FINALLY #10

164 23 1
                                    

Author Notes:

Hello sweetheart, one week akong hindi makakapag update. Due to my busy schedule in school. Prelim is literally waving this week. I'll updated after my exam. Take care always sweetheart.

Apriloveyouuuu

Annalyn Galakal (aprilannaaaa)

-------

Naging back to normal kami ni Kiel hindi ko alam kung anong problema at ganiyan na naman siya makitungo sa akin. Wala naman akong pake kasi mas okay na 'to kaysa masanay ako sa kaniya. Mahirap naman kasi na nagbibigay ng motibo tapos sa huli wala lang pala yun, ganoon lang talaga siya. Baka isumpa ko lahat ng lalaki kapag pinaasa lang ako.

"Excuse me boss." Sabi ko rito.

"Bakit?" Tanong nito.

"May naghahanap sa akin sa labas e. Titingnan ko lang kung sino siya e." Sabi ko rito.

Nasa labas kasi si Ben e. Kaibigan ko nakilala ko lang somewhere tapos nalaman ko na kapitbahay ko pala sa Apartnment na tinutuluyan ko.

"Sige tapos ka na rin naman e. Wag ka tatagal."

"Yes po, thank you." Sabi ko naman kaya naman dinala ko yung shoulder bag at naglakad na palabas.

Nakita ko si Ben na nasa waiting area malapit sa pinto. Nginitian ko lang si kuyang guard bago ako lumabas.

"Hey, anong atin?" Tanong ko rito.

"Pre, labas tayo mamaya. Treat ko." Sabi nito kaya naman napangiti ako.

Nakalipat na ako sa Apartnment ko at naging welcome ako kaya nga isang araw pa lang naging close ko na 'tong si Ben e.

"Kapag libre talaga yung word talagang go ako e. Mamaya text kita kapag pauwi na ako para magkita na lang tayo kung saan natin balak magpunta." Sabi ko pa rito.

"Sige text kita." Sabi nito habang may inaabot na paper bag.

"Thank you rito."

"You're always welcome."

"Sige na pasok na at baka hinahanap ka ng boss mo. See you later."

"See you, ingat."

Kumaway lang 'to at naglakad na paalis kaya naman huminga ako ng malalim pero naramdam ko na may presensiya sa likuran ko kaya hindi muna ako lumingon.

"Sino siya?"

"Kaibigan lang po."

"Ahh. Okay."

"Babalik na po ako." Sabi ko pa sabay harap sa kaniya.

Alam ko naman na si Kiel 'to e.

"Sige." Tipid na sagot nito sabay lakad paalis.

Naglakad na lang ako pabalik sa office. Kakain na lang ako kasi alam ko naman kakain na rin siya at wala naman balak kumain yun na kasabay ako. Naging cold sa akin kaya ganoon yun. Buwisit talaga siya nakakabadtrip buti na lang talaga at hindi agad ako naniwala kasi maiksing panahon pa lang naman kami nagkasama e.

Habang kumakain ay nanonood ako ng K-DRAMA tutal may wifi at naka connect naman ako at wala naman yung Boss ko.

"1 week pala tayo sa Davao for some business matter." Sabi ni Sir Kiel na kakapasok lang.

12:45 pm na at wala naman balak 'tong sitahin ako kasi luch break at wala naman ginagawa e.

"Noted boss, anyway okay na ba yung sa appointment mo? Settled na ba ang mga yun?" Sunod sunod na tanong ko sabay lock sa phone ko. Hinayahan ko na lang nakaconnect siya.

𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon