Everything is back to normal. Natanggap ko na rin ang first sahod ko 3/4 sa pamilya ko at 1/4 sa akin kumbaga 25 percent lang ang akin. Every 2 weeks nga yung sahod ko e. Dapat weekly kaso sabi ko every 2 weeks na lang. Naisip ko na rin mag dorm kasi nahihiya na ako kila Kiel lalo na sa parents niya, dagdag palamunin pa 'ko tapos wala akong dulot.
"Boss, puwede ko ba kausapin ang mommy mo." Sabi ko rito.
"Bakit? Para saan? Dapat ko malaman kasi ako ang amo mo." Sabi nito kaya umiling ako.
"Hindi 'to about sa trabaho, personal 'to." Sabi ko pa sa kaniya.
"Hindi ko puwede malaman? Gaano ba ka personal yan? Exclusively for girls only?"
"Yup, girls only. So wag ka na chismosa boss." Sabi ko
Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko napansin ko na nakatingin 'to sa akin na hindi ko na lang pinasin pa. Alam ko kasi na hindi siya papayag kaya kay Ma'am Kelly ko na lang idadaan kasi alam ko may magagawa siya kasi nanay siya na pakikinggan siya kahit ang amo ko si Kiel. Atsaka isa pa labas na 'to sa usapan ng trabaho at nararapat lang na sa mama niya ako magpapaalam kasi siya naman nag welcome sa 'kin e. Kaya sa kaniya rin ako magpapaalam.
"Hindi na po ako sasabay sa lunch. May kailangan kasi ako asikasuhin e. Ayos lang ba Boss na half day lang ako bawas niyo na lang sa susunod na pay day ko?" Sabi ko rito.
Nagulat ako ng hampasin niya ang table niya dahilan para mapakunot noo ako.
May mali ba akong sinabi?
"Where the hell are you going!? Importante ba yan? Kaya ko doblehen ang sahod mo wag ka lang umalis? Ayos ba?" Inis na singhal nito kaya napailing ako.
"Hindi niyo ako masusulsulan ng pera Sir, I know any time na gusto niyo doblehen yung sahod ko magagawa niyo, pero Sir, pasensiya na pero aalis ako. Wala kayong magagawa kahit triple pa yung sahod ko. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pera lang ang kailangan ng tao, may mga panahon na hindi 'to mahalaga sa kanila. Sorry po." Sabi ko pa rito.
"Aalis na po 'ko. Tapos na ako sa pinapagawa niyo. Baka sa bahay ko na tapusin yung iba pa na ipapagawa niyo sa akin na kailangan bukas. Magpupuyat ako para tapusin. Salamat." Sabi ko sabay dampot sa shoulder bag ko at lakad palabas.
Akala mo naman talaga lahat ng tao masusolsulan niya ng pera. Ibahin niya 'ko! kahit 1 million pa yan kapag hindi ako interesado sa pera wala ka magagawa at kahit malaki pa ang offer mo hindi ako papayag na susulsulan mo ako ng pera. Ayoko magmukhang pera sa harapan niya mamaya isumbat pa sa akin e.
Pinara ko na yung jeep at sumakay.
Ilang sandali lang ay nakarating na ako napansin na ang isang ale na tila may hinahanap kaya naglakad ako palapit sa kaniya."Hello po, kayo po si Marites?" Sabi ko rito pagkalapit ko.
"Ikaw si Phoebe?"
"Opo."
"Tara. Ipakita ko sa'yo yung unit." Sabi nito kaya naman tumango ako.
Isa 'tong Apartment. Isa na lang ang kailangan punan at nabasa ko lang sa facebook 'to kaya ginrab ko na kasi may hiya naman ako sa katawan ko. Ayoko naman umasa na lang sa kanila atsaka nawawalan na sila ng privacy ganoon din ako.
"3 thousand ang down payment. 2 thousand per month." Sabi nito sa akin kaya tumango ako.
"Ito ang mismong loob niya. Ikaw bahala kung gusto mo ayusin o hindi. It's up to you. Kunin ko na lang yung down payment." Sabi niya.
"Bukas na lang po. Babalik ako para lumipat na rito." Sabi ko pa.
"O sige. Bukas na lang hija. Salamat."
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ChickLitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.