Day, passed pero yung pagmamahal niya hindi natatapos at yung panliligaw niya sa akin hindi natitigil. 2 days na kami rito sa davao. We are doing are works katulad ng dahilan ng pagpunta namin pero kapag may time nagpapakasaya kami, gagala kami o kaya ay quality time. Sinusulit namin ang araw na free time kami at walang trabahong iniisip.
"I'm happy, masaya ako kasi I know na may pag asa ako sa'yo." Sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko.
"Kumusta naman din ako King, mas masaya ako jusme. Nararamdaman ko na tanggap ako ng pamilya mo kahit ganito ang sitwasyon ko sa buhay." Sabi ko sa kaniya habang nakayakap sa beywang niya.
"Tanggap kita kahit sino ka pa, ano pa ang katayuan mo. Isa pa, nakasalalay sa'yo ang future natin kasi ang matamis na oo mo ang hinihintay ko." Sabi pa niya kaya naman hindi ako tumugon.
"Nawawalan na 'ko ng gana sa totoo lang, akala ko wala ng chance e. Akala ko aasa na lang ako sa ala ala ng nakaraan. Totoo nga, first love never ends." Sabi nito sa akin this time nakaakbay na siya sa akin kaya naman umayos ako ng pagkakaupo.
Nakaupo kami ngayon sa buhangin dahil nasa dagat kami malapit pero hindi kami natatamaan ng tubig, hindi kami inaabot, malayo kami e. Malamig ang simoy ng hangin ang sarap sa pakiramdam.
"So true, sarap sa feeling mainlove. Mainlove sa taong siguradong mamahalin ka rin just like what love you invest. Thank you." Sabi ko sa kaniya sabay kapit sa braso niya. Pinababa ko ang kaniyang kamay na nakaakbay sa 'kin.
"Tara na, masyado ng malamig. Kumain na tayo at marami pa tayong kailangan tapusin bukas. Wag ka mag alala, mahal pa rin kita bukas. Hindi nababawasan, lalo pa nadadagdagan." Sabi ko rito kaya naman niyaya ko na siya tumayo kaya naman tumayo na rin ako.
Nakakapit lang ako sa braso niya habang papunta kami sa Hotel.
"Paano kung hindi ka kaya pumunta rito? Tayo pa rin kaya?" Tanong nito kaya naman natigil ako sa paglalakad.
"Tadhana talaga ang gumawa ng paraan para magcross ang landas natin na dalawa. Siguro, natuwa sa love story natin kaya gusto niya magtagpo tayo at ituloy ang naudlot. Ironic? nakatadhana siguro." Sagot ko.
"Ang mahalaga, mahal natin ang isa't isa." Sabi niya kaya naman nagpatuloy kami sa paglalakad.
Pagkapasok ay binati kami ng receptionist.
"Sa room na lang tayo kumain." Sabi nito habang papasok kami sa elevator.
"Nagpadeliver ka na naman?" Tanong ko habang nakakunot ang noo ko.
"Wala naman tayong choice e." Sabi niya sabay halik sa noo ko.
"Sige lang. Mag aayos lang ako tapos kakatok na lang ako after 30 minutes." Sabi ko rito sabay yakap sa kaniya.
Dalawa lang kami nakasakay.
"I miss you, every minute. Wag mo 'ko iiwan, wag mo 'ko ipagpalit sa mas better." Sabi ko rito kaya naman tumango siya habang hinahaplos ang pisnge ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa.
"Ayoko mangako, pero sisiguraduhin ko na ikaw lang hanggang sa dulo." Sabi nito sabay halik sa ilong ko.
"Sa simbahan na yung sa lips." Sabi niya kaya hinampas ko siya.
"Tangina mo!" Inis na singhal ko kasabay ng pagbukas pinto kaya nauna ako lumabas habang nakasunod siya.
"Haist, bipolar talaga." Sabi niya habang nakasunod siya sa 'kin.
"Ayos lang ako okay? masanay ka na sa akin. Sige na rito muna 'ko. Wag mo 'ko mamimiss kasi bukas, sa susunod, magkikita tayo. Manawa ka sa pagmumukha ko." Natatawang sabi ko.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ChickLitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.