F E A T U R E D S O N G:
Playlist 02. Tabi - Paraluman ft. Kean CiprianoChapter 28. "It's okay, I'm fine"
Lee Yu-jun's POV
Namangha ako at natulala sa paglabas ni Elyse sa tanghalan. At kung noon ay sinasabi kong hindi maganda ang katawan niya, binabawi ko. Ang husay niyang maglakad na tila nang-aakit. Mas lalo pa akong natulala at lubhang namangha sa kanya ay nang tumingin siya sa akin at ngumiti. Napangiti rin ako sa kanya.
"Ay, ngiting hanggang langit lang oppa?" rinig kong sabi ni Emerald sa tabi ko. Napangisi na lang ako at iniwas ang tingin kay Elyse na ngayon ay pabalik na sa likod ng tanghalan.
Napalingon naman ako kay Emerald nang kalabitin niya ako. Nagtataka ko siyang tiningnan habang siya naman ay nakangiti sa akin.
"Yu-jun, umamin ka nga sa akin, may gusto ka ba sa beshie ko?" natatawa niyang tanong. Nalito naman ako sa sinabi niyang 'Beshie' pero palagi niyang tinatawag si Elyse sa pangalan na iyon.
"Beshie?" tanong ko. Mabilis naman siyang tumango at tila sabik na malaman ang sagot ko.
"Beshie, si Elyse. May gusto ka ba kay Elyse?" tanong ni Emerald na kinabigla ko. Malakas ang sigawan ng mga tao rito sa lugar kung nasaan kami ngunit malinaw na narinig ko ang tanong niya.
Hindi ako nakasagot at natulala lang sa kanya saka iniwas ang tingin. "Anong uri ng tanong iyan?" sabi ko lang sa kanya. Narinig ko naman ang pagbungisngis niya. At hindi na ako kinulit pa.
Naidapo ko naman ang aking palad sa aking pisngi at ramdam ko ang pag-iinit nito. Nagtataka rin ako sa biglaang lakas ng bawat pintig ng aking puso dahil sa tanong ni Emerald.
Minabuti ko na lang na hindi pansinin ang kakaiba kong nararamdaman na malamang ay dala lamang ng panahon.
Muli ay lumabas mula sa likod ng tanghala ang mga kandidata na sa kasali sa patimpalak na ito. Nag-ingay muli ang mga manunuod at maging sina Emerald at ang kasama niyang isang ginang ay sigaw nang sigaw pero ang umagaw sa atensyon ko ay ang batang kasama namin na masama ang titig sa akin kanina pa. Nginitian ko ang bata pero umikot lang ang kanyang mata sa akin. Gusto ko siyang tirisin na parang kutong lupa sa ginawa niya sa akin na isang mahal na prinsipe.
"Elyse!" Mabilis akong napalingon sa tanghalan nang malakas na sumigaw si Emerald. Mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan at nagulat nang mahulog si Elyse sa tubig. "Somebody please save her, she can't swim!" muli pang sigaw ni Emerald at tumingin sa akin. "Yu-jun si Elyse!" sigaw niya sa akin.
Agad akong tumakbo palapit sa dulo ng tila lawa na ito nang mapahinto ako sa pagtitig ko sa tubig. Mabilis na kumabog ang dibdib ko at binalot ng buong takot na sumuong sa patalon sa tubig. Nakikita ko naman si Elyse na panay ang kampay at pagpupumilit na umahon.
BINABASA MO ANG
The Painting Who Walks At Night
FanfikceOn their field trip to a museum, Elyse Anne Villasis met a strange lady who gave her a painting. It was a painting of a handsome Korean guy. And Elyse discovered that the guy in the painting walks at night.