FINALLY #8

150 24 4
                                    

Sa sobrang pagod ko sa pamamasyal hindi ko namalayan na nakatulog na pala 'ko. At ang kinagulat ko pa ay ba't nandito ako sa kuwarto ko ang alam ko nasa jeep kami pauwi e. Tiningnan ko si Kiel na mahimbing na natutulog kung saan dapat ako ang natutulog.

"Huh!? Ba't pinagpalit niya yung higaan namin. Dapat doon na lang ako e." Sabi ko pa.

Napansin ko na gutom na rin ako kaya tiningnan ko kung anong oras na. 11:23 puwede pa bumili. May stock naman siguro sa ref dahil ang alam ko namili kami para incase na magutom ang isa sa amin may makakain kami.

Tumayo ako at nilapitan si Kiel.

"Thank you so much Kiel, you remind me someone na malabo ko na makita at malabo na kami pagtagpuin ng tadhana." Sabi ko rito habang hinawakan siya sa pisnge.

"Sleepwell." Sabi ko pa bago naglakad palabas.

Naghanap ako ng puwede lutuin pero na end ako sa pagpiprito ng hotdog at itlog dahil nagagalit na ang mga alaga ko. Nagsaing ako sa rice cooker habang nagpiprito ako.

Pagkalipas ng isang oras ay natapos na ako alas dose na halos kaya naman naghanda na ako at sakto naman na kukuha ako ng pinggan ng magulat ako sa presensiya dahilan para mabitawan ko yung kakadampot ko lang na babasagin na plato.

"Hala! sorry." Sabi nito kaya naman nagulat ako. Hindi ko kasi pinailaw yung ilaw rito sa sala na maliwanag e. Tanging yung maliit na ilaw lang ang nagsisilbing liwanag ko dahil nasisilaw ako. Nagulat ako ng magliwanag kaya naman dahan dahan ko pinulot yung malalaki na piraso at dahil nalutang ako sa boses ni Kiel na tinatawag ako kaya naman ininda ko ang sakit.

"Stop! Wag mo pulutin yan." Sabi nito habang may dalang walis at dustpan.

"Wait lang." Sabi ko pa sabay tayo pero ilang sandali ay nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko na may sugat.

"Aray Kiel." Sabi ko habang pinipilit kumalas.

"Tigas ng ulo talaga tsk." Sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

Hinugasan niya ang kamay ko na may sugat tiningnan ko siya at nakakunot lang ang noo niya habang hinuhugasan. Iniwas ko na ang tingin ko at tumingin na lang sa kamay ko. Ginamot niya ang kamay ko sinabi ko naman na malayo sa bituka pero binalot pa rin niya para daw tumigil sa pagdaloy ang dugo. Napabuntong hininga ako habang nasa hapag kainan kami.

"Thank you." Sabi ko habang nag uumpisa sa pagkain.

"Wala yun, kargo kita." Sabi ko.

"Bakit?" Out of blue bigla ko na lang natanong.

"Bakit ko ginagawa 'tong mga bagay na ganito?" Sabi nito sa akin kaya naman napabuntong hininga ako.

"Sabihin na lang natin na may dahilan kaya ko ginagawa. Hindi mo pa malalaman sa ngayon, pero alam ko malalaman mo ang sagot sa tanong mo. Ikaw mismo ang makakasagot sa sariling tanong mo." Sabi niya kaya naman napailing ako.

"Kumain na nga lang tayo." Sabi ko sa kaniya kaya naman tumahimik lang kami habang kumakain.

Napapailing ako dahil sa kulit ng amo ko.

"Kaya ko naman talaga e. Malayo sa bituka 'to Sir." Sabi ko sa kaniya.

Paano ba naman ayaw ako papasukin dahil lang sa sugat na mayroon ako. Ang liit liit nito jusme.

"Dito ka lang dahil maboboring ka lang doon. Itetext kita kapag natapos na yung meeting ko para makakain ka. Okay, take care." Sabi nito kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang tumango at tingnan siya palabas. Nagulat ako ng may marinig ako na nagriring at alam ko na hindi 'yon sa akin kaya naman hinanap ko kung nasaan at bumungad sa akin ang cellphone ni Kiel, balak ko sana hayaan na iend ang call kaso baka importante kaya naman sinagot ko 'to.

𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗟𝗬 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon