Hindi na ako sumama sa mismong meeting nila Kiel. Sinabihan ko siya na kakain na lang ako habang hinihintay na matapos siya sa meeting niya.
"Isang packbet at one and half rice, pahingi rin po ng sabaw. Thank you." Sabi ko pa sa tindera. Naghanap talaga ako ng karinderya para mas mura. Ganoon din naman yun e, okay na 'tong gulay masustansya pa.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng bigla na lang mag ring ang phone ko.
"Yes hello?" Si kiel ang caller.
"What the heck!? Where are you?" Tila badtrip nitong sabi sa akin kaya naman napapailing ako habang nagpapatuloy sa pagkain.
"Kumakain ako, gutom na ako e. Tapos na ba meeting niyo?"
"Yeah, ba't hindi mo 'ko hinintay?"
"1 and half hour ako maghihintay riyan sa restaurant ng wala man lang gagawin bukod sa iinom. Nakakahiya jusme. Pabalik na ako." Sabi ko habang umiinom ng tubig.
Nabubulunan na ako kakamadali ko kumain, ito kasing Kiel na 'to e. Hindi ata nausuhan ng salitang MAGHINTAY.
Gusto lahat ng bagay o tao, madali lang makuha. Mali yun.
"Wag na puntahan na lang kita riyan. Text mo 'ko kung saan ang exact location mo."
"Wag na sir, pabalik na ako hintayin mo na lang ako. Bye." Sabi ko rito.
Sandali lang ako nagpahinga at umalis na para balikan yung tila idip na idip na Boss ko.
Ilang sandali ay tanaw ko na si Kiel na may kausap na babae. Yung babae natatawa habang siya seryoso lang nakatingin.
"Wala naman history 'tong si Kiel na may jowa siya e. Maybe pinsan o baka close friend." Sabi ko habang naglalakad palapit.
"I really want to personally meet that lucky girl stole you. Naks, galing niya." Sabi nung girl kaya napapailing ako.
"Hey." Singit ko sa usapan kaya nagulat si Kiel habang yung girl nakangiti lang.
"Hello, you are Phoebe Queen?" Tanong ng babae kaya naman ngumiti ako rito habang nakatango.
"Nice meeting you, by the way I'm Eunice bestfriend ni Kiel, kababata pala." Sabi niya habang inaabot ang kamay sa akin kaya naman kinuha ko 'to.
"Nice meeting you too rin." Sabi ko habang nag shake hands kami.
"Makaalis ka na bal, baka may sabihin ka. Madaldal ka pa naman." Sabi ni Kiel kaya napatingin ako rito.
Ano naman sasabihin nito? okay nga yun magkuwento siya para naman malaman ko yung history nilang dalawa e.
"Oo na aalis na 'ko. See you soon again. See you Phoebe." Sabi niya sabay beso nakipagbeso rin siya kay Kiel at naglakad na palabas habang tinitingnan ko siya na naglalakad palabas, lakad pang model siya tapos ang sexy at ang ganda tapos mapapatanong ka ba't hindi siya nagustuhan ligawan ni Kiel why is that? maybe hanggang kaibigan lang talaga sila. Malay mo yun talaga ang rason.
"Narinig mo pinag usapan namin?" Seryosong tanong nito kaya hinarap ko siya.
"Hindi, wala ako narinig sa pinag usapan niyo at naman mayroon wala akong pake. Okay?" Sabi ko pa rito.
"Tara, gala na lang tayo. May alam akong puwede natin puntahan na nakakarelax. Pero bago tayo magpunta bumili na muna tayo ng makakain para habang nagrerelax kumakain tayo." Sabi nito na sinang ayunan ko naman.
Sariwa ang hangin, hindi naman alam na isa pa lang open park yung napuntahan namin. Park na maraming couple. Mapuno at hindi dinadaanan ng sasakyan tanging mga naglalakad lang na tao ang mapapansin mo. May mga lamesa na may kasamang upuan dalawahan apatan, animan, walohan at maramihan pa.
Syempre dahil dalawa lang naman kami kaya sa pang dalawahan lang kami.
"Siya si Eunice, siya yung babaeng gugustuhin mo sa lahat ng aspeto. Sa ugali, sa itsura at lalo na sa academic. Walang kaarte kaarte sa katawan, sa pagkain hindi pabebe. Pero never kami na fall sa isa't isa. Kilala nga niya sino yung gusto ko noon pala na bata kami e. Kaso... ngayon nag usap kami dalawa na gusto ko. Puwede kaya yun?" Tanong nito dahilan para ipatong ko ang dalawang siko ko sa lamesa habang nakapangalumbaba nakaharap sa kaniya.
