Chapter 6. "Thank you for saving me"

4.8K 292 44
                                    

Playlist 01. I will be here for you - Kaligta

 I will be here for you - Kaligta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 6. "Thank you for saving me"

Elyse' POV

            "Hello, sister." Bati sa akin ni Venice habang maangas na nakangiti at nakataas ang kilay. "I told you, we're not over yet."

            Seryoso ko siyang tiningnan at ang mga kasama niyang lalaki na tumatawa habang nakatingin sa akin. Natakot ako at nanlaki ang mga mata nang makita ko ang mga hawak nilang maso at martilyo. Ito na nga ba ang sinasabi ko, I know Venice will do this after what I did to her. This is her revenge.

            Hindi ako nagsalita at tiningnan lang sila ng seryoso. Hindi rin naman ako makakahingi ng tulong dito sa parking dahil wala gaanong tao. I should have prepared myself for this. I didn't expect na ngayon sila at hindi sa school gagawa ng gulo. Naglakad palapit sa akin si Venice at pinanlisikan ako ng mata.

            "Game over, sister." Sigaw niya saka sampal ng malakas sa akin. Bigla namang sumugod na ang mga kasama niya. Ang akala ko ay ako ang sasaktan nila ngunit halos gumuho ang mundo ko nang makita kong paghahampasin nila ng maso at martilyo ang kotse ko.

            "Stop it!" Sigaw ko sa kanila pero hinila lang ako ni Venice at muli akong sinampal.

            "Don't you dare to do that again to me you illegitimate child!" Malakas na sigaw niya sabay sabunot sa akin. Gumanti ako ng sabunot sa kanya pero ang mga kasama niya ay patuloy pa ring sinisira ang kotse ko. Rinig na rinig ko ang alarm ng sasakyan ko habang walang habas nilang hinahampas.

            Nang makawala ako sa pagkakasabunot ni Venice. Tiningnan ko siya ng masama habang hingal na hingal.

            "Sige, sirain mo! Magsaya ka sa pagsira ng kotse ko, Venice kasi you know what? Your damn father will buy me new one anyway!" Sigaw ko. Kitang-kita ko naman ang pagkapikon niya sa sinabi ko.

            "You bitch!" Sigaw ni Venice saka kinuha ang hawak na martilyo ng kasama niya. Nanlaki ang mga mata ko at maluha-luha siyang tiningnan. She's really an evil, napakasama niya!

            Akmang hahatawin niya ako ng martilyo nang mapapikit ako at hinintay ang sunod na mangyayari nang hindi ako nakaramdam ng sakit o ng pagtama ng martilyo sa akin ay dumilat ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Tila bumagal ang oras ng mga oras na iyon habang kita ko siyang hawak ang braso ni Venice na may hawak na martilyong ipupukpok niya sana sa akin.

            "Ikaw?" sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko at paghikbi. Tiningnan naman niya ako at seryoso siyang nakatingin sa akin. Inalis niya ang tingin sa akin at tiningnan si Venice at saka tinaboy ang braso ni Venice at humarang sa akin.

            "Anong ginagawa niyo mga kutong lupa?" maangas at mayabang na sabi niya kay Venice at sa mga kasama nito. Kita ko ang panggagalaiti sa mukha ni Venice.

The Painting Who Walks At NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon