Chapter 34. "You will go with me"

2.2K 127 1
                                    

Chapter 34

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 34. "You will go with me"

Lee Yu-jun's POV

Nasa loob na ako noon ng larawan nang marinig ko si Elyse na nasa tapat ng pinto ng kanyang silid habang may kausap sa kanyang telepono.

Taimtim lamang akong nakikinig at napapaisip. Pansin ko rin ang kakaibang kilos at palaging pag-iisip ni Elyse ng malalim. Palagi ko rin siyang nahuhuling nakatulala sa hangin at masyadong matamlay ang kanyang kilos.

Napasalubong ako ng kilay habang nakikinig sa kanya sa loob nh larawan. Rinig ko ang mahinang paghikbi niya.

"It is all settled, besh. Aalis ako after this semester." rinig kong sabi niya. Kung hindi ako nagkakamali ay si Emerald ang kausap niya.

"Aalis si Elyse? Saan siya pupunta?" bulong ko sa aking sarili. Natulala ako at labis na naguluhan sa aking mga narinig. Aalis siya, saan siya pupunta?

"Magiging mag-isa akong muli?" mahinang sambit ko sa aking sarili at malalim na napabuntong-hininga.

Wala namang kakaibang nangyari sa mga sumunod na araw. Pwera na lamang ang mas lalong dumami ang palaging umaaligid na mga hangal na binibini sa akin sa kanilang paaralan. Mayroon ding lumalapit sa aking mga tao at may inaalok sa akin kapag sumasama ako kay Elyse sa kanyang trabaho. Ang sabi ni Elyse inaalok nila akong maging modelo ngunit hindi ako pumapayag.

Naging abala rin ako sa pag-iimbistiga kay Arkin. Kumpirmado kong siya talaga si Suk-jeong. Ngunit hindi ko pa rin batid kung ano ang kanyang pakay at binabalak.

Minsan nang nasa paaralan kami nila Elyse ay nagpaiwan siya sa isang kubo doon at kami naman ni Emerald ay pumunta sa bilihan upang bumili ng makakain.

"Emerald," tawag ko kay Emerald at saka siya seryosong tiningnan. Pansin ko naman ang pagtataka sa kanyang mukha at hinihintay ang aking sasambitin. "Aalis ba si Elyse? Saan siya pupunta?" tanong ko sa kanya.

Hindi agad nakasagot si Emerald sa akin at pumaling-paling ang tingin sa paligid.

"Hindi pa pala niya nasasabi sayo?" mahina at may lungkot na sabi niya. Mabilis akong napailing-iling bilang sagot.

Malalim na huminga si Emerald at maigi akong tiningnan.

"Aalis siya sa susunod na katapusan ng buwan." sagot niya. May kung anong sumikip sa aking dibdib na aking naramdaman nang marinig ko ang sagot ni Emerald.

"Saan siya pupunta?" tanong ko.

"Sa Canada."

Hindi ko alam ang lugar na sinasabi ni Emerald. Kaya naman nang magkaroon ako noon ng oras ay nagtungo ako sa silid-aklatan ng kanilang paaralan at naghanap ng isang aklat na mayroong mapa ng daigdig.

Simula sa bansang Pilipinas ay hinanap ko kung nasaan ang bansang sinabi ni Emerald at nang makita ko ito ay agad akong napabuntong-hininga. Malayo ang bansang Canada sa bansang ito. Habang nakatingin naman sa mapa ay nakita ko rin ang pinanggalingan kong bansa, ang basang Korea. Kung tutuusin ay kung sa Korea pupunta si Elyse ay maaari pa akong maglaho at mapuntahan siya roon ngunit kung sa bansang Canada naman ay hindi. Dahil hindi ko pa napupuntahan ang lugar na iyon.

The Painting Who Walks At NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon