Chapter 20. "Looking for answers"
Elyse' POV
Pag-uwi ko ng condo ay tiningnan ko ang painting ni Yu-jun. He is there. Napatingin naman ako sa sahig nang makita ko ang damit niyag suot kanina. Kinuha ko ito at tinupi habang tinitingnan ang painting ni Yu-jun. Habang nakatingin ay naisip ko ang tanong niya kanina kung galit ba ako. I actually don't know what to answer. Sobra akong naguguluhan. Wala naman kasi siyang ginawang masama sa akin para magalit ako sa kanya. But why do I feel this heavy feels in my chest?
Malalim akong napabuntong hininga at saka lumabas na ng kwarto ko para maghanda ng dinner ko. Pagtingin ko sa fridge ay may mga iniwan na namang pagkain si Yaya Miding. Kinuha ko ang isang container ay inilagay 'yon sa microwave oven. Pagtapos ay naupo na ako sa dining para kumain. Habang kumakain ay natulala ako nang muling sumagi sa isip ko ang imahe ng paghahalikan ni Venice at Yu-jun kanina. Mabilis ko namang iniling-iling ang aking ulo para huwag nang isipin ang nakita ko kanina. Napasinghap pa ako dahil sa inis.
"Kahit mag anuhan pa sila sa harap ko, wala naman akong pake." Sabi ko na lang sa sarili ko at saka kumain ulit nang mapahinto ako sa pagnguya nang maalala ko naman 'yong gabi na muntik din akong halikan ni Yu-jun. Muli ay napasinghap ako dahil sa naaalala ko. "He's a damn player. Maybe he is really a player during his time." Sabi ko ulit at saka binilisan ang pagkain ko.
Pagtapos kong kumain ay pumunta ako sa harap ng larawan ni Yu-jun. Nakataas ang aking kilay habang tinitingnan siya ng masama.
"Sana lang hindi ka malason sa halik ni—" napahinto ako sa pagsasalita nang mapagtanto kong kahit nga pala nasa larawan si Yu-jun ay nakikita at naririnig niya ang nasa paligid niya. Inis ko siyang tiningnan at nasapo ang noo. Hindi ko na lang siya pinansin at nahiga na sa kama ko. Habang nakahiga at nakatingin sa ilaw ng lamp shade ko ay napaisip ko.
Bakit ba ganito ang pakiramdam ko?
Kinabukasan ay nagising ako at nabigla ako pagbangon ko nang makita ko si Yu-jun na nakaupo sa kama ko. Napatingin ako sa labas ng balcony ko at umaga na't sumikat na ang araw. Binalik ko ang tingin kay Yu-jun at napakunot ako ng noo nang makita ko ang pang-asar na nakangiti niyang mukha.
"Anong ngiti 'yan? Ang aga-aga ah!" bulyaw ko sa kanya pero ang isang 'to ay tumawa lang. Mas lalo akong nainis sa reaksyon niya.
"Elyse, alam ko na kung bakit ka nagagalit sa akin." Nabigla ako sa sinabi niya. "Nagsesel—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at malakas siyang sinipa pababa ng kama ko. Napadaing siya ng sakit sa pagbagsak niya sa sahig. "Masakit 'yon ah!" bulyaw niya at tumayo. Ako naman ang ngumiti ng pang asar sa kanya.
"Kung ano man ang iniisip mo, nagkakamali. At saka hindi naman ako galit!" sabi ko sa kanya at saka tumayo na ng kama at lalabas na sana ako ng kwarto ko nang bigla niya akong hawakan sa braso. Nagtataka naman akong napalingon sa kanya at nakita ko ang nag-aalala niyang mukha.
BINABASA MO ANG
The Painting Who Walks At Night
FanfictionOn their field trip to a museum, Elyse Anne Villasis met a strange lady who gave her a painting. It was a painting of a handsome Korean guy. And Elyse discovered that the guy in the painting walks at night.