Chapter 46. "Don't wanna go back"

2.1K 122 2
                                    

Chapter 46

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 46. "Don't wanna go back"

Lee Yu-Jun's POV

Kanina pa ako naglalakad habang tulala. Kanina ko pa rin pansin ang tinginan ng mga taong nakakakita sa akin at kanina ko pa rin iniisip ang huling pag-uusap namin ni Elyse. Galit siya sa akin at ayaw na niya akong makita. Tama naman siya, kasalanan ko ito. Ako ang pakay at nais na kitilin ni Arkin ngunit nadamay pa iyong salbaheng babae. Kaya galit na galit sa akin si Elyse.

"Sabi ko umalis ka na! Umalis ka na, ayoko nang madamay pa sa gulo niyo ni Arkin o ng Suk-jeong na 'yon. Umalis ka na, iwan mo na ako."

"Elyse..." malungkot kong sambit sa kanyang pangalan at napatingala sa kalangitan.

Habang nakatingala sa kalangitan ay mas nalungkot ako dahil sa dami ng nagkikislapang bituin. Ang dapat ay maging masaya ako dahil maganda ang mga bituin at ibig sabihin din nito na magiging maganda ang araw ngunit malungkot ako. Batid ko ang sakit at kirot ng aking dibdib dahil sa pagtaboy sa akin ni Elyse.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Gabi na ngunit hind pa rin ako kinukuha pabalik ng larawan. Isa pa ay hindi ko na alam kung nasaan ang larawan. Nang magtungo kami kanina ni Elyse sa pagamutan upang dalhin ang salbaheng babaeng iyon ay hindi na niya hawak ang larawan.

Kanina pa ako naglalakad ngunit hindi ko naman alam kung saan ako tutungo. Muli ay nagpawala ako ng malalim na paghinga at tiningnan ang paligid ko. Hindi ko alam ang lugar na ito ngunit mayroon mga mahahabang upuan at mga haligi ng ilaw. Mayroon ding iilang tao na mga nakaupo sa upuan.

Naupo rin ako upang maghinga muna sandali. Pag-upo ko ay napansin ko ang mantsa ng dugo sa aking damit na marahil ay dahil sa pagbuhat ko sa salbaheng babaeng iyon nang dalhin ko siya sa pagamutan. Hinanap ko naman ang isa pang mantsa ng dugo sa parte ng aking damit. Ito naman ang mantsa ng dugo ko noong huling nagtuos kami ni Suk-jeong.

"Kailan ba matatapos ang lahat ng ito?" tanong ko at muling huminga ng malalim. Iniisip ko pa rin si Elyse. At iniisip ko rin kung saan ako mamamalagi ngayong gabi.

Tumayo na ako upang maglakad na ulit nang biglang may humawak sa braso ko. Nilingon ko kung sino ito at laking gulat ko dahil sa nakita ko.

"Buti naman nakita kita." hingal na hingal na sabi ni Emerald kasama si Loraine na hingal na hingal din.

"Saan ka ba nagpupunta?" inis na tanong ni Loraine. Hindi ko nakuhang sumagot dahil nagtataka ako at bakit sila nandito at bakit nila ako hinahanap.

"Hindi ko pa alam kung saan ako tutungo." sagot ko sa kanila.

"Alam namin! Kaya ka nga namin hinahanap." sabi ni Emerald na ngayon ay maayos na ang paghinga.

"Tara na, Emerald." pag-aya ni Loraine. Hinawakan naman ni Emerald ang braso ko na pinagtaka ko.

The Painting Who Walks At NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon