Chapter 15. "Breaking the spell"
Lee Yu-jun's POV
Umaga pa at hinihintay ko lang ang paglubog ng araw. Kapag umaga ay hindi ko talaga magawang lumabas sa larawang ito. Pakiramdam ko ay para akong bilanggo sa kulungan, parang sumpa na hindi ko maintindihan. Tuwing gabi naman ay hindi ko nakakausap si Elyse ng matagal dahil kailangan niyang magpahinga at matulog. Hinahayaan niya na lang ako na manuod ng TV buong magdamag o hindi naman kaya ay naglalaho ako para puntahan ang libingan ni Elizabeth.
Napapitlag ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng bahay ni Elyse. Napangiti ako sa pananabik dahil maaga siyang nakauwi. Dinungaw ko siya mula sa larawan ngunit kumunot ang aking noo nang hindi tinig ni Elyse ang narinig ko kundi tinig ng dalawang lalaki.
"Are you sure about this, Edward?" rinig kong tanong ng isang lalaki sa isa pa.
"Relax, I just want to teach her a lesson." sagot ng isa pang lalaki. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bumukas ang kwarto ni Elyse at doon ko nakita ang dalawang pamilyar na lalaki.
"Silang mga salbaheng kutong lupa?" nagtatakang tanong ko sa saking sarili. "Bakit sila nandito sa bahay ni Elyse?"
Masama kong tiningnan ang dalawang lalaki na pumasok sa silid ni Elyse at may kung anong tinitingan sa buong kwarto nang mapatingin sa larawan ko ang isang lalaki.
"What the fuck? Look at this Ed." Sabi ng isang lalaki at lumapit naman ang isa pa. "Remember him?"
"Fuck! He is the freak long-haired guy with Elyse at the bar." Bulalas ng isa pa at nakita ko ang masamang tingin nito sa akin.
"Oo, ako nga 'yon mga kutong lupa. Wala naman kayong binatbat sa akin." Pagmamalaki ko sa dalawang kutong lupa.
Muli ay nagpalibot-libot sila sa kwarto ni Elyse at pinapakialaman ang ilang gamit ni Elyse. Nakita ko pang kinuha ng isang lalaki ang damit ni Elyse at inamoy ito. Mariin kong naikuyom ang aking kamao at nanlilisik ang mga mata silang tiningnan mula sa loob ng larawan. Mga salbaheng kutong lupa!
Kinuha pa ng isang lalaki ang larawan ni Elyse at saka ito hinalikan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngunit labis akong naiinis at hindi natutuwa sa aking mga nakikita. Ano ba sa tingin ng dalawang kutong lupang ito ang ginagawa nila? Kalapastanganan sa mga kababaihan ang kanilang ginagawa!
"Dude, prepare the handkerchief now." Sabi ng isang lalaki sa kanyang kasama. May nilabas naman na isang panyo ang kanyang sinabihan at isang maliit na botelya at inilagay iyon sa panyo.
"Simple as that, and when Elyse got home, it's the heaven for us."
Hindi ko naiintindihan ang pinagsasabi at pinaguusapan nila ngunit alam kong hindi ito maganda at may masama silang binabalak kay Elyse. Napalingon naman ako sa pinto ng silid ni Elyse nang marinig kong bumukas ang pinto ng kanyang bahay. Bigla namang tumahimik ang dalawang lalaki at nagtago sa sulok ng kwarto ni Elyse.
BINABASA MO ANG
The Painting Who Walks At Night
FanfictionOn their field trip to a museum, Elyse Anne Villasis met a strange lady who gave her a painting. It was a painting of a handsome Korean guy. And Elyse discovered that the guy in the painting walks at night.