Chapter 11. "Living with the Prince"
Elyse' POV
Ilang raw na ang nakalipas matapos malaman ni Yu-jun ang nangyari kay Elizabeth. Ilang araw na rin siyang hindi ko nakikitang lumabas ng painting. Tuwing gabi naman pagkatapos kong kumain ng dinner ay nag-iiwan ako ng pagkain niya sa dining table para kung sakaling lumabas siya ng painting para kumain ay may makakain siya. Pero hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, pero nag-aalala ako sa kanya. Tanda ko pa ang mga nangyari noong gabing 'yon.
"You're not alone, Yu-jun. I am still here. Please, be with me." Sabi ko sa kanya habang taimtim na nakatitig sa kanyang mga mata. Kita ko pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata at ang labis na kalungkutan dito.
Naramdaman ko naman ang marahan na paghaplos niya sa pisngi ko dahilan para mapapikit ako. At sa isang iglap lang, pagmulat ko ay wala na kami sa cemetery at nasa parking na kami ng condo ko. Did we just teleport?
Inalis niya ang mga palad niya sa aking pisngi at lumayo sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya ng tahimik at kita ko ang seryoso at tulala niyang mukha. Habang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang naglaho sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling pumasok sa lobby papunta sa elevator. Habang nasa elevator ako ay sobra ang kabog ng dibdib ko. Wala na ba siya?
Pagdating ko sa unit ko ay agad akong pumunta sa kwarto ko para tingnan ang painting pero pagbukas ko ng pinto, napatigil ako nang may matapakan ako sa sahig. Pagtingin ko, mga damit na suot kanina ni Yu-jun. Dinampot ko ito at marahan na napatingin sa painting, at doon nakita ko si Yu-jun, at kita ko rin ang labis na lungkot sa kanyang mukha sa painting.
Malalim akong napabuntong hininga. Bigla naman akong siniko ni Emerald na katabi ko. Tiningnan ko siya at nilalakihan niya ako ng mata. Napatingin naman ako sa board at doon ko nakita ang professor namin na nakatingin sa akin.
"Ms. Villasis, are you okay?" My professor asked me. Tumayo naman ako at napatingin kay Emerald at pinakita niya sa akin ang dapat kong basahin pero babasahin ko pa lang ito nang muling magsalita ang professor namin. "Focus, Ms. Villasis, focus." May awtoridad na sabi nito. Tumango-tango na lang ako biglang sagot at napayuko saka naupo ulit. Sa pag-iisip ko kay Yu-jun, hindi ko alam na kanina pa pala ako tulala sa klase. Nakakainis naman.
Pagtapos ng klase namin ni Emerald ay may isang oras kaming vacant. At bago ako umalis kanina sa room ay tinawag pa ako ng professor namin at binigyan ng activity dahil sa hindi ko pakikinig sa klase niya kanina. Kaya naman nandito kami ni Emerald ngayon sa may study area at sinasagutan ko ang binigay na activity ng professor namin. Umalis muna si Emerald para pumunta sa cafeteria at muli ng maiinom namin.
Habang mag-isa at nagsasagot ako nga activity ko, napatingin ako sa harap ko nang may naupo rito. Pagtingin ko kung sino ay agad na sumama ang mukha ko. Ano naman ang plano at gusto ng dalawang 'to? Sila 'yong dalawang mokong sa bar na mga kaibigan ni Venice.
BINABASA MO ANG
The Painting Who Walks At Night
FanfictionOn their field trip to a museum, Elyse Anne Villasis met a strange lady who gave her a painting. It was a painting of a handsome Korean guy. And Elyse discovered that the guy in the painting walks at night.