FINALLY #4

162 24 1
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sasakyan sa sobrang pagod namin sa pamimili.

"Pasensiya na Sir, napagod lang talaga ako e." Sabi ko habang nag uunat. Napansin ko kasi na nakatingin siya sa akin ay mali nakatitig pala.

"Kanina pa ba tayo dumating, nakakahiya nakita mo pa akong natutulog. Tara pasok na tayo sa loob." Sabi ko rito umupo na ako ng maayos at tinanggal ang seatbelt at balak ko na sana buksan ang pinto para bumaba ng hawakan niya ang kamay ko dahilan para tingnan siya.

"Thank you so much Phoebe. Anyway, don't call me Sir or Boss, kapag nasa bahay. Kiel is enough kapag nasa work doon mo ako tawagin okay ba yun?"

"Sige po Kiel." Sabi ko pa rito.

"Good." Sabi nito sabay bitaw sa kamay ko kaya naman binuksan ko na yung pinto.

Hinga self, wala lang yun.

Dahil kakaibang pakiramdam ko ay nakalimutan ko na sa kaniya magpaalam na mauuna ako sa kaniya papasok. Pumasok na ako dahil nakabukas naman ang gate. Buti na lang wala akong naabutan na tao sa baba kaya naman dumeretsyo na ako sa kuwarto ko at nag lock na agad.

"Bakit ko nararamdaman yung kuryente nung hinawakan niya 'ko. Possible ba na mafall ako kahit alam ko naman sarili ko na wala naman talagang dahilan para ma fall ako sa kaniya. Like what the heck! May mas better kaysa sa akin, walang wala ako sa level nila.

"Haist, stop self, sasaktan mo lang sarili mo." Sabi ko pa sa sarili ko sabay higa sa kama ko.

Paano ba malalaman na crush mo siya, type mo siya o kaya inlove ka sa tao na yun. Samantalang hindi naman gaano kayo close at ganoon katagal nagsama.

"Na fall ako dahil sa pagkain. Lol impossible yun jusko." Sabi ko sa sarili ko.

Imbes isipin ko yung nangyayari sa akin tinawagan ko na lang sila mama. Pero habang tinatawagan sila tiningnan ko kung active sa messenger ang mga kuya ko. Kaso nanlumo ako ng hindi na nga nila sinagot ang tawag ko wala pa miski isa sa kanila ang online.

"Haist, hayaan mo na nga lang." Sabi ko pa at naglakad na lang pahiga.

Naalimpungatan ako dahil naririnig ko ang pagtawag sa pangalan ko.

Kahit nababadtrip ako ay naglakad ako para buksan yung tumatawag sa akin. Niluwa nito si Kiel na nakakunot ang noo.

"Bakit? May kailangan ka?" Tanong ko rito.

"Sleepy head tsk. Anyway, kakain na raw kaya sumabay ka na sa amin." Sabi nito kaya tumango ako.

Naglakad na rin 'to pababa kaya naman hinayahan ko nakaawang ang pinto dahil mag aayos lang naman ako nakakahiya naman kasi na bababa ako na mukhang bruha e.

Nagiging antukin na 'ko.

Ako lang sa aming lima ang bukod tangi hindi nagsasalita at tahimik lang na kumakain. Dahil sa hindi naman ako makakarelate sa pinag uusapan nila.

"Ikaw Kate? Kailan mo balak magpakasal. 28 ka na anak." Sabi nito kaya naman napatingin ako sa kaniya. Hindi naman halata sa kaniya ang pagiging 28 e. Mas mukha pa akong matanda sa kaniya e.

"Ikaw naman Kurt, kailan mo kami balak bigyan ng apo. Wala ka man lang pinapakilala sa amin na matinong kasintahan mo puro ka kasi chicks. Masama ang ganoon anak, paasahan sila at saktan. Masasaktan ka kapag si Kate ang paglaruan ng lalaki kaya alang alang sa kapatid mo tigilan mo." Sabi ng Papa nila kaya naman napangiti ako.

Sana all ganiyan ang mindset di ba?

"Daddy nagpapatayo pa po kasi kami ng sariling bahay ni Jayzam e. Mas okay na po yung ready na kami bago ikasal at hindi iasa sa inyo. Once naman din po na sure na kami para sa isa't isa. Sasabihan ko na lang sila mamanhikan para mapag usapan yung sa kasalan. Wag kayo mag alala Daddy and Mommy, magkaka apo kayo tiwala lang." Sabi nito kaya naman natawa ako.

𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon