(Play Ikaw at Ako by Moira and Jason while reading this part)
Thank you so much for reading! Enjoy reading EPILOGUE.
Apriloveyouu 💙
_______________________________
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagkatok na tila akala mo emergency. Kaya naman mabilis ako napabangon na hindi pa nakakapag ayos. Pagkabukas ko bumungad sa akin sila Kuya Paulo, Paul at Preice kasama si Mama at Papa. Ganoon na lang ang tuwa ko kaya naman niyakap ko sila, group hug na ang ginawa namin dahil namiss ko sila at hindi ko alam sinong unang yayakapin ko.
"Shems, nagulat ako sa inyo. Tears of joy yung iyak ko." Sabi ko habang humahagulgol ng iyak.
"Bunso, nagkita na rin tayo sa wakas. After one month." Sabi ni Kuya Preince kaya naman napangiti ako.
Bumitaw na ako sa pagkakayakap.
"Anak! Kumakain ka pa ba?" Tanong ni papa kaya naman tuwang tuwa sila Kuya.
"Papa... malamang, sadyang hindi ako tumataba. Unfair masyado e." Sabi ko pa rito.
"Pumasok na muna kayo sa loob." Sabi ko sa kanila kaya naglakad sila papasok.
"Anak..." Sabi ni papa kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"Paano po niyo nalaman 'to? Wala pa naman akong sinasabi sa inyo e." Nagtatakang tanong ko.
"May taong naghatid sa amin papunta rito." Sabi ni Kuya Paulo kaya naman napakunot noo ako.
"Sino po?" Nagtataka pa rin na tanong ko.
"Ayaw niya ipagsabi e. Basta ang sabi niya hintayin mo raw siya rito." Sabi ni Kuya Preince.
"Lalaki o babae?"
"Secret." Usal naman ni Kuya Paul.
"Samahan mo 'ko magpunta sa palengke anak, lutuan ko kayo nung paborito niyong ulam." Sabi ni mama kaya tumango ako.
"Sige po, magbibihis na muna 'ko." Sabi ko pa kaya naman tumango siya.
Nagpunta kami ni mama sa supermarket.
"Alin ba sa mga favorite namin ang lulutuin mo mama?" Tanong ko.
"Kahit alin doon."
"Nakakamiss kaya luto mo, lagi kasi akong lutong ulam e." Sabi ko rito.
"Tatagal kami rito ng isang linggo, bakasyon na rin namin ang isang 'to. Maiba tayo anak, may manliligaw ka ba?" Sabi ni mama kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"Sorry po..." Usal ko.
Hindi kasi alam ni Mama na may manliligaw ako e. Ayaw ko kasi sabihin kasi baka mamaya hindi niya matanggap lalo na at hindi kami pareho ng estado sa buhay, ayoko madissapoint ko sila.
"Ayos lang naman sa amin kung mayroon e."
"Mayroon po Mama e, nakalimutan ko lang banggitin kasi alam ko naman na magagalit sila kuya alam niyo naman po ang mga 'yon OA iniingatan daw nila ang kanilang nag iisang prinsesa." Sabi ko kaya naman ngumuti lang si mama.
"Kilala ko kung sino siya anak. Kababata mo ang isang 'yon, natandaan ko siya e. Nararamdaman ko na kayo talaga e. First love never die yun ang pinatunayan niyo at hanga kami sa inyo pareho. Sana tumagal kayo." Sabi ni mama kaya naman napangiti ako.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ChickLitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.