"Puwede yun, dalawa yung gusto mo. I mean siguro yung feeling mo roon sa nauna nandiyan pa rin kasi pinaghawakan mo pa rin and the other one na gusto mo ay baka kasi yung mga qualities na nahanap mo roon sa nauna na reach I mean napakita niya sa'yo. Hindi ako expert sa ganyan boss pero sure ako na sa huli niyan. Iisa lang mapipili ng puso mo." Sabi ko sa kaniya sabay tingin sa langit.
Malapit na lumubog ang araw, matatapos na naman ang araw at sisikat naman ang araw para sa panibagong journey.
"Paano kapag one day, yung taong matagal ko na gusto ay pinagtagpo kami. Habang onti onti na nawawala yung feelings ko sa kaniya at nandoon na sa isa." Sabi niya pa.
"Edi nasa sa'yo na yun kung sinong pipiliin mo. Alam mo ang mas magandang suggestion habang maaga pa. Tigilan mo na yung feelings mo kung umaasa ka pa rin sa nauna. Baka kasi mamaya mahalin mo yung isa dahil siya yung nandiyan, siya yung malapit sa'yo. O kaya hanapin mo yung nauna may facebook naman e. Baka malay mo may na upload siyang picture nung pagkabata niya na makakatulong para mahanap mo siya. Baka mamaya kasi isa sa kanila umasa tapos sa huli masaktan. Maganda na yung maaga alam mo ano yung feeling mo." Sabi ko sa kaniya.
"Ikaw ba? Wala ka bang gusto? I mean hindi ka pa ba nainlove?"
"Proud NGSB ako, may nanligaw naman sa akin hindi ko nga lang alam bakit hindi ko sinasagot. Maybe hindi naman kami magwowork. May gusto naman ako iniwan naman ako pero naka move on na ako sadyang gusto ko lang talaga malaman kung nasaan na siya para naman malaman ko yung rason ng biglaan na pang iiwan niya. Hindi mo naman kasi mapipigilan yung desisyon ng tao na yun e. Desisyon niya kung iiwan ka o mag iistay siya sa'yo. Hindi naman kasi lahat ng gusto mo magugustuhan ka, minsan puwede madalas hindi at malabo. Haist, bakit ba natin napag uusapan 'to Boss. Akala ko ba pagrerelax ang pinunta natin hindi stressed." Sabi ko para naman hindi na lalo humaba ang usapan at hindi na mapunta sa mga heart breakings.
"Kaya nga naman Phoebe, tara libot na muna tayo." Sabi nito kaya naman tumayo na ako at magkasabay kami na naglalakad.
"Bakit hanggang ngayon NGSB ka pa rin?" Tanong nito dahilan mapailing ako.
Jusko nag open na naman ng topic na wala naman kuwenta para sa akin. Piste na yan e.
"Ewan ko ba, kahit ako tinatanong ko yan e. Maybe dahil choosy ako. De joke, siguro naghihintay ng the one kaya ganoon. Bakit ikaw? I mean any moment puwede ka manligaw kasi panigurado gugustuhin ka ng kahit na sinong babae?" Sabi ko.
"Kahit ikaw?" Seryoso tanong niya.
"Gago, hindi magandang biro Boss." Sabi ko sa kaniya.
Gago 'to baka mamaya kapag sinabi ko na may chance paasahin ako. May gusto yan at hindi ikaw yun Phoebe, itatak mo yan sa kokote mo.
"Just kidding. Just like maybe I will patienly waiting the right one. Pero gusto ko talaga malaman kung nasaan na first love ko e. Naniniwala na ako sa first love never ends." Sabi niya kaya natawa ako.
"Panindigan mo yan, graduate na ako sa first love never ends na yan e." Natatawang sabi ko.
Natahimik na lang kami habang naglilibot. Hindi na rin ako nag open ng topic kasi sa totoo lang boring ako kausap kailangan mo mag open ng topic kapag ako kausap tapos kapag may topic na tayo alam ko na ang magiging flow, alam ko na paano dadagdagan yung kuwentuhan para sa ganoon hindi agad siya ma end. Ganoon naman talaga e, like ganito yung topic niyo tapos lalawak na yan kasi may madadagdag na roon na hindi naman talaga related para lang humaba yung pag uusap niyong dalawa.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ChickLitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.