Hindi na ako halos mapakali dahil sa nerbos na nararamdaman ko. Hinihintay ko si Kiel na sunduin ako.
"Hindi ka ba nahihilo sa ginagawa mo pre." Sabi ni Ben habang nakakunot ang noo.
"Kinakabahan ako e. Ewan ko ba, nakakaparanoid." Sabi ko pa habang naglalakad at kinakagat ang labi ko.
Kung nagsasalita lang 'tong labi ko malamang nagalit na 'to sa sakit na ginagawa ko.
"Bakit ka naman kinakabahan? Pasado ka naman sa mama niya e. Chill lang kasi pre." Sabi nito kaya tumigil ako at umupo sa tapat niya.
"Haist." Buntong hininga ko.
"Iwanan na kita at baka mamaya abutan pa tayo rito. Goodluck, kaya mo yan." Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.
Panay ang buntong hininga ko habang lumalabas ako dahil tinext na 'ko ni Kiel na nasa labas na siya kasama si Khate.
"Hello." Nakangiting bati ko habang binubuksan ang gate.
Tumambad sa akin ang Kiel na malinis at mabango, matapang ang pabango niya kaya singhot agad.
"Ang sakit sa ilong ng pabango mo." Inis na sabi ko sabay hanging ko.
Jusme, ayaw ko sa masyadong matatapang. Nahahanging ako sa gano'n.
"Hala!? Pasensiya na Queen." Sabi niya kaya sinenyasan ko na wag na lumapit kasi baka hindi kayanin ng ilong ko.
"Sakay na tayo." Sabi ko rito sabay lakad papunta sa kotse niya.
Nasa front seat ako kasi nasa back seat si Khate.
"Hello ate, I miss you po." Sabi niya kaya nilingon ko siya.
"I miss you too, busy kami pareho ng kuya mo e. Sa day off ko, gala tayo." Sabi ko sabay tingin kay Kiel.
"Ba't hindi ako kasama." Sabi niya na halatang nagtatampo.
"Gago, malamang girl talk lang yun." Sabi ko sabay irap.
"Wag ka muna epal kuya. Isang araw lang naman kayo hindi magkakasama e." Sabi pa ni Khate kaya natawa ako.
"Namimiss ko siya every moment. Walang segundo ko siya hindi namimiss. Isang araw pa kaya baka hindi ko kayanin." Sabi niya kaya natawa talaga 'ko.
Magkakaroon na ba ng world war 3.
"Kuya!? OA mo na masyado. Baka nakakalimutan mo NGSB ka." Sabi nito kaya napatingin ako kay Kiel na seryosong nakatingin sa minamaneho niya.
"Gago, kaya nga ako NGSB at hindi binalik magjowa kasi hinihintay ko talaga siya e."
"Okay, enough. Baka saan pa mapunta yung pag uusap na yan." Pag awat ko sa kanila sabay tingin sa bintana.
Sandaling kaming natahimik. Pero ilang sandali lang ay binasag ni Kiel ang katahimikan.
"Galit ka ba?" Tanong nito kaya nilingon ko siya.
"Hindi, ba't naman ako magagalit." Sabi ko rito dahilan para tingnan niya ako at ibalik ang atensyon sa pagmamaneho.
"Dahil sa pabango ko, hindi mo kasi ako kinakausap e."
"Ginawa mo naman big deal yun. Wala 'yon, ayaw ko lang talaga ng amoy pero hindi ako galit. Atsaka, kinakabahan kasi ako kanina pagdating mo, sinalubong pa 'ko ng pabango mo. Pero okay na 'ko. Sanay na ako sa'yo. Mahal kita e." Sabi ko kaya naman hinawakan niya 'ko sa kamay.
"Mas mahal kita, araw araw kita mahal, mali segundo pala kita mahal. Mamahalin kita." Sabi niya kaya tumango ako.
Nakarating na kami kaya nauna sa pagbaba si Khate habang kami ni Kiel ay nanatili sa loob dahil ipaparada niya na raw ang kanyang kotse bago ako bumaba kaya nanatili ako.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
أدب نسائيA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.