(Play Balang Araw by I belong to the zoo while reading this part.)
Hello, this will be the last chapter after nito epilogue. By the way, thank you for reading this one kahit on going pa lang 'to. Thank you sa comment and votes. Godbless everyone and spread positive and happiness in life.
Apriloveyouu 💙
-Annalyn (aprilannaaaa)
________________________________
Kiel Point of View
Naisipan ko muna na ayusin yung sa amin ni Eunice bago yung sa amin ni Phoebe, I know naman na mauunawaan niya 'ko e. Masakit man isipin na nakapanakit ako ay wala akong magawa dahil mas pipiliin ko yung taong mahal at hinintay ko. Minsan, kailangan din natin maging selfish para sa ikakasaya natin kasi malay mo siya na pala pinakawalan mo pa, edi nasayang. Atsaka hinintay ko siya, ngayon ko pa ba susukuan. Hinihintay ko si Eunice na dumating sa favorite tambayan. Dito kami lagi pumupunta kung gusto namin ng sariwang hangin o kaya peaceful kaya rito kami nagpupunta.
"Sorry for being late." Sabi ni Eunice na tila nagmamadali.
"Ayos lang, hindi naman ako ganoon katagal naghintay e." Sabi ko pa rito.
"Upo ka." Sabi ko sabay alok sa upuan na katabi ko.
"Thank you." Sabi niya sabay ngiti sa akin.
"Nakakamiss pala rito. Nakakamiss yung hangin, yung puno, yung saya. Nakakamiss lahat. Nakakamiss yung dating tayo." Sabi nito kaya naman natahimik ako.
"I was dream before, I was dream that someday yung friend turns to lover gano'n kasi yung mga nababasa ko o kaya napapanood ko. Nagbabakasakali ako na baka mag exist sa akin kaso wala ligwak, edi heto ang nangyari nakagulo na 'ko, makakahadlang pa 'ko sa masayang relasyon. Stupid idea self." Sabi pa nito na tila dissapointed sa sariling kagagawan.
"Nagmamahal ka lang kaya ganoon ang action mo. Wala naman tama o mali once nagmahal ka e. Yun yung bagay na susugal ka at hindi mo iisipin kung anong mangyayari aftef mo gawin, kung sasaya ka ba o hindi? kung ikabubuti o hindi? lagi nga lang may consequence kapag puro puso at hindi ginamitan ng isip. Hindi kasi pareho ang gusto ng puso at isip e. Ang mahalaga sinubukan mo, kaysa pagsisihan mo na wala kang ginawa." Sabi ko rito.
"Maybe, this is the consequence of the action I made. Masaktan, nakakainis kasi e. Nagsasawa kasi ako na marinig sa'yo na kaibigan lang ako na hanggang kaibigan lang ako. Tangina!" Inis na singhal nito habang tumutulo ang luha sa mata niya.
Nasasaktan ako para sa kaniya. Pero mas masasaktan ako kung bibitawan ko si Phoebe na nandiyan na sa tabi ko at hawak ko na at may assurance, baka pagsisihan ko pa 'to e.
"Iniisip ko dahil ako yung malapit baka may chance, balang araw magiging kami. Puro na lang ako balang araw pero lagi mo rin sinasampal at pinapamukha na magkaibigan lang tayo na may hinihintay akong dumating." Sabi niya habang napapailing.
"Nung unang beses ko siya makita, napatanong agad ako. Ano kaya ang kakaiba kay Phoebe na wala sa 'kin. Ganda, ugali, pinagsamahan. Ano Kiel? Gusto ko malaman kung anong mali sa akin bakit hindi mo 'ko kayang mahalin. Ako nandito sa tabi mo? Ako na walang ibang ginawa kung hindi damayan ka sa saya at sa lungkot at higit sa lahat mahalin ka kahit hindi mo alam na akala ko friendship lang na pagmamahal. Tangina! Putangina! Ang sarap mo sampalin e. Kaso, hindi pa rin mababawasan yung sakit na nararamdaman ko, kasi yung sakit na nararamdaman ko mas masakit pa sa physical." Sabi niya habang nakatayo na siya sa harapan ko. Puro lang siya iyak habang nakayuko kaya naman tiningnan ko siya at tumayo, pinatingin ko siya sa mata ko.
