Day off ko ngayon kasi sinabi ni Kiel mag day off muna 'ko. Magpahinga kasi sa dami ng nangyari sa amin nung nakaraan na araw. Three days na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag usap ni Kiel regarding kay Eunice hindi ko na rin inopen kasi baka hindi pa siya ready.
"Ayos lang ba talaga kayo? Ba't hindi ka dinadalaw. Dalawang araw ka na kayang nandito sa Apartment mo pre." Sabi ni Ben habang kumakain kami ng mangga sa Apartnment ko.
"Ayos lang talaga kami, may mga bagay lang talaga na hindi pa puwede." Sabi ko rito.
"Talaga lang? baka mamaya iiyak iyak ka riyan, nandito lang ako as always." Sabi niya habang hinahaplos ang likod ko.
"Gago, iba yun." Singhal ko kaya naman natawa ako.
Nagulat ako ng magring ang cellphone ko at pagtingin ko ay si Eunice ang tumatawag.
Nagkatinginan kami ni Ben dahil nakalapag lang naman sa lamesa yung phone ko.
"Kausapin mo baka may importanteng sasabihin sa'yo." Sabi nito kaya naman tumango ako at kinuha 'to.
Huminga ako ng malalim bago naglakad palabas.
"Hello." Sabi ko rito.
"Hello, Phoebe! Can I talk to you, I know ang kapal ng dating ko na kausapin ka pagkatapos ng ginawa ng Mommy at Daddy ko pati ako sa inyo lalo na sa'yo pero gusto ko sana ipaliwanag yung side ko." Sabi niya na halatang umiiyak siya.
Napakagat labi ako para pigilan ang pagtulo ng luha sa mata ko.
"Okay lang naman na hindi mo agad ako patawarin at sumbatan o magalit ka kasi tatanggapin ko yun e. Mali ko naman yun at hindi ko yun itatanggi pero please... I want to explain my side para alam mo rin. Kaya sana pumayag ka." Sabi niya kaya naman napabuntong hininga 'ko.
"Sige, just text me the location, pupunta ako." Sabi ko rito.
"Oh my gosh! Thank you, sana okay ka lang." Sabi nito na tila patanong kaya naman napapailing ako.
"I'm fine, ayos lang ako hindi ko naman naaapektuhan sa nangyari e. Pero hindi naman ako manhid para hindi masaktan e. Pero I'm fine." Sabi ko kaya naman sandali kami natahimik.
"Thank you, see you later. Take care." Sabi niya.
"Sige." Sabi ko kaya naman inend niya ang call.
Huminga na muna ako ng malalim bago tuluyan pumasok sa loob. Nagulat ako ng mapansin si Ben na nakatingin sa akin na tila nag aalala.
"I know you can do that I trsut you. Basta nandito lang ako para makinig." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
Naglakad na 'to paalis. Naiwan akong nakatunganga habang inaalala lahat ng pinagsamahan namin ni Kiel.
He's everything to me. Siya yung lalaking minahal ko kahit wala akong assurance na pagtatagpuin pa kami. Tinake ko yung risk sa paghihintay para sa kaniya, nagbakasakali ako na baka may chance na baka pagtagpuin kami ng pagkakataon. Nagbabakasakali na itinadhana kami ni God, nandito na kami e. Ngayon ko pa ba siya isusuko.
"Ilalaban ko 'to." Sabi ko pa bago ako naglakad papasok sa kuwarto.
Nakarating na ako sa venue kung saan kami magkikita.
"Table for one Ma'am." Sabi ng waitress kaya naman napangiti ako habang umiiling.
"Nasa loob na kasama ko e. Eunice Antonio was her name." Sabi ko rito kaya naman nginitian niya 'ko.
"This way po." Sabi niya habang nauuna siya maglakad sa akin. Nakasunod lang ako rito, ilang sandali ay natatanaw ko si Eunice na nakatingin sa menu habang may nakatayong waitress sa gilid niya.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ChickLitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.