Chapter 7. "Dealing and Teasing with the Prince"
Elyse' POV
Pasado alas-onse na ng gabi nang umakyat ako sa rooftop ng condo. Nakamasid lang ako sa buong syudad habang nilalasap ang malamig na simoy ng hangin. Nakasanayan ko na, na kapag may malalim akong iisipin o hindi naman kaya hindi ko na kayang magtago ng nararamdaman ay pumupunta ako dito sa rooftop.
Habang pinagmamasdan ang nagkikislapang mga ilaw mula sa iba't ibang gusali at sasakyan, muli ay sumagi sa isip ko ang mga nangyari kanina. Noong dumating si Venice at sirain niya ang sasakyan ko. Noong dumating si Yu-jun para iligtas ako kay Venice. Sa mga nangyaring 'yon, muli kong naaalala ang malungkot na kahapon. Kung paano kami ipagtabuyan. Kung paano nagmakaawa si Mommy sa kanya. At kung paano niya kami iwanan. Maging ang pagkaaksidente namin ni Mommy.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang nakatulala sa mga ilaw ng mga sasakyan. Pinunasan ko ito gamit ang palad ko at huminga ng malalim.
"Wow! Mas maganda pala ang tanawin dito kesa sa silid mo!" Napapikit ako ng mariin dahil sa inis nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Sinisira niya ang drama moment ko! Inis ko siyang nilingon at doon ko siya nakita habang sabik na sabik at manghang-mangha sa kanyang nakikita. "Elyse, ano ba ang mga makukulay na ilaw na 'yon?" Masigla niyang tanong sa akin.
"Mga sasakyan 'yan. Yung karuwahe na tinawag mo kanina." Inis kong sagot saka siya inirapan. Nakita niya kaya akong umiiyak?
"Ah, iyong sinira ng mga kutong lupa kanina?" muli niyang tanong. Tamad naman akong tumango-tango habang naniningkit ang mata na nakatingin sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at muling nagmasid sa tanawin mula dito sa rooftop. Habang tinitingnan ko naman siya bigla namang kumulog na may kasamang kidlat.
"Hoy, uulan na. Baka mawala ka kapag nabasa ka." Paalala ko sa kanya. Blanko ang mukha naman niya akong tiningnan.
"Ayo slang itatapon mo naman din ako di ba?" sagot niya sabay tingin sa akin habang nakanguso at nagpapaawa pa ang mga mata. Napasinghap ako sa ginawa niya.
"Ayos ang paawa effect mo? Sorry pero hindi 'yan eepekto sa akin." Natatawa kong sabi sa kanya. Nakita ko naman kung paano naningkit ang kanyang mata at ngumusu ang labi niya sa inis. "Pero may mas maganda akong gagawin sayo." Sabi ko sa kanya.
"Ano?" asar niyang tanong nang hindi ako tinitingnan.
"Ibebenta kita!" Sabi ko saka humagalpak ng tawa. Tiningnan naman niya ng mas lalong pikon ang hitsura.
"Ang sama ng ugali mo. Alam mo kung nasa panahon ko lang tayo at nasa kaharian kita, pinadakip na kita sa mga guwardiya at pinatapon sa kulungan." Pikon niyang sabi habang ako ay patuloy lang sa pagtawa.
BINABASA MO ANG
The Painting Who Walks At Night
FanfictionOn their field trip to a museum, Elyse Anne Villasis met a strange lady who gave her a painting. It was a painting of a handsome Korean guy. And Elyse discovered that the guy in the painting walks at night.