Chapter 2. "The Painting She Left"
Elyse' POV
"Okay ka na ba talaga, Elyse?" tanong ni Ma'am habang nasa bus kami. Tumango-tango ako at naupo na lang sa upuan ko. Ang sabi nila nawalan daw ako ng malay at nakita nilang nakahandusay kanina sa museum. Mabuti na lamang at tinawag ni Emerald si Ma'am.
"Elyse, dito na lang muna itong painting na ito ha? Hindi kakasya 'to dyan sa compartment." sabi ni Ma'am na pinagtaka ko. Napatayo ako sa sinabi ni Ma'am.
"Painting po?" Naguguluhang tanong ko.
"Yes, ito oh." Sabi ni Ma'am saka pakita ng bagay na 'yon. Natahimik naman ako at biglang naalala ang nangyari kanina.
"You seem so kind and beautiful and I guess he deserve to be with you now. Iiwan ko na siya sayo."
So that's a painting. That mysterious girl left that painting. But what makes me think even more is that.
"Siya?" Naguguluhang tanong ko.
"Uy," napalingon naman ako kay Emerald nang kalabitin niya ako. Umupo ulit ako at nagtataka siyang tiningnan.
"Bakit?" tanong ko. Tiningnan naman niya ako na parang pinapaamin niya ako. "What's with that look, besh?" naiilang kong sabi.
"Hoy, beshie ninenok mo 'yong painting 'no?" Nabigla ako sa sinabi niya.
"What? Hindi 'no?!" I exclaimed. "Something really just happened in the museum earlier, besh. Kahit ako nagtataka." Sabi ko sa kanya.
"Sinong nagbigay sayo ng painting?" tanong niya. Bigla ko na namang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina.
"Isang babae, besh. A really weird-mysterious girl." Sabi ko kay Emerald. Natahimik naman siya sa sinabi ko.
"Baka artist 'yon don sa museum, besh tapos kakatapos lang niya i-paint yung painting and she asked the museum if they can take it but the museum declined then she just gave it to you." Emerald concluded. Magaling talaga siyang mag-analyze ng mga pangyayari.
"Siguro nga, but what makes me wonder is, ano kayang painting 'yon, besh?" tanong ko. She shrugged.
"Pero kung worth it ibenta, besh ibenta natin." Natatawang sabi niya at natawa na lang din ako.
Madilim na nang nakarating kami sa school. Nakasakay na rin si Emerald pauwi sa kanila habang ako naman ay nag-aabang ng taxi dito sa tapat ng school. Ang mas nakakainis lang ngayon ay bitbit ko itong pagkalaki-laking painting na 'to. Nasinghap na lamang ako sa inis. Nang may humintong taxi na sa harap ko ay mabilis kong binuhat ang painting pero dumaplis sa kamay ko kaya muntik na mahulog mabuti na lamang nang may umalalay sa akin. Napatingin ako sa taong sumalo sa painting ko at halos mapako ang tingin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Painting Who Walks At Night
FanfictionOn their field trip to a museum, Elyse Anne Villasis met a strange lady who gave her a painting. It was a painting of a handsome Korean guy. And Elyse discovered that the guy in the painting walks at night.