"Look Eunice, walang mali sa'yo. Walang kulang sa'yo at alam ng diyos gaano ako ka thankful to have you as a friend. Eunice... nauna ko minahal si Phoebe, she's everything to me. My first love, first crush, first encounter, first enemy. Hindi siya agad madali palitan at kalimutan. Yung pagmamahal ko para sa kaniya never nawala, never nabawasan kung hindi nadagdagan pa. Si Phoebe at ako tila nakatadhana na para sa isa't isa kasi tingnan mo mahal namin ang isa't isa kahit pa pinaghiwalay kami ng panahon sa loob ng mahabang taon. Wala yan sa lapit o layo, nasa pagmamahalan niyo yan. Eunice... I'm sorry kung mahal lang kita bilang kaibigan. Balang araw, you will find the right one, yung mamahalin mo at mamahalin ka. Wag ka mawalan ng pag asa." Sabi ko habang nakahawak sa balikat niya.
"Kiel.... ang sakit. Paano na 'ko ngayon? Paano na yung dating ako." Sabi niya habang umaagos ang luha sa mata niya.
Sa sobrang awa ng nararamdaman ko ay niyakap ko siya.
"Eunice, I love you as a friend. Sobrang suwerte nung tao na mamahalin mo kasi ang ganda mo at ang bait mo kaya wag mo isipin na walang magmamahal sa'yo, mayroon hindi mo lang talaga binibigyan ng atensyon kasi nakafocus ka sa taong hindi ka naman mamahalin. Darating din siya, magiging masaya ka rin basta matuto ka maghintay." Sabi ko kaya naman humigpit ang yakap niya sa akin.
"Just please.... hayaan mo ako yakapin kita ng mahigpit. Ang sakit lang talaga, hindi ko na kaya e." Sabi niya humahagulgol na siya kaya naman hinahaplos ko ang likod niya.
"I'm here. Always here walang magbabago." Sabi ko at naramdaman ko na tumango siya.
Nanatili kaming magkayakap habang tahimik kami at tanging ang pag iyak niya lang ang maririnig mo.
I realized, hindi mo pala kailangan hintayin yung tamang panahon ang kailangan mo pala yung tamang tao. Phoebe is the right one, FIRST LOVE NEVER ENDS sabi nga nila at iyon ang pinatunayan naming dalawa, yung puwede ka magmahal ano pa ang edad mo kasi wala naman tamang panahon e. Tamang tao lang, nasa tamang tao na ako kasi kahit taon na ang lumipas ay mahal ko pa rin siya at siguro tama na yung taon na pinagdaanan namin baka this time puwede na kami sa isa't isa na baka this time kami naman talaga ang will pero sinubukan lang yung tatag namin na akala nila pagtatagpuin lang kami pero hindi itinadhana pero mali sila, kami ay pinagtagpo dahil kami rin ang nakatadhana.
Huminga ako ng malalim ng bumitaw sa pagkakayakap si Eunice. She's look like stressed dahil sa pamumula ng mata niya.
"I'm okay but not feeling better. Siguro ayos na ako pero hindi ko pa nararamdaman na maayos talaga 'to. Pero thank you for staying. Sana, kapag pinalad ay maging magkaibigan pa rin tayo sa kabila ng kagagawan ko at ni Mommy, nakakahiya man pero sorry talaga." Sabi nito kaya pinisil ko ang ilong niya.
"Ayos na yun, napatawad ko naman na kayo e. Hindi na dapat pinapalaki ang bagay na yun, isa lang yung pagkakamali na naging maayos naman. Ang mahalaga ay ayos lang ang bawat isa, pasensiya na rin talaga. Matagal ko hinintay yung panahon na magkasama kami kaya inilaban ko na e." Sabi ko.
"Ayos yan, lumalaban. Sana all pinaglalaban. Anyway, kausapin mo na siya para matuloy na talaga ang love story niyo. I'll still support both of you kaya naman lambingin mo na para sagutin ka na niya." Sabi nito habang chinecheer ako.
"Sige, thank you. Be safe, take care sa pag uwi mo. Hindi na kita maihahatid."
"Ayos lang papasundo na lang ako mas mahalaga ang lovelife mo. Sige na go ka na boi." Sabi nito habang tinutulak ako paalis.
Ginulo ko na lang ang buhok niya at naglakad na pasakay sa sasakyan ko. Kinawayan ko siya pagkalayo at kumaway rin siya bago ako pumasok sa loob ng sasakyan. Mabilis ko naman 'to pinaandar.
May naiisip akong idea para mapasaya ko siya.
"Tama 'tong ideya ko. Para may alam na rin sila." Sabi ko pa kaya naman napangiti ako sa idea na naisip ko.
BINABASA MO ANG
𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️
ChickLitA story about NGSB Kiel Mercado, and NBSB Phoebe Queen Magbanua, but unexpected things happen. Pinagtagpo ang landas nila dahil may dahilan ito ay ang ipagpatuloy ang naudlot na love story.