Chapter 40. "Away from you"

2K 132 7
                                    

10 chapters left! 👊🏻

10 chapters left! 👊🏻

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 40. "Away from you"

Lee Yu-jun's POV

Bumalik na ako sa silid namin at naabutan ko doon si Elyse sa tapat ng pinto ng silid namin na may kausap. Hindi ko kilala ang kausap niya, isang lalaki na walang suot na pang-itaas at tila masaya ang pinag-uusapan nila.

Napasalubong ako ng kilay nang makita sila. Naglakad ako palapit sa kanila ngunit hindi ko sila pinansin at pumasok lang sa loob ng silid.

Maya-maya pa ay pumasok na rin si Elyse. Nagkatinginan kaming dalawa ngunit tumaas lang ang kilay niya at inikutan ako ng mata at naglakad patungong palikuran.

"Sino ang hambog na ginoong kausap mo? Hindi mo ba batid na delikado ang makipag-usap sa isang estranghero?" asik ko sa kanya. Nilingon naman niya ako at nakita ko ang nakataas pa rin niyang kilay habang masama akong tinitingnan.

"Ano naman sa'yo? Nagtanong lang siya sa akin at bilang isang manggagawa dito tinulungan ko siya." asta niya. Napangisi naman ako at natawa sa naging sagot niya.

"Tinulungan? Tila masaya at galak na galak kang nakikipagtawanan sa kanya?" pang-aasar ko. Nakita ko namang naasar siya sa sinabi ko.

"At least hindi ako nagpapansin sa mga babae sa beach at nagfifeeling artista at binabalandra ang payatot niyang katawan." ganti niya. Medyo hindi ko naunawaan ang unang niyang sinabi ngunit batid kong iniinsulto niya rin ako.

"Anong sabi mo? Payatot ako?" sabi ko't napangisi at tumawa. "Noong panahon ko ako ang pinakamakisig sa buong palasyo." bigla naman siya tumawa.

"Ay oo nga pala, mahigit isang daang taon ka na. Sorry po, Lolo Yu-jun. Oh, ingatan mo ang tuhod mo baka marupok na." pang-aasar pa rin niya. Hindi ko na nagustuhan ito kaya sumama na ang tingin ko sa kanya ngunit hindi naman siya natinag at ginantihan lang ako ng sama ng tingin.

"Malala ka na." sabi ko lang at saka padabog na naglakad palabas ng silid namin.

Ang tagal ko nang naglalakad mula nang umalis ako sa silid namin ni Elyse. Hindi ko rin namalayan na nakalabas na ako ng lugar ng pahingahan na iyon. Hindi ko rin alam kung nasaang lugar na ako. Ayos lang naman iyon dahil maaari naman akong maglaho mamaya upang bumalik sa silid namin.

Mapuno at hindi katulad ng sa syudad ang lugar na ito. Kakaunti lang din ang taong makikita mo sa paligid at mga payak na tao lang din ang makikita mo tulad ng mangingisda at magsasaka.

Sa paglalakad ko ay napahinto ako nang may narinig akong tunog ng pinupukpok na bakal. Nang sundan ko kung saan nanggagaling ang tunog ay may nakita akong isang silong at maliit na tirahan.

Naglakad ako palapit sa silong at kita ko ang nagtatalsikang kislap ng baga. May isa ring lalaki na madungis ang hitsura at siya ang nagpupukpok sa bakal. Isa siyang mangpapanday.

The Painting Who Walks At NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon