I'm patiently waiting to Kiel. Second meeting niya na 'to. Hinintay ko siya sa isang restaurant dahil kakain din naman ako. Tatagalan ko ng sa ganoon ay hindi ako maboring habang hinihintay siya. Masyadong malaki ang restaurant para maubusan ng space ang iba pa na parating.
"Table for one Ma'am?" Maayos na approach ng waitress. I smiled with her while nod.
"This way Ma'am." Sabi niya kaya nakasunod lang ako sa kaniya.
Minsan nababadtrip ako sa mga taong tinatanong kung isa or dalawa kayo, malay ba ng waitress o waiter kung may susunod pa o solo lang talaga. Mahirap ba tumango o sabihin na mag isa o kaya may kasunod kaya tatlo kami etc. Sarkastiko masyado ang attitude e.
"Here is the menu Ma'am." Nakangiti na abot niya pagkatapos ko umupo. Nakangiti ko rin naman 'to inabot.
Tbh, hindi ko alam alin ang masarap dito. Enough na ako sa karinderya kasi naniniwala ako sa simplicity is beauty, pinasosyal version lang talaga 'tong mga nasa restaurant. Kung kakain din naman kami ng mas ahead sa karinderya past food chain lang, like KFC, Mc Do, Jollibe, Mang Inasal at Chowking the rest wala na. Technically sa Maynila ko lang naranasan kumain ng mga 'to, although masarap naman sila sa panlasa at magaganda ang itsura. Mahal naman sobra.
Sinabi ko na lang ang inorder ko which is yung alam ko na may word na familiar sa akin, bukod kasi sa mahal ang nasa menu tila hindi ko alam paano sila kainin at baka hindi ko magustuhan dahil bago sa aking panlasa.
Hinintay ko ang order ko ng makita ko na tumatawag si Kiel dahil naramdaman ko ang vibration ng cellphone na nakalapag sa lamesa.
"Hello." Masayang bati ko.
"Where are you? Tapos na meeting ko. Ayokong hindi kita nakikita." Sabi nito sa akin kaya naman napangalumbaba ako.
"Nasa resto ako ng RSW malapit lang 'to sa pinagmeetingan mo. Kumakain ako sunod ka na kung tapos ka na sa meeting mo." Sabi ko pa rito.
Nakikinig lang ako sa kaniya.
"Sinabi ko wag ka aalis kasi ayoko mag isa ka baka mamaya may umagawa sa'yo e." Sabi nito kaya napangiti ako.
Nakakunot noo na naman ang isang 'to. Cute na naman niya.
Hindi ako sumagot dahil nilalapag ng waitress ang inorder ko.
"Salamat po." Sabi ko sa kaniya kaya naman ngumiti siya.
"Anoo?" Kunwaring inis na sabi ko.
"Ang tigas talaga ng ulo mo Queen, ayoko lang mawala ka sa akin e. Akin ka na e, wala man tayo pero may assurance na magiging tayo. Papunta na 'ko. Wag ka kakausap ng lalaki ha. I love you kahit matigas ang ulo mo." Sabi pa nito kaya napapailing ako.
"Oo na boss, wala akong kinakausap. Loyal ako sa'yo e. Sige na dalian mo at nag uumpisa na ako kumain. I love you." Sabi ko pa.
"Sige, 10 minutes nandiyan na 'ko." Sabi niya.
"Sige." Sabi niya kaya naman ngumiti ako at nilapag na lang sa lamesa ang cellphone ko.
Kumain lang ako habang hinihintay siya.
"I love you." Isang pamilyar na boses ang nagsasalita.
"Ewan ko sa'yo Boss, kain." Pang aaya ko habang nakatingin sa mata niya.
"Gusto lang kita panoorin habang kumakain ka, ang sarap mo tingnan." Sabi nito sa 'kin.
"Hindi ka nakakatuwa kasi nakakakilig ka." Sabi ko habang nararamdaman ko ang pamumula ng pisnge ko.
"Naks, buti naman. Yun gusto ko marinig. Anyway, kumain ka na habang chinecheck ko ang mga 'to." Sabi niya sabay pakita ng folder kaya tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Yung about sa pag uusap namin ni Mommy, alam na niya kahit wala pa 'kong binabanggit sa kanila." Sabi niya na kinatigil ko sa pagkain.
