Naiistressed na ako dahil sa dami ng utos ni Kiel.
"Wait nga lang Sir, hindi pa kasi tapos yung ginagawa ko e. 10 minutes." Sabi ko habang sumesenyasa sa kaniya.
"Wow!? Nagrereklamo ka pa talaga." Sabi niya kaya napabuntong hininga ako.
"Okay fine." Sabi ko sabay lapit sa kaniya.
"Tawagan mo 'to para sa akin at sabihin mo na cancelled muna yung meeting bukas ng 10 am na lang. Get it?"
"Yes sir."
"Okay."
Huminga ako ng malalim, sinimulan ko na yung ginawa ko habang dinidial ko yung number na inabot sa akin.
"Tangina!? Ang hirap pala ng trabaho ko. Gusto ko na sumuko." Sabi ko sa isip ko.
Panay ang buntong hininga ko habang hinihintay sagutin yung tawag ko.
"Sir Kiel, bakit ayaw sagutin?" Iritadong sabi ko.
"Just call her. Trabaho mo yan at isa pa problema mo yan." Sabi nito na tila naiinis pa.
Inis akong dinala ang papeles para sa labas na lang gawin.
"Buwisit na yun. Naiistressed na ako sa buhay buhay." Inis na sabi ko habang nahihirapan sa pagbubuhat.
"Tulungan na kita riyan, Phoebe." Sabi ng crew sa akin sabay kuha sa papeles.
"Thank you, naiistressed na ako first day pa lang. Ang OA kasi ni Sir Kiel e." Natatawang sabi ko.
"Sa isang taon ko na nagtatrabaho rito sa Coffe Shop, nasanay na ako sa poker face o kaya sa matalim na tingin na akala mo naghahamon ng away. Sanayan lang yan Phobe, ikaw masanay ka na kasi araw araw kayo magkasama." Sabi nito kaya naman napahinga ako ng malalim.
Hindi pa ako tinigilan ng Kiel na 'to hindi pa nakuntento at may pinatype pa kaya heto ako nagtatype. Nakakangalay na nga nagugutom na ako 1:23 na pero busy pa rin ako habang yung mga employee tapos na kumain samantalang ako kailangan pa tapusin bago kumain. What the heck? Walang hustisya 'to. Unang araw ko pero ganito agad bungad tila bukas ayaw ko na magtrabaho.
"Grabe naman 'to. Nakakatangina!" Inis na singhal ko sa isip ko.
"Ano? Gusto mo pa ba magtrabaho sa akin. I told you bago nag umpisa na disaster 'to pero umagree ka kaya magdusa ka." Sabi nito kaya naman sumimangot ako.
Hindi na lang ako nagsalita pa at minamadali ang ginagawa ko.
"Ang ingay mo Sir, alis na nga rito. Hindi mo naman ako tutulungan e." Sabi ko sa kaniya.
"I'm the boss. Desisyon ko mag stay o umalis. Wag mo 'ko utusan." Sabi nito kaya naman napailing ako.
3:23 na ako natapos kaya yun din ang umpisa ng pagkain ko ng luch. Lumabas ako sa office ni Kiel dahil wala naman siya tapos ko naman siya e kaya puwede na ako umalis. Buti na lang talaga at may malapit na karinderya rito sa may Coffe Shop kaya hindi ko na kailangan maghanap pa ng iba, hindi naman ako maselan e.
Nakakainis pa na nag commute ako para makarating dito. Halos maligaw na ako kasi yung kupal na Boss ko hindi ako sinabay pareho lang naman ang pupuntahan namin tapos magagalit nung na late ako ng 30 minutes. Hello? hindi mo kaya tinuro papunta rito sariling sikap ang ginawa ko.
"Yung meal mo ate. Tig 45 po." Sabi ko sabay abot sa bayad ko.
Napansin ko na tila ako na lang ang kumakain dito.
"Tila baguhan ka rito hija." Sabi ng ale na tindera kaya naman tumango ako bilang pagtugon.
"Ang amo ba ay isa sa pamilyang Mercado?"
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ChickLitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.