isang single ako na ang pumili na sa single ako at siya sa double kasi hindi naman ako sanay sa masyadong malawak, pakiramdam ko may tumatabi na kaluluwang ligaw sa akin.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ЧиклитA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.