"Hala!? Anong sabi? Againts ba sila? Hala!? Nakakahiya kung gano'n. Sorry." Malungkot na sabi ko habang nakayuko.
"No, don't tell sorry kasi wala ka naman ginawa na mali e. Don't feel sorry for loving me. My Mom, ask kung kailan daw kita ipapakilala sa kanila. Napansin na ata nila na nililigawan kita." Sabi niya kaya naman tiningnan ko siya.
"Legit 'to?" Manghang sabi ko.
"Yup, pagdating natin sa Maynila ipapakilala na kita officially." Sabi niya kaya naman hindi ko mapigilan hindi mapahawak sa bibig ko para iwasan ang tuwa at kilig na nararamdaman ko.
"For real?" Manghang sabi ko.
"Yes, my Queen. My one and only Queen. Ikaw lang ang mamahalin ko." Sabi niya kaya naman naiyak ako.
Naghalo yung nararamdaman ko kaya naiyak ako.
"Ang suwerte ko, I'm to bless after all. Yung sacrifice at paghihintay ko. Worth it." Sabi ko habang pinupunasan ko ang luha sa mata ko.
"This is what you called right time. See? kapag kayo talaga ang will ni God, gagawa siya ng way para pagtagpuin kayo. Tayo ang gumawa ng tadhana nating dalawa. Naniniwala kasi tayo na tayo pa rin sa huli. Magiging tayo pa rin kahit gaano katagal tayong nawalay sa isa't isa, this is what love means. Yung kahit anong layo niyo, gaano katagal kayo nawalay sa isa't isa. Yung pagmamahal solid. First love never die." Sabi nito kaya naman hinawakan ko siya sa kamay.
"To lucky to have you. Tama na nga 'tong drama. Sayang yung pagkain kung iiyakan natin." Sabi ko pa.
Kaya naman nagpatuloy kami sa mga ginagawa namin. Ako habang kumakain siya naman habang seryosong nagbabasa.
To tired for this day kaya hindi ko na hinayahan pa si Kiel na makipag usap at tapusin ang trabaho niya. Ako na lang ang sumalo kasi inaantok na siya, kaya naman pinagpahinga ko siya sa kuwarto habang nasa sala niya 'ko. Gumagawa ako ng written report to be submitted bukas at sa last day namin. It's already 9:45 in the evening kaya ganoon na lang ang pagod na nararamdaman ni Kiel, he's workaholic person, industrious at the same time madiskarte ayaw niya walang ginagawa, pero gusto niya rin nag eenjoy siya para balance ang life.
"My King, just rest." Sabi ko sa isip ko.
Sige lang ako sa pagtatype ng mapansin na may tumutunog kaya naman hinanap ko 'to at napansin ko na phone ni Kiel dahil alam ko kung anong ringtone ng akin.
"Asan ba kasi 'yon." Inis na paghahanap ko.
Dahil nababadtrip na 'ko ay hindi ko na lang pinagpatuloy ang paghahanap at bumalik na lang sa ginagawa ko.
Naalimpungatan ako dahil naramdaman ko na tila may humahaplos sa mukha ko kaya dinilat ko ang mata ko. Nakita ko si Kiel na nakangiti sa akin.
"Hala!? Nakatulog na 'ko. Buti na lang tapos ko na siya." Sabi ko habang umaayos ng upo. Nagbanat banat muna ako ng katawan ko dahil sa pangangalay lalo na ang likod at batok ko.
"Sabi ko kapag hindi mo na kaya gisingin mo 'ko. Napagod ka tuloy at napuyat." Sabi nito.
"Ayos lang, sanay na 'ko. Tungkulin ko naman na 'to e. Nakakalimutan mo ata na oras ng trabaho at workers mo 'ko hindi nililigawan. Walang excepted sa trabaho, malulugi ka sa pinapasahod mo." Sabi ko pa rito tumayo na ako para magpahinga na sa unit ko.
"Matutulog na 'ko. Ayusin mo na lang yung mga yan. Bukas na yung hard copy ako na gagawa kapag oras ng meeting mo. I'll wait you." Sabi ko pa rito.
Naglakad na 'ko palabas ng hindi na siya hinintay pa siya. Pumasok na agad ako sa loob at dumeretsyo sa banyo para maghugas na muna.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ChickLitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.